DANICA
"DANIIII, tulungan mo naman ako kung anong formula nito. Nakalimutan ko kasi, eh." sabi ni Kara.
Nasa Physics Lab kami at kasalukuyang sinosolve ang Law of Gravity. Iniwan muna kami ng teacher naming si Mrs. Blanca dahil tinawag ito ng headmistress.
Hindi ako sumagot. Nakatulala kasi ako kung saan. Naririnig ko naman sya but my eyes and body refuse to response dahil nakatutok ako kay Yumi. Ilang araw na rin akong laging tulala na nakatingin dito. Nacoconfused na talaga ako sa sarili ko.
Bigla naman itong tumingin at biglang kumabog ang dibdib ko pero as usual, para nya kaming papatayin ni Kara sa uri ng tingin na binibigay nito sa amin. I sigh at sumimangot.
Death glare pa rin? Galit na galit kaya ito dahil sa nangyari sa amin?
"Daniiii? Daaannniiii?" hinihila ni Kara ang mga braso ko. Ang kulet! Nagkatitigan kami ni Yumi pero ako ang unang bumitaw dahil hinila ng makulit na si Kara ang mukha ko. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na sumimangot si Mara.
"Anong ginagawa mo?" pabulong at salubong ang kilay na tanong ko.
Instead na sumagot, ngumiti ito at inabot ang kunwari'y answer sheet nito. Na may nakasulat na,
'Nakatingin sya. Pagseselosin ko muna. Please, help me.'
Tumingin ako dito with the look na 'di makapaniwala. Baliw ba ito? Gagamitin pa akong panakipbutas sa pagiging torpe nito.
'Let's talk about this later'. Sinulat ko sa papel at padabog na pinatong ko sa harapan nya. Ngumiti naman ito ng malapad at niyakap ako saba'y sabi ng pacute nitong. "Thank you, Daniiii!"
Great! Ngayon 'di lang si Yumi ang nakatingin sa akin ng nakakamatay na tingin, pati na rin si Mara.
Wtf, Kara!
Oo, may gusto si Kara kay Mara. Actually, 'di lang basta gusto, inlove ito kay Mara.
Nalaman ko nung weekend ng hinahanap ko sya para makapaglakwatsa kami dahil gusto kong ialis sa isipan ang mga nagawa namin ni Yumi.
We had s*x, for effin' christamari's sake! Not only once but I don't know times, hanggang sa mapagod ito at makatulog that until now gusto ko pang ulitin. What? Really, s*x was amazing with her. I don't know why but I enjoyed doing it with her. Um-exit naman ako ng makatulog ito.
Kung ako lang ang papapiliin, ayaw ko sanang umalis pero umiwas na ako sa ratrat na gagawin nito dahil alam kong i-beblame nya na naman ako sa nangyari sa amin na sa katunaya'y naenjoy naman nito. I just can't deal with her ranting anymore kaya ako umalis bago pa ito magising.
At ngayon nga, kitang-kita ko kung gaano ito kagalit sa akin. Umiwas ako at ganun rin ito. Tutal wala naman dapat kaming pag-usapan, 'di ba? It was just one night stand at first time ko yun sa babae.
I don't know about her. But base in her expertise, ewan ko lang, nakakaduda. Hayyy...
Kung alam lang nyang 'di na ako nagkaroon ng peace sa buhay ko simula ng may nangyari sa amin.
But of course, it will never happen again. It was just a mistake. A mistake na nagpaiba sa ikot ng mundo ko.
Gusto mo ngang ulitin eh! Shut up, brain!
Nakakainis nga dahil this past few days, I found myself always longing for her touch. Lagi akong excited na makita ito kahit pa nga puro death glare ang naeearn ko dito.
Pati relasyon namin ni Marco affected na rin. Para bang nawalan na ako ng affection sa kanya. Dapat nga sana maging masaya ako dahil nasa Boys school na ito.
Yes, nasa VBS for boys na ito. Nalaman ko pagkatapos magconfess ng pagmamahal ni Kara para kay Mara at ginawa pa akong sample sa pagtatapat nito sa Green House. Muntik nga itong magfreak out dahil parang may nakarinig sa amin nun, kasi may narinig kaming parang may naapakan na dried twigs beside the bushes pero nang tignan namin, pusa lang pala.
