Chapter 1
Pregnancy Blues
"Hub hub. Hubby. Hubski!" tawag ko kay Apxfel sabay ang pag sundot sundot ko sa balikat niya.
Agad naman siyang napabangon at nag punas ng mata.
"What is it, wife? Do you need something?" tanong nito. Medyo husky din ang boses niya... Gusto ko pa sanang sabihin na ang hot ng boses niya pero kasi gutom na ako.
"Gutom ako."
Bigla naman siyang tumawa sa sinabi ko tapos ay hinawakan niya iyong malaking umbok ng tiyan ko.
"Baby, lagi mong ginugutom si Mommy mo."
Napangiti na rin ako at hinawi ang buhok ni Apxfel. Malago na kasi yung bangs niya.
"Manang mana sayo ang baby girl natin. Laging gutom," aniya.
Umawang naman iyong labi ko sa sinabi niya. Tss! Ngayon lang kaya ako laging gutom dahil buntis ako.
Ngayon, anim na buwan na akong buntis at ang taba taba ko na talaga.
Pwede na yata ako sumali sa mga underwater contest ng mga balyena... Mag punta na kaya ako ngayon sa ocean adventure?!
"What do you want to eat?" tanong ni Apxfel.
"Gusto ko ng siopao... pero cheese yung nasa loob saka halo-halo na nata de coco lang yung laman." sabi ko tapos ay ngumiti ng malaki.
Gusto ko ng kumain! Sarap sarap.
Napatitig naman ako sa kanya. Para bang gulat na gulat siya.
Huminga ng malalim si Apxfel. Sabay ang pag suot ng jacket niya.
"I don't know where I'm going to find all those, but I promise that I will.." sabi niya at ngumiti ulit.
Nang lumabas na si Apxfel, ipinikit ko yung mga mata ko. Alastres na kasi ng madaling araw, e. Nakakaantok.
Nag unat unat ako ng mapansin kong maliwanag na. Kinusot kusot ko iyong dalawa kong mata.
"Umaga na," sabi ko.
Napalingon ako kay Apxfel na tulog pa rin. Nakasubsob ang mukha niya sa unan, tapos yung isang kamay niya ay nakayakap sa'kin.
Dahan dahan kong inalis yung kamay niya kasi naiihi na ako... gusto ko pa nga sana makipag yakapan, e.
Pagkatapos ko sa cr, nag punta ako sa may kusina para uminom ng tubig. Bumungad sa'kin iyong mga kalat sa lamesa!
Mayroong balat ng siopao, mga sachet ng cheez whiz, bote ng nata de coco, gatas saka pang kayas ng yelo.
Ano 'tong mga 'to?!
Bigla bigla namang nag flashback sa utak ko 'yung mga nangyari kaninang madaling araw.
"Shocks," mahinang sabi ko.
Nag crave ako kagabi pero hindi ko naman nakain kasi nakatulog na ako... Hala!
Binuksan ko iyong ref at may nakita akong maliit na tray. Nakapatong doon iyong siopao, tapos 'yung halo-halo na nata lang ang laman.
I was touched.
Ang weird ng mga gusto kong kainin pero sinusubukan niyang humanap. Kung wala man, siya mismo yung gumagawa ng paraan para ma-achieve yung mga gusto kong pagkain...
I just can't believe how lucky I am because I have him.
Di bali babawi ako. Mag luluto na ako ng almusal namin...
Matapos kaming ikasal ni Apxfel nun, lumipat na din agad kami sa sarili naming bahay.
It turned out that my parents and his parents already planned about the house. Regalo nila sa amin. And surprisingly, gustong gusto namin ni Apxfel 'yung design nitong bahay.
It's modern yet classic. Very minimal din pag pasok sa loob. It is exactly what we wanted.
"Good morning." bati ko sa asawa ko pagkababa niya ng hagdan.
"Nag handa na ako ng breakfast." sabi ko pa at saka tumalikod para ihanda na sa mesa 'yung mga pagkain.
"You're up early," rinig kong sabi nito. Nagulat na lang ako nang maramdaman ko 'yung yakap niya.
