Nagngingitngit ang kalooban niya ng makita kung paano ngitian ng delivery boy na yun ang sekretarya niya! Tss,bakit ba siya naiirita kung ganun? Kanina,inabangan niya ang pagdating nito mukha nga siya tanga sa gilid ng pintuan niya sa kakaabang rito. Nang dumating ito sinilip niya ito mula sa bahagya nakabukas na pintuan niya. Nasaksihan niya ang excitement at kasiyahan nito ng makita ang laman niyun. Isang maliit na bagay na nagpapasaya rito. Ayos lang sa kanya kung isipin nito na galing sa kanya mommy Erin ang cake na yun pero nainis siya ng marinig ang paanyaya ng lalaki rito. Marahas siya napabuga ng hangin. Tatlong katok sa pintuan niya ang pumukaw sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit ba siya naaapektuhan sa pag-uusap ng mga ito. "Come in," tugon niya pagkaraan. Bum

