Chapter 21 Together Natulala na lang kami kay Bobbie. Tila hirap na hirap pa siyang pulutin iyong mga paper bags na nabitawan niya. Kung titignan pa ay parang nanginginig ang kamay niya. Tumayo si Apxfel para tulungan siya. Lumapit din ako. "What made you visit? May kailangan ka ba?" tanong ni Apxfel. Tinignan lamang siya ni Bobbie na parang hindi alam ang dapat na isagot. Umiling ito bigla. "Ummm, ah wala. May dala akong breakfast... pero kumakain na pala kayo. Sige ha. Una na ko. May pupuntahan pa rin kasi ako." Tumango lang kami sa kanya. She looks so devated... Ang weird lang. Gusto niya ba na mag breakfast dito? O gusto niya na sila lang ni Apxfel ang mag breakfast? Anyway, ano pa man dyan ay hindi na mangyayari. Mag breakfast na lang siya mag-isa. Pagkaalis ni Bobbie ay bum