"Good morning, wife."
Humarap naman ako sa kanya at binigyan siya ng halik sa pisngi.
"I'm sorry. Natulog na ako kagabi." sabi ko at yumuko.
Iniangat naman niya mukha ko gamit ang pag hawak sa aking baba.
"It's okay, wife. Don't worry about it." He said and smiled.
Sunod naman ang pag halik niya sa tiyan ko.
Pagkatapos kumain, naging routine na 'yung iiwan na lang namin 'yung hugasan sa lababo. Ayaw kasi akong pag hugasin ni Apxfel, siya na lang daw ang bahala doon pag uwi niya galing sa trabaho.
Nung pinagbawalan niya ako dati tapos ginawa ko pa rin, hindi niya ako pinansin! Grabe lang...
Gusto niyang kumuha ng maid na pang araw-araw kaso ayaw ko naman. Gusto ko kasing maranasan 'yung buhay na as in kaming dalawa lang dito sa bahay. Okay na 'yung may pumupunta dito every weekends para mag laba at mag linis ng bahay.
"Text or call me if you need anything." sabi niya habang inaayos 'yung coat niya.
"Paano pag ikaw 'yung kailangan ko?"
"Then text or call me. I'll be here no matter what." sagot niya sabay ang pag himas sa isang pisngi ko.
Pag alis ni Apxfel, nag punta na ako sa kwarto at nakinig ng mga baby music para dito sa baby namin.
Ganoon lang naman ang ginagawa ko rito sa bahay... kakain, hihiga, kakain, magbabasa ng pregnancy guide, kakain, makiking ng music, kakain...
I sighed.
Narinig ko naman ang pag ring nung phone ko kaya sinagot ko iyon.
"Namiss mo yata ako kaagad?" bungad ko kay Apxfel mula sa kabiling linya.
I heard him laughed.
"I always miss you," he said.
"Hayaan mo na kasi akong pumasok ulit dyan sa opisina," saad ko. Agad ko namang narinig ang pagtutol ni Apxfel.
"I don't want you to get tired, wife. Ako na muna ang bahala sa kumpanya."
Pagkatapos kasi naming makapagtapos sa kalehiyo ni Apxfel, nag trabaho na din agad kami sa kanya kanyang kumpanya... And since we are married already, it's time to merge both of our families' company. So we did.
And now, the F & G Hotel International Corporation is one of the most successful in the industry.
"Pagkatapos kong manganak, tutulungan na din agad kita dyan. Sayang naman ang pagiging Magna c*m Laude ko." I told him.
Agad ko namang narinig ang tawa niya mula sa phone. Aba? Anong nakakatawa?
"Anong nakakatawa, huh? Porket ikaw 'yung Summa c*m Laude! Tsk tsk."
"Hindi ah. I'm laughing because you're cute." sabi niya na tila ba nakikita ako mula sa telepono kahit hindi naman.
"You know that I'm so proud of you, right?" dagdag pa nito.
Agad naman akong napangiti... lalo na nung maalala ko iyong pag susunog ko ng kilay nung college.
I took a rest aftert the surgery, pagkatapos nun ay bumalik na ako sa Chandford University at agad na nag habol. Madami dami kasi akong kailangang habulin, lalo na kung gusto kong sumabay kay Apxfel sa pag graduate.
Kumuha rin ako ng summer classes at talagang pinuno ko ang mga schedule ko. Hangga't kaya, pupunuin ko talaga. Kung may pasok nga lang ng linggo e malamang papatusin ko rin.
"Me too. I'm so proud of you. Highschool pa lang tayo, magaling ka na talaga. Kumag lang kung minsan." sabi ko habang natatawa.
"Tsk. Hindi ako kumag, pogi ako."
"Saan banda?!"
"Sa lahat ng banda! Bakit sino ba ang pogi para sayo?"
"Hmmm. Sino ba? Si Zac Efron... si-"
"Hays! Pag ako nag artista... tsk. Kala mo dyan."
