THREE YEARS LATER… "Goodmorning my little Angel wake up na papasok na si Mama sa work, wag pasaway kay lola huh.I love you!"mayuming saad ng dalaga sa anak niya habang pinupupog ito ng halik sa buong mukha na nakahiga pa sa kanilang higaan.Yumakap lang sa kanya ang kanyang anak ng magising dahil sa paghalik-halik niya dito.Sumilay naman ang isang matamis na ngiti sa labi ng dalaga dahil sa kasweetan as always ng anak niya. Matapos ang moment nilang mag-ina sa higaan binuhat niya ang anak at lumabas na sila sa kwarto at nang mahilamusan ang anak pina-upo niya ito sa silya sa hapag-kainan nila at pinagtimpla ng gatas nito at inihanda na din niya ang almusal nila. Ang mama niya naman na ang nag boluntaryong mag-iimis ng pinagkainan nila habang siya naman kinalong muna ang anak sandali haba