As for Marco, Dad help him to enrolled kasi nababaitan sya kay Marco at boto sya dito para sa akin. Oh di ba, dapat excited ako? Pero bakit ganito?
Nakatitig lang ako sa white board habang iniisip kung gaano kakumplikado ang buhay ko ngayon. Hmp! Hayyyy...
"Class, good news." sabi ni Mrs. Blanca na nasa loob na pala ng Lab. Excited namang tumingin ang ibang estudyante dito. Good news, eh. "The annual merging of two schools ay mapapaaga this year." excited na sagot ni Mrs. Blanca.
Nagsimula ang bulong-bulungan. Ang iba nama'y parang mga batang napatili, including Clara.
Anyare?
Confused na tumingin ako kay Kara. But before pa makasagot si Kara, nagring na ang bell. I gathered my things when Mrs. Blanca called me to stay for a while. Tumango ako sa mga kaibigan ko, signaling them to go to the next subject without me.
"Dani, since baguhan ka, I guess hindi mo pa alam kung anong merging ang sinasabi ko." sabi nitong pinaupo ako sa harapang silya.
Tumango ako.
"So, the annual merging was the two schools of VBS for boys and girls will have to merge, the same schedule of classes either sa boys school or sa girls. Annually, so yearly. And this year dito na sa girls ang schedule, so the boys will have to be here at day time. Even the teachers will have to shift in teaching. Depende sa heads kung sino ang mga magtuturo sa mga students." sabi nito.
Ganun pala yun? Hala, magkakasama na kami ni Marco. Ayiiee!
Sure ba tong excitement ko? I shrug the negative thought.
Hindi muna ako nagsalita ng ilang sandali then I decided to ask, "Kailan po 'to?" tanong ko sa kanya.
"Bukas na bukas din." sagot nito then I just nod tapos dinismiss na nya ako.
Wala sa sariling lumabas ako sa room. Napaisip ako ng mariin. Ang daming pumapasok sa isipan ko. Si Marco, si Kara, si Yumi, ang merging.... Ahhhh!!! Ayaw na ayaw ko talaga ng complications. Urgh!
Tapos naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ng aking blazer. I swipe the screen and read the text.
Kara: Please pagselosin muna natin si Mara. I just want to make sure if she felt the same way. ≥﹏≤
Me: May merging na Kar. Paano ko ieexplain sa bf ko kung magpiPDA ka?
Oo, magkakilala na sila ni Marco. Nagkakilala sila that same day na nag-open up sya sa akin.
Kara: He'll never know. Promise. Walang makakaalam. Please.
Me: Bahala ka.
Kara: Yehey! You're the best! ҉٩(*'︶'*)۶҉
Hayyy... wala na akong nasabi basta alam ko nung araw na yun para akong zombie. I just went to the flow. I attended my classes, Yumi was still glaring at me, Kara was beginning to be all lovey-dovey na hinahayaan ko na lang, Mara was not talking to me at laging nakasimangot sa akin and Clara was extremely happy since kaninang nasabi ni Mrs. Blanca ang about sa merging.
Sumasakit ang ulo ko. Err. Gusto ko ng umuwi sa dorm at matulog habang buhay. At para akong jet plane na agad nagtake off ng magbell na, ending the last period of the day.
Parang narinig ko pa ang mga anghel sa langit na kumanta ng HALLELUIAH!
+++
Kinabukasan...
"Ang gwapo-gwapo nya talaga. Ehhhh..." narinig kong kinikilig na sabi ni Clara. Para itong batang may worms sa pwet dahil sa sobrang likot nito.
"Obvious ka masyado, bruha." puna naman ni Kara na nakacrossed ang isang kamay sa braso ko habang nakatingin sa Mara na busy'ng-busy sa project ng grupo namin.
Nasa school ground kami ng VBS girls at kasalukuyang gumagawa ng group project with the boys.
Juniors at Seniors lang pala ang nagmerging. Akala ko pati freshmen at sophomore.
Magkagrupo kami ng kambal, si Kara at tatlong boys na galing sa boys school na nakilala ko sa pangalang Jose, Mario at Lucio. Dalawa sa kanila si Jose at Mario ay myembro ng Urban Frets na parang kanto boys ng VBS boys and infairness, napakagood looking din ng mga ito.
Paano ko nalaman ang about sa Urban Frets? Kwinento ng makulit na fan nilang si Lucio. Aspiring Urban Frets din daw kasi ito.
"Sino bang tinitignan mo at para kang mamatay-matay sa kilig dyan?" tanong ko kay Clara at tumingin sa direksyon kung saan ito nakatingin. "Crush mo si Basil?" malakas na sabi ko.
Nakakuha ako ng atensyon sa ibang mga estudyante including the gorgeous Mayumi who's giving me the makapanindig balahibong glares nya. But actually, sa mga braso namin ni Kara ito nakatingin or I was just imagining?
Ahh, imagination ko lang yun. Hate nya naman talaga kaming pareho ni Kara kaya ganyan sya makatingin. Sa isip ko. But Damn, panu nya namanage maging maganda everyday?
"Wag kang maingay." sabi ni Clara at tinakpan ang bibig ko.
"Uuuyyyyyy...." tudyo ng mga boys.
"Since freshmen mo pa crush si Basil, 'di ba Clara?" may tonong sabi ni Jose. I mean, pahum na parang kinakanta yung words.
"Oo nga, Clara. Magtapat ka na." may tono ring sabi ni Mario.
Namumulang nagface palm si Clara. Natawa naman si Kara at Mara. Tinutudyo na rin nila si Clara.
Wow! Since freshmen? Naaamazed akong napatingin kay Clara. Ganoon katagal itong nagkagusto kay Basil? Wow ha.
Tsaka may nagstrum ng gitara at biglang kumanta nang...
Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit anong aking gawin
Di mo pinapansin...
Nagduet na pala si Jose at Mario. Ganda nga ng mga boses nila.
Samantalang ang pulang-pulang si Clara naman ay tinutudyo pa rin nina Kara at Mara. We are attracting students na rin. Ang iba umiikot na sa grupo namin.
Kailan, kailan mo ba hahaplusin
Ang pusong bitin na bitin
Kahit anong gawing lambing
Di mo pinapansin...
Palakpakan ang mga estudyante ng matapos kumanta ang dalawa. Wow! Bihira lang ang mga lalaking may pang balladeer ang genre but Jose and Mario was really a good singer.
"Thank you, guys. That song is for Clara Sy." sabi ni Mario at kumindat kay Clara.
Hiyawan ang mga girls na parang sila ang kinilig, pero nakayuko lang si Clara at pulang-pula. Si Kara at Mara ay masayang sinusundot si Clara. Tsaka naman nagbell for lunch time then unti-unti ng umalis ang mga estudyante.
"Nice voice, guys." compliment ko sa kanila.
"Thank you, Dani. Ahh syanga pala..." si Mario sabay kuha sa Iphone nito sa Blazer. Tsaka purposely hinulog ang phone sa bermuda grass at pinulot ng ilang segundo. Nagtataka kaming lahat na nakatingin dito.
"Nasira yata phone ko." worried na sabi nito.
"Ay, tanga. Bakit kasi hinulog?!" sabi naman ni Mara.
"Talaga?" sabi ko naman na kinuha ang phone nito. Wow ha Iphone, tinapon lang. Rich kids talaga, oh.
"Oo, sira kasi wala ang phone number mo. Pakitype na lang dyan Dani, if you don't mind." pacute na sabi ni Marco.
"Assoooosssss!!!!" sabad naman ng mga kasama namin.
Nakangiti naman akong tinype ang number ko at binalik ang phone ni Mario. Inabot nito ang kamay ko at matagal na binitiwan habang pacute ng pacute.
"Aheem. Baby, lunch na tayo." sabi ng nakakunot noong Marco at nakatingin sa mga kamay namin ni Mario. Agad naman akong bumitiw at lumapit dito.
