Chapter 1

1840 Words
NAIPILIG ni Kyden ang kanyang ulo nang maramdaman ang pag-ikot ng kanyang paningin. Mahigit isang oras na rin silang nag-iinuman ng kanyang mga kaibigan at hindi niya maipagkakailang unti-unti na siyang tinatamaan ng kalasingan. Iminulat niya ang kanyang mga mata at hindi niya napigilang mapangiti nang mapagbalingan ng tingin ang nakahilatang si Hans. Sa kanilang magkakaibigan, si Hans ang pinakamahina pagdating sa inuman. “Hoy, Hans! Uwi na!” mahina niya itong sinipa sa tagiliran pero hindi na ito gumalaw pa. Paniguradong mapipilitan na naman silang bitbitin ito pauwi. “So sweet, Baby!” Sunod na nabaling ang tingin ni Kyden kay Beta na abala sa pakikipaghalikan. Tumayo siya at nang tumapat sa kaibigan ay sinipa niya ang paa nito. Nag-angat ito ng tingin kaya agad niyang itinuro ang nakahandusay na si Hans. “Bitbitin mo pauwi. Mauna na ako,” paalam niya. “Ikaw na ang magbitbit sa kanya. Can’t you see, Bro? I’m busy,” sabi nito at muling itinuon ang pansin sa kahalikang babae. Hindi ito pinansin ni Kyden at nagpatuloy sa paglalakad. Pasuray-suray niyang hinanap ang exit ng bar na pinasukan nila. Malabo na rin ang kanyang paningin kaya hindi na niya masyadong maaninag pa ang dinadaanan niya. “Hey, handsome.” Isang babae ang biglang pumulupot sa kanyang baywang. Napangiti siya at inangat ang mukha nito. Kahit may kadiliman ang buong lugar ay malinaw niyang naaninag ang mapupula nitong mga labi. Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at agad itong sinunggaban ng halik. “Lesana!” Nabitawan ni Kyden ang babae nang marinig ang malakas na sigaw mula sa kanilang likuran. Bago pa man siya makagalaw ay tumama na sa kanyang mukha ang kamao ng lalaki. Muli siya nitong hinablot at malakas na itinulak sa pader. Napamura siya nang maramdamang sumakit ang kanyang likod. Umayos ng tayo si Kyden na ngayon ay tinakasan na ng kalasingan. Saglit niyang hinimas ang kanyang balikat bago hinarap ang lalaki. “Babe, let’s go.” Hinila ng babaeng nagngangalang Lesana ang lalaking nanuntok kay Kyden pero matigas ito. Nagawa pa nitong itinulak palayo ang babae bago siya sinugod. “Lagot na naman ako nito kay Dad,” mahinang sambit ni Kyden bago sinalubong ang lalaki. Nagpakawala ito ng malakas na suntok na mabilis niyang naiwasan. Napamura ang lalaki at muli siyang pinaulanan ng suntok ngunit gaya ng nauna ay bigo pa rin ito na matamaan siya. “Kyden, ano na naman ‘yan? Akala ko ba umuwi ka na?” Mula sa gilid ay nakita niya ang nakatayong si Beta. Kasama pa rin nito ang babaeng kahalikan kanina pero sa pagkakataong ito ay akay-akay na ng dalawa ang walang malay na si Hans. “Sandali lang ‘to, Bro. Hintayin n’yo ako,” aniya at mabilis na tumagilid. Dumaan sa gilid ng kanyang pisngi ang nakakuyom na kamao ng kalaban. Ngumisi siya at agad na hinawakan ang kamay nito. Malakas ang puwersang itinulak niya ang lalaki dahilan para makipagkarambula ito sa mga upuan at mesa sa gilid. Dahil dito ay nakuha nila ang atensyon ng lahat. Lumapit ang mga taong kanina ay sumasayaw at nag-iinuman lamang at nagsimulang magpustahan habang pinapanood ang laban nilang dalawa. “F*ck!” Bumangon ang lalaki at agad na hinablot ang nakaipit na patalim sa pantalon ng isa sa mga kasama nito. Napailing si Kyden at agad na umatras. “Brad, suntukan lang,” sabi niya na ikinatawa nito nang malakas. Akala siguro ng lalaki ay natatakot siya sa hawak nitong patalim. Ang sa kanya lang naman ay ayaw