Natawa naman ako sa reaksyon niya. I don't know but he's really cute... Especially when he baby talks.
"Bye na! 'Yung dinner mamaya sa bahay nila Paui at Zimmer wag mo kalimutan ha?"
Binaba ko na kaagad iyong phone... kasi pag hindi, wala nanaman siyang mamagawa sa opisina kung hindi ang kausapin ako. Lagot siya sa Papa niya at sa Daddy ko!
Pagsapit ng ala singko, nag gayak na ako para doon sa dinner sa bahay nila Paui. Hindi kasi kami nakapunta sa house warming nila ni Zimmer nung nakaraan kaya kailangan naming bumawi ngayon.
I just wore a white baggy dress. Pag nag fitted kasi ako panigurado ay mag mumukha akong sumang busog... kaya hindi na lang.
Apxfel said that he's going to pick me up so I hurriedly went down when I heard his car.
Hindi na daw siya mag papalit ng damit. Mag huhubad na lang siya ng coat mamaya since polo naman iyong under nun.
Pagdating namin, sinalubong kami nila Zimmer.
"Your house is so nice." bungad ni Apxfel sabay ang kamayan nila ni Zim. Ako naman yinakap ko si Paui.
"Tara sa loob, I cooked for us." Pag anyaya nito. "Sinunod ko 'yung mga instructions mo, Frans." dagdag pa ni Paui.
Patuloy kaming nag kwentuhan. Madalas naman kaming nag kikita kita pero para bang matagal ng hindi.
"Hey, let's open some gifts." sabi ni Paui pagkatapos naming magsikain.
Kakakasal lang nila ni Zimmer last week, at punong puno pa rin ng mga regalo ang sala nila ngayon.
Madami dami na din ang mga regalo na nabubuksan nila... Nakakatuwa, naalala ko nung ginawa rin namin ito ni Apxfel. Ni hindi nga kami magkanda ugaga sa dami ng baso ang nakuha namin nun!
Paano kasi itong si Zimmer at Dominic, nangtrip. Nagpadala sila ng tig isang malaking box, akala nga namin ni Apxfel e refrigerator iyong mga yun. Sandamakmak na baso pala!
Grabe 'yung stress level ko nun!
"Baka pinag tripan niyo din ako ni Dominic ah?!" ani Zimmer. Agad namang natawa si Apxfel.
"Wala ah. Hindi," sagot nito tapos ay umiiling iling pa siya.
Pero hindi yun kapani-paniwala... May ibang sinasabi iyong mukha niya. Alam mong may ginawang anumalya, e.
"Ano 'to?" Napalingon naman ako kay Paui habang may kinukuhang kahon. "Bakit para sayo lang? Lahat ng nakita ko para sa ating dalawa, pero itong kahon para sayo lang." sabi ni Paui sa asawa niya habang iniinspeksyon iyong box.
"Galing kanino?" tanong naman ni Zim.
"Amanda." mahinang basa ni Paui. Hindi niya yata agad na realize na pangalan iyon ng babae. Kaya ang sumunod na narinig namin ay sigaw na... "Amanda??!!"
Hindi maipinta ang itsura ni Zimmer.
Agad namang tumawa ng malakas si Apxfel.
"Zim naman. Kakakasal mo lang, nambababae ka na agad?" pang aasar pa nito.
Umuusok na yata ang ilong ni Paui. Walang anu-ano at binuksan niya iyong box.
May card doon sa loob kaya tinignan niya iyon.
"Hi, Zim :) Here's a wine for you. Special yan... And also, pls give the other bottle to Christan ha? It's for you both. Xoxo, Amanda." iritadong pag basa ni Paui.
Agad namang kumunot ang noo ko nung marinig ko ang pangalan ni Apxfel!
Inagaw ko kay Paui 'yung card.
Nang makumpirma kong 'Christan' nga ang nakasulat doon, tila ba gusto kong manapak!
"Ikaw 'to?!!" pagalit kong tanong kay Apxfel.
Si Zimmer naman ngayon ang tawa ng tawa.
"I'm 101% sure. Siya yan!"