Chapter 38 Veranda Hindi ako nagpaawat sa kanyang sinabi. Patuloy akong nagpupumiglas pero masyado siyang malakas. "Ibaba mo ako! Aalis na ako! Uuwi na ko!" sigaw ko. Wala siyang imik. Patuloy lamang siyang naglalakad. At saan ba siya pupunta?! "Uuwi na ako, Apxfel! Put me down!" pinagpapalo ko ang kanyang likod ngunit hindi siya natinag doon. Pumasok kami sa isang kwarto at inibaba niya ako sa kama. Bago pa ako nakareact ay agad na siyang lumabas sa kwarto. Narinig ko na nilock niya ang pinto mula sa labas. What the hell?!! "Apxfel! What are you doing? Baliw ka na ba? Let me out of here!" paghuhuromintado ko sa tapat ng pintuan. I can sense that he's still by the door. Hindi siya nagsasalita kaya binalagbag ko ang pintuan ngunit wala pa rin akong nakuhang sagot sa kanya. "Let me