na niyang lumala pa ang gulo dahil paniguradong lagot na naman siya sa Daddy niya. “Bakit? Natatakot ka? Dapat lang na matakot ka!” malakas na sigaw ng lalaki bago siya sinugod. Humakbang patalikod ang kanang paa ni Kyden at sa tamang tantiya ay bigla siyang umikot kasabay nang pagbitiw niya ng malakas na sipa. Tumama ito sa mukha ng lalaki. Ngunit sa halip na sumuko ay muli itong sumugod kaya wala siyang nagawa kundi ang sipain ang gilid ng mga binti nito hanggang sa mapaupo ito sa sahig. “Kyden!” Hindi natuloy ang akma niyang pagsipa sa lalaki nang marinig ang pamilyar na boses na tumawag sa kanyang pangalan. Napamura siya nang matanaw ang kaibigan ng kanyang ama na nakatingin sa kanya. Nahuli rin ng kanyang paningin ang dahan-dahang pagtakas ni Beta kasama ang walang malay na si Hans. Alam niya kung gaano katakot ang mga kaibigan sa kanyang ama. “Uy, Tito Terrence! Kumusta?” masiglang bati niya at pasimpleng tumalikod. Naglakad siya palabas ng bar pero agad ding natigilan nang maramdaman ang malakas na kamay na humatak sa kanyang damit. “Ilang araw ka nang hinahanap ng Daddy mo tapos nandito ka lang pala sa bar at nakikipag-away? Hindi ka na pumapasok sa school at hindi ka na rin umuuwi sa mansyon. Ano bang problema mong bata ka, huh?” “Tito, malaki na po ako. Kaya ko na po ang sarili ko,” sabi niya at pinilit na makawala mula sa pagkakahawak nito pero masyado itong malakas. “Baka nakakalimutan mo, nakakalat lang sa paligid ang mga kalaban ng Daddy mo. Baka magulat na lang kami isang araw, nakasilid na sa loob ng kahon ‘yang ulo mo.” Hindi na lamang nagsalita si Kyden at hinayaang kaladkarin siya ng Tiyo palabas ng bar. Pumasok siya sa nakaparada nitong sasakyan at tahimik na itinuon ang pansin sa labas ng bintana. Gusto sana niyang umuwi sa Condo ngayong gabi pero mukhang mapipilitan yata siyang umuwi sa kanilang mansiyon. Ilang linggo na rin siyang hindi umuuwi kaya kahit papaano ay nakaramdaman siya ng pananabik sa muli nilang pagkikita ng kanyang ina. “Pumunta ka na agad sa opisina niya. Alam na ng Daddy mo ang ginawa mo sa bar kaya wala ka ng lusot,” utos ni Terrence bago siya tinalikuran. Napabuga ng malalim na paghinga si Kyden. Lagot na naman siya. Umismid siya at taas-noong naglakad papasok sa opisina nito. Nang mabuksan ang pinto ay agad niyang natanaw ang ina na nakaupo sa sofa. Napangiti siya at mabilis itong nilapitan saka niyakap nang mahigpit. “Bakit ngayon ka lang umuwi? Alam mo bang ilang araw na kaming nag-aalala ng Daddy mo?” “Mom, nasa Condo lang po ako.” “Siya, ang mahalaga nandito ka na. Go on, kausapin mo ang Daddy mo. May mahalaga siyang sasabihin sa ‘yo.” Dumako ang paningin ni Kyden sa nakatalikod na ama. Huminga siya nang malalim bago ito nilapitan. Tumigil siya sa harapan ng mesa nito at agad na yumuko. “Nandito na po ako,” mahinang sambit niya. Umikot ang swivel chair kung saan ito nakaupo kaya mas lalong napayuko si Kyden. “Where have you been?” Gustong yakapin ni Kyden ang kanyang sarili nang marinig ang malamig nitong boses. Mukhang tama ang mga kaibigan niya, pinaglihi nga yata sa yelo ang kanyang ama. “Sa Condo po. . . at sa bar. Nakipag-away rin po ako,” pag-amin niya. Hindi niya ugali ang magsinungaling lalo na sa harapan ng kanyang ama. Alam niya kung paano ito magalit kaya hangga’t maaari ay iniiwasan niya ang magsinungaling. “Ano ang nakuha mo sa pakikipag-away?” tanong nito saka binuksan ang maliit na drawer sa gilid ng