"Let's go, babe. Gutom na ako." ngiting sabi ko dito. "Girls?" nakangiting tumango naman ang mga ito pero ang mga mata'y nasa takang-takang mukha ni Mario. Tumayo ang mga ito at naglakad patungo sa DITO.
"Ay, may boyfriend na pare." narinig ko pang sabi ni Lucio bago kami tuluyang lumayo sa mga ito.
"Pinopormahan ka ba nun?" nakakunot noo pa ring tanong ni Marco sa akin. Nauna na kami ng kaunti kina Mara, Clara at Kara.
"Asus selos, oh. Wala yun." assured ko naman dito.
Tapos bigla kong naalala si Yumi. Kung alam mo lang Marco. No way! Wala akong balak sabihin ang nangyari sa amin ni Yumi!
"Sure ka ha?" si Marco.
"Opo. Trust me." sabi ko naman. Weeehh??? Brain, shut up!
+++
MAYUMI
Why do I have to sit with her?
Damn, she is gorgeous than ever! Wattahell is she doing to me? Ano ba naman 'tong iniisip ko?
Nasa DITO kami having lunch with the one big happy family. Yes, one big happy family.
Cris wants me to sit sa table ng mga kapatid nya na kinauupuan naman ng circle of friends ni Dani at syempre boyfriend nyang si Marco. So, I invited my roommies Micah and Sheila to join with us. Kaya ngayon one big happy family nga kami, ako lang ang bitter.
Hindi kaya ako bitter! Against naman ng utak ko.
Kitang-kita ko ang naiinggit na mukha ng ibang estudyante. Sino ba namang hindi? All of us belonged to the famous circles in VBS. Ewan ko lang sa probinsyana at bf nitong kung makatingin ay parang sasakalin ako. As if naman belong sila sa amin. Duhhh! Joiners!
Sa isang banda naman, maririnig mo ang Urban Frets na nagjajam sa isang sulok habang maraming girls na nakapaligid sa mga ito.
Narinig ko pa ang inawit ng isa sa kanila.
"Ang probinsyana ay di basta basta...."
Trust me, I know. Hindi nga basta-basta ang mga probinsyana. Grr!
Nanggagalaiti akong nakatingin sa probinsyana dahil sa kalandian nito. Biruin mong nasa right side nya ang boyfriend nya, panay pa ang lampungan nila tapos yung girlfriend naman nya nasa left side nya. Err, ang landi. Landiiiii!!!
"Excuse me, CR lang ako." sabi ko kay Crispin.
Alis na lang muna ako baka kasi 'di ako makapagpigil at masabunutan ko pa ang malanding probinsyana. Hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon 'di ko pa sinisiwalat sa madla na ang akala nilang 'di makabasag pinggan at mabait na Dani ay super flirt at mahilig sa polygamy kind of relationship.
Sa CR...
Nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin habang naghuhugas ng kamay. Nakahinga ako ng maluwag dahil walang ibang tao kundi ako lang. Tapos bumukas ang pintuan pero 'di ako nag-abalang tignan kung sino man ito. Tumalikod na ako para umalis ng harangin ako ng kung sino.
"What the fu---" sabi ko ng mabangga sa pigura nito at muntikan ng mapaupo sa sink. "What do you think you're doing?" galit na sabi ko.
"I just wanted to talk." mariin na sabi ng green eyed girl sa akin. "Yumi?"
Hindi ko napansing matagal na pala akong nakatitig sa mga mata at labi nito.
"Ahm." I compose myself. "Talk? Para saan?" maldita kong sabi.
"A-about w-what happened. You know, bet-between us at your place." 'di makatingin na sabi nito.
Ano namang gustong marinig nito? Na nagustuhan ko ang nangyari sa amin? Hell, no!
"Bakit ka umalis na hindi ako ginigising?" ay bigla lang lumabas sa bibig ko. It's not what I'm suppose to say. Kill me now! "I mean...ano---"
"I was afraid. Kasi ikaw kasi, ano kasi---" ninenerbyos namang sabi nito.
Gosh, she is so beautiful when she's like that. Yumi? Anong iniisip mo? Tomboy ka ba? No!
"Know what, never mind. Just forget about it and I could go back hating you again, as I always do." sabi ko at akma ng lalayo ng harangin nya uli ako.
