PASADO alas singko na ng hapon ng makarating sila Valentine sa isang sikat na High class restaurant kung saan nila kikitain ang investors kasama ang kanyang sekretaryo na si Pamela kung tawagin pero ang real name ay Frankniel lalaking-lalaki ang pangalan pero may pusong babae. Bandang alas-sais pa naman ang usapan nila pero inagahan na nila mas mainam na mauna sila kesa sa kausap.Early bird ika nga catches the worm.Nang makapasok sila sa loob agad silang sinalubong ng isang staff para igiya sa kanilang VIP room na pinareserved.
"This way po Sir."alalay sa kanila ng staff at pinag buksan na din sila ng pinto.Nang ma settled ang mga sarili nila sa table at makaupo agaran nagpasalamat si Pamela sa nag-assist sa kanila at isang waiter naman ang naiwan para mag-hintay sa kanilang oorderin.Before 6 o'clock the investors came together with his daughter and secretary also.When the door open Valentine just stand up to greet them and have a shake hands to those person who step inside the VIP room.
"Nice to meet you Mr.Smith and also you're beautiful daughter nice to meet you too." nakangiting wika ng binata habang nakipag kamay kay Mr.Smith tapos sa anak naman nito.
"Likewise Mr.Lewis"saad naman ng matanda at iginiya na ang mga kasama pag-upo sa silya nakalaan para sa kanila while Valentine just do the same as to sit down again to his designated chair.Matapos mag-order ng early dinner for them walang patumpik tumpik pa agaran nilang binuksan ang paksa ng meeting at agad na nilang inumpisahan ang pag didiskusyonan nito sa mga kaharap na kasama.Nang ma settled and mapaliwanag ng maayos agad naman hinihingi ng kabilang kampo ang agreement papers document na pipirmahan.Saktong dumating ang order nila ng matapos din makapag pirmahan ng both sides.Masayang nag usap-usap pa sila habang ini-enjoy ang early dinner at mababakas sa kani-kanilang mga mukha ang saya at nagtatawanan din sila.Halos dalawang oras din sila sa restaurant na iyon dahil sa kung ano-ano din napag-usapan bukod sa business.Bago umalis ang mga kaharap na investors ay nakipag kamay muli si Valentine sa mag-amang Smith.
Hindi na rin sila nagtagal doon dahil nauna lang ng konting segundo ang mag-ama bago sila ni Pamela sumunod na umalis. Papalabas na sila Valentine sa restaurant ng may tumawag sa kanya kaya naman napahinto sila sa paglalakad ng kasama at lumingon sa taong tumawag sa pangalan niya.
"Valentine!"tawag ng babae sa binata ng tumigil ito sa paglalakad at lingunin siya. Malaki ang ngiting naka plaster sa mga labi ni Sandra at seksing naglalakad patungo sa binata walang emosyong nakatingin lang sa kanya na tila ba na iinip na.Malalaking hakbang na lumapit ang babae at akmang bebeso siya dito ng mag-iwas ang huli. Napahiya man ng konti binaliwala na lang ito ni Sandra sa halip ngumiti pa ng mapang-akit at niyaya ang binatang mag dinner na siya namang walang pag aalinlangan tinanggihan ng binata at walang sabi-sabi tinalikuran na ang babae.Nang makalabas na sila sa pinanggalingan agad na sumakay sa kotse niya ang binata ganun din ang sekretaryo niya para ihatid na ito sa tinutuluyan nito.Habang ang babaeng napahiya na nga at iniwan na lang basta ay namumula ang buong mukha bunsod ng halo-halong galit, inis at pagkayamot sa inasal ng binata sa kanya na tila ba di siya nag-eexist.
MABILIS na lumipas ang dalawang buwan para kay Savvy at kahit papaano nakakalimutan niya ang kanyang dating nobyo, yon nga lang kabaliktaran kasi nagiging sakitin siya sa mga nakaraang buwan at tanging naiisip niya ay dahil sa hectic ng trabaho niya at lagi siya pagod pag nauwi na at minsan nakakalimutan ang kumain.Araw ng day off niya kaya naman naisipan na niyang magpakonsulta sa public hospital na malapit lapit lang sa tinutuluyan niya baka kasi may sakit na siyang kung ano.Mahirap magkasakit lalo na kung selfcare ang gagawin pag-aalaga saad ng dalaga sa kanyang sarili.Medyo namumutla siya at madalas mahilo, kaya wala na siyang inaksayang oras agad siyang nagtungo sa ospital.Pansin niya din sa katawan na parang mabigat siya at nagkakalaman ng bahagya at nagiging makain kahit na pagod siya sa trabaho, yon nga lang may pagdaan nagiging mapili siya at nawawalan ng gana. Madami-dami na ang taong nadatnan niya sa ospital ng makarating kaya naman agad siya magpalista sa andoon nag aassist sa mga magpapa check-up.Matapos yon pinaupo muna siya para intayin ang tawag ng kanyang pangalan.Ilang minuto pa ang lumipas bago tinawag ang pangalan niya.
"Ms. Mercado Savvy"tawag ng babae sa pangalan niya kaya agad siyang tumayo at sumunod dito papasok sa loob ng doctor's room. Pinaupo siya ng doctor bago simulan ang pag check-up sa kanya may mga follow-up question pa ginagawa bago siya pinagtest kinuhaan din siya ng dugo at ihi.
Pinag antay lang siya ng sandali para sa result at ng dumating na nga ang resulta halos magimbal siya sa sinaad ng doctor sa kanya at hindi makahinga sa nalaman at pagkagulat, based on na din sa mga sintomas na nararamdaman niya.
