Chapter 3
The Invite
Tumungo ako doon sa maliit na lamesa para kunin iyong phone ko sa bag.
"Hello?" pag sagot ko sa tawag. I heard my Mom's voice in the other line.
"Abigail, may naisip na akong pangalan para sa baby girl niyo!" excited na sabi ni Mommy.
Napangiti naman ako.
Nung sinabi ko dati na magkaka-apo na sila e grabe iyong saya nila Mommy at Daddy.
"Ano po, Mom?" tanong ko. Curious din kasi ako sa naisip niyang pangalan. Wala pa din kasi kaming naiisip ni Apxfel, e.
"Isadora Domingga!"
Agad akong nabilaukan sa pangalan na narinig ko.
"Aray aray... Mommy, bye na po muna sumakit ang tiyan ko." pag iinarte ko sabay ang pagbaba sa phone.
Hindi ko kinaya iyong Isadora Domingga! Kaawaan. 2016 na ngayon, not 1956.
"Bakit?" agad namang tanong ni Apxfel sa akin. Siguro ay napansin niya ang nalukot kong mukha.
"Si Mommy kasi... May naisip na daw siyang pangalan sa baby natin."
"Ano daw?"
"Isadora Domingga, daw." Tila inubo si Apxfel sa sinabi ko.
"No way... may naisip na akong mas maganda." pagmamalaki niya.
"Ano?" I asked immediately.
"Naisip ko na ipangalan siya sa akin... Christana Apxfela!" napanganga na lang ako sa sinabi ni Apxfel.
"Ang sagwa naman, e!" bulyaw ko rito.
"Kidding aside... may naisip talaga ako, wife."
"Ano nga kasi? Seryoso na."
"Talia," sabi nito. "It's a biblical name... Talia means a dew from heaven."
"That's beautiful." tugon ko sabay ang pag yakap ko kay Apxfel.
'Baby Talia'. Sabi ko pa sa isip ko. Ang ganda nga...
Habang inaantay ko iyong grapes na pinabili ni Apxfel sa secretary niya, napansin ko naman 'yung envelope na nakapatong sa lamesa nito.
"Ano 'yan?" tanong ko. May kalakihan kasi ang envelope kaya mapapansin talaga ito.
"Ahh, it's an invitation." sagot nito tapos ay inabot niya sa akin iyon para mabasa.
"Sa isang beach resort... hindi ko alam ang resort na 'yun. Siguro ay bagong gawa. Babanggitin ko sana sayo kaso nag dadalawang isip pa ako. Hindi naman kasi natin alam ang lugar na 'yun." dagdag pa nito habang nagtitipa sa kanyang computer.
"Hmmm... why don't we give it a try? Maganda nga 'yun, e hindi ba? Bagong lugar nanaman ang mapupuntahan natin." I reason out.
"If you want to go, then let's go." he said. "Sabi rin dyan, marami pang ibang tycoons ang invited... I think they are purposely inviting people like us to promote their resort."
Tumango tango naman ako.
"Mukha ngang ganoon ang gusto nila mangyari... I bet that it will leave such big impression to that resort." saad ko habang nag-iisip na ng maaari kong suotin na swim suit.
"What do you think, wife? Should we really go?" he asked.
"Oo naman. A breath of fresh air din iyon, lagi naman kasi akong nasa bahay. Ikaw naman ay laging narito sa opisina."
Agad naman din siyang tumango. "I'll take a 4 days leave then."
Hindi ko na masyadong naintindihan ang sinabi niya dahil patuloy akong nag iisip ng susuotin ko. Ang laki na kasi ng tiyan ko, e.
"Ang tahimik mo?" tanong niya.
Umiling lang ako rito. "Nag-iisip lang ako ng swim suit na pwede kong suotin."
Agad namang kumunot ang noo ni Apxfel.
"Who said you're wearing a swim suit?!" bulalas niya.
Napangiti naman ako. "Are you still so possessive? Sino pa ang titingin sa akin doon. Ang laki laki na kaya ng tiyan ko."