mesa nito. May inilabas itong brown envelope na agad na inilapag ng ama sa kanyang harapan. “Sakit po ng katawan,” sagot niya. “Ky, ‘wag mo ng pagalitan ang anak natin. Napag-usapan na natin ‘to, ‘di ba?” Lumapit ang kanyang ina saka malambing na naupo sa kandungan ng kanyang ama. “I’m not mad. Kung galit ako, sana kanina pa ‘yan tumilapon sa labas.” “Don’t say that, Kyser! Anak mo pa rin si Kyden.” “Calm down. I know he’s my son, kaya nga pinapagalitan ko siya.” “Just don’t say it again. Nasasaktan ako kapag nasasaktan ang anak natin.” “I promise. And I’m sorry.” Napailing si Kyden habang pinapanood ang paglalambingan ng kanyang mga magulang. Sa lahat ng tao, sa kanyang ina lamang tumitiklop ang kanyang ama. Parang kidlat sa bilis na humuhupa ang galit nito kapag namagitan na ang Mommy niya. Nagpatuloy sa paglalambingan ang dalawa kaya nagpasya na siyang lumabas ng opisina. Mukhang nakalimutan na siya ng mga ito kaya pupunta na lamang siya sa kanyang silid at matutulog. Malalim na rin ang gabi kaya kailangan na niyang magpahinga. “Kyden Elliot Jimenez, get back here. We’re not done yet.” Napahinto si Kyden sa paglalakad nang marinig ang boses ng kanyang ama. Bagsak ang balikat na bumalik siya sa harapan nito. Kahit gustong-gusto na niyang matulog ay wala siyang magagawa. Inutusan siya ng ama na buksan ang envelope na nasa harapan niya. “Ano po ‘to?” nagtataka niyang tanong habang nakatingin sa mga hawak na papeles. “Southland Academy, I bought that school just for you. Hindi ka na bata Kyden, kaya hindi puwedeng palagi ka na lang nasasangkot sa gulo. I’ll send you to Albay tomorrow morning. Naka-enroll ka na sa eskuwelahang iyan kaya ang kailangan mo na lang gawin ay pumasok at magkunwaring isa kang normal at ordinaryong estudyante. You can’t go back here unless you learn your lesson.” “What?! No, Dad! You can’t do this! I have my own life here! Ano naman ang mapapala ko sa pagpasok sa eskuwelahang ‘to? Paano n’yo nasisiguro na hindi ako makikipag-away kapag napasok ako sa Southland?” “You have my word, son. Hinding-hindi ka makakauwi rito hangga’t hindi ka nagbabago. At alam mo na palagi akong may paraan para malaman ang mga ginagawa mo.” “Mom, talk to him. Ayoko pong pumunta sa lugar na ‘yon.” “Kyden, baby. Kumalma ka, anak. Ang gusto lang naman ng Daddy mo ay matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa. Look, you’re already twenty-one pero wala ka pa ring nararating sa buhay. Ilang beses ka ng na-expel sa school dahil sa mga gulong pinapasok mo. Act as your age, anak. Be mature.” “I’m already mature, Mom. Marami na akong nagawa—” “Like drinking all night? Sleeping with different women? Going on a fight? Right, marami ka na ngang nagawa, Kyden. But all of them are useless.” “Dad, naman. Parang hindi n’yo naranasan ang lahat ng ‘yon.” “Exactly! Naranasan ko ang lahat ng ‘yon kaya alam ko kung paano sisirain no’n ang buhay mo. Just pack your things, Kyden. Wala ka ng magagawa pa para baguhin ang isip ko.” “Mom.” Lumapit siya sa ina saka ito nilambing. Alam niyang kaya nitong baguhin ang isip ng kanyang ama. “I’m sorry, anak. But this also for your own good. Let’s go, tutulungan kitang mag-empake.” “Mom. . .” “Just listen to your mother, Kyden. ‘Wag mo ng hintayin na magalit pa ako.” Bagsak ang balikat na sumunod si Kyden sa kanyang ina. Mukhang ito na nga ang magiging simula ng kanyang kalbaryo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD