Pinagmasdan niya si Dawn at ang nanay nito na masayang-masaya na nagyakapan. Bakas sa mukha ng nanay nito ang pagkasupresa na makita nito ang anak. Halatadong malapit sa ina ang dalaga at gaya niya malapit din siya sa mommy niya. Pareho sila may pagmamahal para sa kanila mga ina. "Uhm,Nay..kasama ko nga po pala ang boss ko si..Sir Erol po," pakilala nito sa kanya sa nanay nito. Agad na binigyan niya ng matamis na ngiti ang ginang. Magalang na bumati siya rito at nagmano rito na kinabigla nito na ginawa niya iyun. "Ay naku,kaawaan ka ng Diyos,anak..aba napakagwapo naman pala ng boss mo anak!" magiliw na bulalas ng ginang sa anak nito. Bigla napahiya si Dawn sa sinabi ng nanay nito. Alanganin naman ngumiti sa kanya ito. "Si Nanay Blenda,Sir Erol," pakilala naman nito sa nanay nito sa

