TODO ALALAY kay Savvy ang kanyang mama sapagkat first time mom siya at laking pasasalamat naman ng dalaga na and'yan ang kanyang ina na suportado siya at ginagabayan sa kanyang pagbubuntis. Laging masustansyang pagkain ang niluluto sa kanya ng kanyang mama purgang-purga at lungad na siya sa mga gulay na everyday hindi mawawala sa hapagkainan nila, pero kahit ganun hindi naman siya nagrereklamo kasi alam ni Sav na para din yon sa baby niya para maging healthy din ito kahit nasa womb pa lang niya.Malapit lapit na din mag 3 months ang tiyan niya kaya naman napagpasyahan na niya ipaalam sa supervisor niya ang kanyang kalagayan para na din sa monthly check-up niya. "Ma, alis na po ako kayo na po bahala muna dito sa bahay at eto nga po pala ang pera pamalengke n'yo po Ma."saad ng dalaga sa kany

