Kinakabahan siya na ewan. Nanlalamig ang mga daliri niya sa kamay na may bahagya pang pagnginig pero nangingibabaw pa rin ang excitement sa dibdib niya. Sabik na siya makita muli si Erol. Ilang beses siyang humugot ng malalim na hininga. Ilang beses na din niya sinusulyapan ang suot niya relos nya na nasa pulsuhan niya. Ilang minuto na lang darating na ito sa opisina nito kung saan kasulukuyan hinihintay niya ang pagdating nito. Hindi pa man lumilipat ang minuto bumukas ang dahon ng pintuan ng opisina. Agad na humampas ang puso niya sa kanya dibdib. "Dawn?"agad na pagsambit sa pangalan niya ng binata. Tila nalaman agad nito na naroon siya sa loob. Uh,Oo nga pala,lobo nga pala ito matatalas daw ang senses ng mga lobo! Nanatili siya nakatayo sa harap ng desk niya ganun din ang binata n