"Why do you hate me so much?" sabi nitong look pissed na rin.
"You're asking me why? 'Di ba sinabi ko na sa'yo?! Tsaka meron pa pala akong idadagdag sa hate list ko sa'yo. Kasi malandi ka. May boyfriend ka na, may girlfriend ka pa tsaka nakikipagsex ka pa kahit kanino. Aba, landi mo te. Hindi ka lang social climber, two, three timer ka pa!" sabi ko. Nakita kong naconfused ang mukha nito.
"Girlfriend? Anong pinagsasabi mo?" nakakunot noong sabi nito.
"Sus, maang maangan effect. Tse! Alis na nga dyan." sabi ko at tinulak ko ito pero 'di ito natinag. Ay, malakas ha. "Ano ba? Padaanin mo ako!"
"You know what, naiinis na rin ako sa kasungitan mo eh. You need to be punished." sabi nito and before I could react she's kissing me hungrily.
I tried to fight. Pinilit kong kumawala dito but my body betrayed me. I found myself responding to her kisses. I hate her so much but I enjoyed kissing her.
Nagmake out session din kami ng matagal-tagal. She even pressed my butt para maglapit ng mabuti ang mga katawan namin and that keeps me wanting more from her. Gosh! Nag-iinit ang katawan ko.
Nahiya naman ako ng kumalas na ito at ako nama'y nakapikit pa rin. Nang marealize ko yun, nagmulat ako at yumuko. I'm sure namumula ako.
"I don't know what it is but I can't help myself wanting you, Yumi." sabi nitong nakatitig sa akin.
Feeling ko naman nalusaw ang puso ko sa sinabi nito. Tapos naalala ko si Kara. Wag kang bibigay, Yumi!
"Tss. Tigilan mo nga ako. Idadag mo rin ba ako sa collections mo?" galit kong sabi. Natigilan naman ito sa change of mood ko. Her mouth started to talk but I shove her and pass through her. Sinubukan nya akong pigilan but I manage to escape from her.
Ang landi talaga ng probinsyanang yun! But I love her kisses. Oh no no no no... Erase Yumi, erase! Remember, Ice Queen ka. Wag kang magpapatibag.
Inayos ko ang sarili at binalik ang nakamamatay na titig ko na walang sinumang nagtatangkang bumangga. Si Dani lang. Grr. That girl!
Umupo na ako sa tabi ni Crispin at maya maya'y dumating na rin si Dani at umupo sa tabi ng bf nya. Panay ang nakawan namin ng tingin. I just can't take my eyes off of her. Lalo na sa labi nya at sa dila nya. Ugh!
"Tell me Marco, panu kayo nagkakilala ng baby sis ko?" narinig kong tanong ni Basilio.
All eyes went to Marco except mine na nagkukunwaring busy sa pagkain. Bakit naman ako magiging interesado sa love life ng mga ito, aber?
"We met at Baguio High. Transferee ako nun kasi pinalayas ako sa amin dahil hindi naging maayos ang naging relasyon namin ng Dad ko. Kaya pinatira ako ni Mom sa Lola ko na nasa Baguio and enrolled me at Baguio High that I considered as a blessing kasi nakilala ko si Dani." sabi nito.
"Aww, sweet." kinikilig na sabi ni Kara.
Napatingin ako sa kanya. Wtf? Ang supportive nya sa karibal ha. What is she playing?
"Plastic." narinig ko namang bulong ni Mara habang parang sinasaksak ang mga pagkain nito sa pinggan. Ano rin ang problema ng Mara na 'to?
"Anong sabi mo?" tanong ni Kara. Bingi lang.
Hindi sumagot si Mara at sumimangot lang dito.
"Ang cute mo." nakangiting sabi ni Kara and give Mara a kiss on the cheek. Mara was blushing deeply. Nakangiti namang pilit sinusubuan ni Kara si Mara. Confused akong napatingin sa mga ito. Talaga bang uso na ang polygamy ngayon? Gaahhhh!