Mas kumunot pa ang noo niya. "So gusto mo may titingin sayo?!!"
Hindi ko na napigilang hindi matawa.
"It looks like I'm gonna punch a random guy at the beach again..." mahinang sabi nito. Bumalik din ang atensyon niya sa ginagawang trabaho. Tila ba sobrang frustrated siya sa pag banggit ko ng 'swim suit'.
"May sinuntok ka ba talagang lalaki sa Boracay noon?" I asked curiously. Kinwento lang naman iyon ni Bobbie sa'kin.
"Yeah. Why wouldn't I? He's hitting on you." sabi nito. Ang sungit pa ng tono niya.
Natatawa ako dahil ang cute niya pero pinigilan ko na lang at baka mag sungit pa lalo. Tss! Feeling buntis!
Pinuntahan ko siya sa kanyang pwesto at humalik sa isang pisngi.
"You're deceiving me again." he said and laughed.
-
A week had past, at mamaya na ang flight namin papunta doon sa resort. Hindi naman ganoon kalayo pero mas mabilis at mas madali ang byahe kung sasakay ng eroplano...
Nag iimpake na ako ng damit ko. Gayun din si Apxfel sa mga damit niya.
"So... what are you wearing when we swim?" tanong niya. Tumaas pa ang kilay nito.
"Ready na po ang sweater at pajama ko, boss." panunuya ko.
Tumawa naman siya. "That would be better..."
Karamihan sa mga dala ko ay dress. Mas komportable kasi iyon. Bistida na rin ang dala kong pang swimming... Namili lang ako online.
Bumili nga din ako ng doughnut floater dahil ang cute. At nakakagutom tignan.
We arrived at the Resort just in time... hindi naman din nakakajetlag ang byahe.
Pagbaba namin sa sasakyan, agad na may mga bellboy ang pumunta sa amin upang buhatin ang mga bagahe.
Hinawakan ni Apxfel ang kamay ko. "Let's go?" he asked.
Ngumiti ako at hinawakan ng mas mahigpit ang kanyang kamay.
Agaw pansin ang isang malaking arko na mukhang gawa sa mga mamahaling bato. I was stunned after reading the name attached at the arch...
Cal's
Iyon ang pangalan na nakalagay roon. Reminding me of someone... really really precious.
"Ito ba ang pangalan ng resort?" pag baling ko kay Apxfel.
"I guess so..." sagot nito at tila natulala rin sa pangalan doon sa arko.
"Nakalagay ba sa invitation ang pangalan ng resort?" tanong ko pa ulit dahil sa pagkakatanda ko, wala naman akong nabasang pangalan ng resort doon.
Umiling si Apxfel.
"Address lang ang nakalagay."
Pinatuloy kami sa isang hotel doon. Malaki ang resort... I wonder why I didn't know about this.
Sa ganito kaganda at prestihiyosong beach resort ay nakakapagtaka lang kung bakit parang low rated ito. Madalas ay kumakalat ang mga ganitong klase sa social media. Siguro ay bago lang talaga o kaya naman sumailalim sa renovation.
Nahiga agad ako sa kama pagpasok sa VIP room.
"Nakakaantok." I told Apxfel.
"Pahinga ka muna." sabi niya. "Ako na bahala mag ayos sa mga gamit natin."
"Sino kaya ang may-ari nitong resort? Gusto ko siyang makilala at para makapag pasalamat na rin sa pag imbita niya sa'tin." saad ko sa inaantok na tono.
"I'm thinking of that too... I'll ask the staffs outside. Pahinga ka muna, wife."
Humalik siya sa aking noo... I closed my eyes after he went outside.
Pagkagising ko ay maginhawa na ang pakiramdam ko... Kanina pagod ako, ngayon ay gutom na.
Nakita ko si Apxfel sa tabi ko na hawak ang cellphone niya tapos ay pangiti-ngiti pa!
"Ano yan?!" tanong ko. Tinaasan ko pa siya ng kilay.
Hinaarap niya ang kanyang phone sa'kin. Doon iyon sa Camera Roll nakalagay at nanlaki na lang ang mga mata ko nung puno 'yun ng mga litrato ko na natutulog!
"Ang pangit!" bulalas ko.
Buburahin ko na sana pero binawi niya agad iyon. Tsk!
"Ang ganda kaya!" giit niya.
Sinabi ko na gutom na ako kaya naman mag bihis na raw kami dahil daw kakain kami doon sa may sea side.
"Natanong mo pala kung nasaan 'yung may-ari?" tanong ko habang inaayos ang strap ng aking dress. White lacy dress ang suot ko ngayon.
"Yup. Ang sabi nasa business meeting daw iyon for two days... so bali makikilala natin siya sa araw pa ng sabado."
Tumango na lamang ako.
Nauna na akong lumabas sa hotel dahil may naiwan pa si Apxfel sa kwarto at kailangan niya iyong balikan.
Ayaw ko namang umakyat pa ulit...
Habang nag aantay sa labas, napagmasdan ko ang ekta-ektaryang lupain nitong resort. Ang laki niya... at malamang ay malaki rin naman ang kinikita ng resort na ito.
Bakit pa kailangan mag imbita ng mga tao kagaya namin? For the resort's publicity?
I shrug my thoughts away... Natuon ang pag-iisip ko sa mga mumunting buhangin na pumapasok sa tsinelas ko.
Ang sarap niya sa paa.
"Hi." napabalikwas ako ng may nag salita galing sa may likuran ko.
Hinarap ko iyon.
"Can I ask something? Alam mo ba kung saan iyong Margarita's dito?" sabi nung lalaki sa harapan ko.
Kung titignan ay para bang ka edad lang namin siya. Naka floral polo ito at nakasuot ng sumbrero.
"I'm sorry. Kakarating lang namin dito, kaya hindi ko alam kung nasaan ang sinasabi mo." sagot ko doon sa lalaki.
"Ano yan?"
Nagulat naman ako sa matapang na tono ng boses ni Apxfel. His fists were clenched...
"He's just asking." sagot ko pero bago pa nakapag react si Apxfel ay binati na siya nung lalaki na kausap ko kanina.
"Mr. Gonzalez! Wow, nice seeing you here." bati nito. Tinignan siya ni Apxfel na tila ba pilit na inaalala kung sino itong lalaki.
"Oooh, Mr. Mendoza. Narito ka rin pala." saad ni Apxfel nung ma recognized niya na ito.
Nagkamayan silang dalawa.
"How's the business going?" tanong pa ni Apxfel.
"Good, good..." sagot ni Mr. Mendoza. "How about the F & G?"
"Doing great." ani Apxfel.
"So... this beautiful woman right here is your wife?"
Naramdamn ko ang kamay ni Apxfel sa aking balikat.
"Yes, my wife."
Rinig ko ang matigas na pag sabi niya sa salitang 'my'.
"I see... Sige mauuna na ako. My girlfriend is waiting for me at the Margarita's. Nalito lang ako kung saan iyon kaya naman nag tanong ako. Thanks by the way." sabi nito at saka umalis.
Nakita ko ang pag igting ng panga ni Apxfel habang nakatingin kay Mr. Mendoza na nag lalakad na palayo.
"Uy," tawag ko rito.
"Why are you talking to that guy?" pag baling niya sa akin.
"Nag tatanong lang siya..." giit ko. "Hindi mo naman kailangang mangamba."
Totoo naman. Wala naman siyang kailangan ipangamba... It's not like I'm going to entertain men at any way.
Buntis man ako o hindi.
Wala sa hinuha ko na gumawa ng ganoong bagay.
"Lagi akong mangangamba." sabi nito.
I actually don't know what to feel about that... Hindi naman kasi niya talaga kailangan magalala roon.
"Don't... don't you trust me?" utal kong tanong.
Hinawakan naman ni Apxfel ang dalawa kong kamay.
"I trust you... It's them I don't trust."