"Congratulations Ms.Mercado you're 10 weeks pregnant, the sign you felt for is just normally for a pregnant woman.Some pregnant woman may suffer every morning from morning sickness,like vomiting some others are having a sensitive smell, irritation, mood swing also and craving for some food. So I suggest you don't stress out ,have enough time to sleep and don't overwork. Come back here next month for your another follow up check-up and don't forget to take all of the vitamins I'll give you!."nakangiting wika ng doctor sa kanya na siyang hindi lahat maapuhap ng isipan.Loading ang ferson ano na Savvy nagimbal kaba?Voila soon to be Momshie kana!! anas ng isang tinig sa kanyang isipan na kanyang kinatulala sandali dahil sa occupied ang utak niya dahil sa nalaman at halos ayaw pa mag sync-in talaga sa isapan nya na parang malaking bell na paulit ulit kumakalembang sa ulo niya.
"You're 10 weeks pregnant..."
"You're 10 weeks pregnant..."
"You're 10 weeks pregnant…"
"You're 10 weeks pregnant..." Halos mapasapo si Savvy sa kanyang ulo ng paulit-ulit umalingawngaw sa utak niya ang mga katagang iyon at nang mapakalma ang sarili kahit konti nagpasalamat na siya at nagpaalam na siya sa doctor na lutang pa din ang sistema ng lumabas sa ospital. Naiiyak na naglakad ang dalaga sa gilid ng kalsada habang ang daming scenario na agad ang naglalaro sa isipan niya.Tangina naman ano na gagawin mo ngayon Sav?Kaya mo bang maging mabuting ina?First time mo yan eh!Arrggghhhh.. nasabunutan ng dalaga ang sarili habang naglalakad dahil sa kaganapang iyon.
Tumigil siya sa isang botika para bilihin ang ibang nakalagay sa reseta para sa kanya at matapos makabili agad na siyang bumalik sa kanyang tinutuluyan.Nanghihinang napaupo si Sav sa sofa ng makapasok na sa loob dahil sa panghihina bunsod ng nalaman niyang buntis siya,sapo ang ulong nakatungo at di na mapigilan hindi maluha ng dalaga dahilan ng halong saya,lungkot,kaba at the same time halo-halo emotion.Iniisip niya din paano niya sasabihin sa mama niya na buntis siya gayong di niya alam ang pangalan man lang ng lalaking yon.
"Sana pag nagka lakas-loob kana Sav masabi mo sa mama mo iyan kalagayan mo as soon as possible!"mahinang kausap at bulong ng dalaga sa sarili habang nakaupo pa din. Ilang sandali pa ang itinagal niya sa ganoong posisyon hanggang sa nag nialy-nilay na siya sa mga bagay-bagay.It's just one night but look what I have now!He got me pregnant in just one swift way?What would I do now?Do I have the capability to be a responsible mother?To be exactly a good one to guide this little one to grow up healthy and safe?Arrrggghhh...mababaliw ata ako kakaisip ng advance.Lord guide me please! mahinang pag mumuni-muni ni Savvy sa isipan niya habang tuloy tuloy pa rin ang agos ng luha niya.Hinayaan n'ya lang na umiyak siya at nang matapos kumalma na din ang sarili dala ng sobrang emotion ay huminga siya ng malalim bago pinunasan ang gilid gilid ng mga mata at matapos iyon agad na siyang tumayo at kumilos para maghanda ng makakain niya at ng sa ganoon hindi din magutom ang nasa sinapupunan niya.Kailangan healthy ang kainin mo lagi Savvy mukhang mapupurgada ka ng pag-gugulay lalo na kung and'yan ang mama mo naku walang mintis everyday vegetables ka sa kalagayan mong yan! malungkot na naisip ng dalaga habang kumakain.
Busog na busog si Savvy sa kinain kaya naman nakaramdam siya ng antok.Minabuti niya mag lakad-lakad lang siya ng konti bago naisipang umidlip.Madilim na ng magising ang dalaga at ng tingnan n'ya ang relo pasado alas 6 na pala ng gabi.Ilang oras din pala ang nagawa niyang idlip lang sana.
Umorder na lang siya ng pagkain panghapunan niya sa isang fast food naglaway siya ng makita ang mga oorderin na pagkain sa Mcdo.Isang burger signature collection smoke,fries,soft drinks at sundae lang inorder niya.Pagkatapos masend ang oorderin nagtungo muna siya sa kanyang kwarto para makapag half bath na bago dumating ang pagkain niya.Sakto naman labas niya sa kwarto ng may kumatok sa pintuan kaya dali-dali siyang lumapit doon at binuksan halos maglaway ang bagang niya dahil sa amoy ng inorder na pagkain. Nang nakapagbayad at makapag thankyou ay agad niyang dinala sa may sala ang pagkain at doon na nilantakan.Cravings Satisfied habang hinihimas niya ang tiyan na busog sa kinain.Ilang minuto pa ang pinalipas niya bago naisipang ligpitin ang pinagkainan at para na din makapahinga na din.Busy day na naman tomorrow Savvy, kailangan mo lalo kumayod ng doble para sa anak mo at mag-ingat palagi at wag kalimutan ang mga vitamins at ang iba pa!Laban lang Sav kaya mo yan!saad ng dalaga sa sarili habang nakahiga na at himas himas ang tiyan.Nakangiti ang dalaga habang ginagawa ito pero napalis yon ng maisip kung paano niya sasabihin sa kanyang mama ang kalagayan.Yon ang nasa isip niya ng makatulugan na pala niya ng hindi namamalayan.