"Eh, panu ka nainlove sa kanya?" tanong naman ni Clara na panay ang sulyap kay Basil. Alam kong crush ni Clara si Basil since freshmen pa but I don't know if Basilio knows that.
"Dani was a great singer, dancer and athlete." proud na sabi ni Marco.
"Wow! Kumakanta ka't sumasayaw Dani? We will definitely bring back The Linda's, Kar." excited na sabi ni Clara.
"Oo nga. E-revived natin ang The Linda's. Right Mara, baby?" pasweet na baling ni Kara kay Mara. Wow ha. Ang landi ng gf ni Dani.
"I don't know." nakayukong sagot nito.
"Wow, Jam pack pala tong sisterets namin. Kaya pala inlababoy si Marco sa'yo." sabi ni Crispin.
Why is that na parang may kakaiba sa boses nito when he mentioned Marco's name? Duhh, imagination ko lang siguro yun. Nakita kong ngumiti ang probinsyana.
"Anong sports mo, Dani?" si Micah.
Ay ano 'to? Instant celebrity agad ang mga ito? Hmp!
"Lawn Tennis." maikling sagot nito na tumingin sa akin.
Yumuko ako para itago ang pamumula ng pisngi ko. Naaalala ko kasi yung abs nya na like na like ko. Na ang dahilan ng pagkakaroon nito ng ganun ay ang paglalaro nya ng tennis. Ugh, I love her abs. I wish meron din ako nun.
"Talaga? You know Sheila and I are the unbeatable duo sa tennis dito sa VBS. Ayaw na rin kasi maglaro ni Sheila ng singles, so wala kaming single player kaya you can join the team!" masayang sabi ni Kara.
"Hehe. Salamat." sagot naman ni Dani. "Ay, bakit naman ayaw mong maglaro ng single, She?"
"Hanggang ngayon 'di pa rin sya makaget-over sa pagkatalo nya nung freshman pa kami." sagot naman ni Micah para dito.
"Babawi ako sa Danica Guevarra na yun. Promise. Hahanapin ko sya." bitter na sabi ni Sheila.
Bitter na bitter nga si She sa kung sinumang Danica Guevarra na yun. At magkapangalan pa ang probinsyana at magaling na tennis player na yun ha.
Ginugol lahat ang bawat taon ng buhay ni Sheila sa pagtetrain para lang gumaling sa larangan ng tennis and I can say she is really good at that sports. Pero 'di na talaga ito naglaro ng singles simula ng matalo ito.
Alam ng buong VBS ang kwento na yun dahil napilayan ang tennis team ng naggive up si Sheila sa singles.
Bumunghalit ng tawa sina Marco at Dani. Si Crispin at Basilio ay nakitawa na rin. Nagtatakang tumingin kaming lahat sa mga ito.
Nagpahid ng luha si Crispin bago nagsalita. "She, meet Danica Lopez s***h Danica Guevarra."
Nakanganga kaming nakatingin sa nakangiting gorgeous green eyed.
"What? I-ikaw na yun? Kaya pala you look familiar." bulalas ni Sheila.
"Hehe. Hindi rin kita nakilala, She. Sorry, ha. Naglalaro lang naman kasi ako, 'di ko naman akalain na sisira yun sa paglalaro mo." si Dani.
"Gosh!" shock pa rin na sabi ni Sheila. "Patatawarin kita basta maglalaro tayo, Dani. One on one. Okay? Tatalunin kita. I'm sure you can't beat me now."
Nakangiting tumango naman ang probinsyana at nagkamay pa ang dalawa to zeal their deal.
"Small world, eh? Excited na ako sa match nyo!" bulalas ni Kara na napayakap kay Dani.
Hindi ko alam kung bakit pero parang may kirot akong naramdaman sa puso ko sa nakikita ko.
"Hi! Narinig kong magaling kumanta si Dani. Pwede bang bigyan nya kami ng sample?" interrupt ni Mario na may dalang gitara, isa ito sa myembro ng Urban Frets. Malagkit itong nakatingin kay Dani. What? May Mario na naman?!
Unsure namang ngumiti ang probinsyana.
"Only if I'll play, she can sing." akbay naman ni Marco kay Dani at tumingin kay Mario na parang nagsasabi na 'she is mine'. May unfamiliar na kirot na naman sa puso ko. Ano ba ito?
"You play, I mean instruments, Markyy?" si Crispin. At my petname pa kay Marco. Hmmm.
"He is a great musician." nakangiting nakatingin si Dani sa bf.
"Kaya nga tayo nagkasundo agad because we both love music." sabi ni Marco na nakangiti ring nakatingin kay Dani. Sheeyyttt! Ang sakit ng heart ko. Magpapacheck up ako sa doktor mamaya.
"Hmmm. Tama na yan. Sample na." putol naman ni Crispin sa sweet moment ng dalawa.
"Brod, can I borrow your guitar?" baling ni Marco kay Mario na nakatayo sa tapat nila. Binigay naman ng huli ang gitara nito.
Tinanong ni Marco kung anong kakantahin ni Dani at bumulong si Dani kay Marco then they played a familiar filipino love song.
Adik Sa'yo
Awit sa akin
Nilang sawa na sa
Aking mga kuwentong marathon
Wow. Hindi nga nagbibiro si Marco. Maganda talaga boses ng probinsyana. Hindi ko namalayang nagkakaroon na pala ng crowd sa grupo namin.
Tungkol sa 'yo
At sa ligaya
Na iyong hatid sa aking buhay
Tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw
Slow version ang kay Dani. It was soft and sweet. Hindi ko nga mapigilang tumingin dito then suddenly she look at me. My gosh, I felt my heart skip a beat for a while.
Sa umaga't sa gabi
Sa bawa't minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Nagback-up naman ang Urban Frets. Making the song more beautiful and soothing.
Sa isip at panaginip
Bawat pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita
Bago huminto si Dani, she glance at Kara signaling her to sing the second verse. Na gets naman ni Kara at kinanta ang susunod na verse.
Sabik sa 'yo
Kahit maghapon
Na tayong magkasama parang telesine
Kara was staring sweetly to Mara all the time she sang the song. What's that for?
Ang ating ending
Hatid sa bahay nyo
Sabay goodnight, sabay may kiss
Sabay bye-bye, Oh
Mara joined the singing. Nakatitig rin kay Kara. Confused na ako. Samantalang marami na palang nakatayo sa likod namin.
Sa umaga't sa gabi
Sa bawat minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawat pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita
Di na rin nakatiis si Clara at nakijoin na rin. Para na tuloy nagkaroon ng Pitch perfect battles. Pero sa kaso nila join forces ang Diva's at Treblemaker. And may instrument lang na gamit and damn, Marco is a genius instrumentalist. Ginawa ba namang beatbox at bass ang gitara nya.
"Pilit ko mang ika'y limutin"
"Lagi kong natatagpuan"
"Ang yong tinig at awitin"
"Tuwing sasapit ang ulan"
"Pati lupang pinagsamahan"
"Mukha yatang nilimot na"
"Nang puso mong biglang lumisan"
"At may kapiling ng iba"
Ohhh...
Sa umaga't sa gabi
Sa bawa't minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawat pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita
Sa school, sa flag ceremony
Hanggang uwian araw-araw
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
At kahit pa magka-anak kayo't
Magkatuluyan balang araw
Hahanap-hanapin ka
Hahanap-hanapin ka
"Wow galing!" sabi ng mga estudyante.
"Isa pa!"
"One more!"
"More!" sigawan ng mga VBS students.
Wow, galing nga nila. Para akong nanood ng Pitch Perfect na live.
All the way ng kanta, my heart was beating so fast kasi naman panay ang tingin ng probinsyana na para bang sinasabing para sa akin yung kanta.
Ugh, Dani. I hate how much I wanted her also. Hinahanap-hanap ko rin sya. Ahh!
Pagbibigyan na sana ng mga ito ang mga estudyante at magsisimula uling kumanta ng magbell na. Dismayado ang lahat. Ako nama'y 'di alam ang gagawin but a plan comes to my mind.
I smirk at the thought.
This would be fun. Sa isip ko at masaya akong tumayo at 'di na hinintay si Crispin. I totally forgot about him.
As if I care. Hahaha!