Chapter 1

1065 Words
I dabbed my lips with subtle red lip gloss and assessed my reflection in the mirror. As usual, ang aking abuela ang pumili ng susuotin ko para sa dinner date kasama ang old family friend. Dinner na may halong intention. Tila ba tumitirik agad ang mga buhok sa anit ko. Nagpakawala na lang ako ng marahas na hininga. Isang pulang asymmetrical dress na pinarisan ng stilettos na kakulay ng aking labi ang nais na ipasuot ni Lola Henrietta. Inilugay ko na lang aking itim at alun-alon na buhok, naglagay ng light make up. Hindi ko naman gustong magpaganda para sa "family friend" pero gusto ko lang maging presentable. At ayokong suwayin si Lola. Sinipat kong maigi sa full length mirror ang ayos ko. Kimi ako'ng napangiti. Puwede na. Tapos na. Tapos na ang maliligayang araw ko bilang isang single, independent 27 year old at part owner ng Sweet Delights, pastry shop naming magkakaibigan. Napailing na lang ako. Mukhang kailangan ko na namang mag-stress eating ng blueberry muffins ni Iris. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na hahantong ako sa isang kasunduan - kung saan nakasalalay ang future ko. Aware na aware ako sa situation ko ngayon pero hindi ko pa rin maiwasang kuwestiyunin ang sarili ko. Tama ba 'tong pinapasok ko? Inhale, exhale. Kalma, Astrid. At tatlong beses na rin nadedelay ang dinner date na ito dahil sa maraming idinadahilan ng estrangherong mapapangawasa ko. Stranger sa ngayon dahil hindi ko pa tinatapunan ng interest kung sinuman siya. Sana naman nagdahilan na lang ulit siya para next year na lang ang susunod na pagkikita. Pero sinigurado ng aking butihing abuela na matutuloy ang dinner date with my husband to be mamaya sa grandiosong pamamahay ng Aragon. Oo, dito sa aming mansion gaganapin ang kasunduan para sa kinabukasan ko at estrangherong husband ko. Tumunog ang mobile phone ko na nasa tokador. Just, right. I needed someone to talk to. Agad ko namang sinagot nang makita kong si Grecia ang tumatawag. "Ano? Tuloy na ba pagpapasakal mo?" tumatawang bungad niya sa kabilang linya. "Magpaparty na ba kami nina Iris at Themarie?" "Ano'ng pagpapasakal?" natawa na lang ako kay Grecia. "Sabihin mo, inom na inom na lang ang dalawang bruhildang 'yan." Dinig ko rin sina Iris at Themarie na ang lakas ng tawa sa background. "Update mo kami kung hottie o pangit kabonding, para naman makulam agad nitong si Them ang soon to be husband mo," rinig ko ang halakhak nila kasama si Grecia. "Or kung kailangan mo ng landi tips, i-rerefer kita kay Ate Julia." "Ano ka ba, relax lang kayo," naiiling na Sabi ko, alam ko naman na nagbibiro lang sila para pagaanin ang kalooban ko. "Dinner pa lang ito, wala pang kasal na magaganap." "Ay, naku! Ewan ko sa iyo Ash, kung tutuusin puwede mo namang iwanan ang buhay mo d'yan 'kina Lola Hen, may choice ka. Ayaw mo lang gawin." Ito na naman kami sa walang humpay na sermon ni Grecia. Inilipat ko sa kabilang tainga ang cellphone ko. "Ayoko na lang ng may masasabi sila sa akin, Gre. Ayoko silang ma-disappoint." Natahimik ang nasa kabilang linya. "Hello, Gre?" "Oh, siya. Babush na! Kapag may problema tumawag ka ha? Welcome ka sa condo ko." Pinatay ko na ang tawag at humarap ulit ako sa salamin. Buntong-hininga, kinalma ko ang aking sarili. Ilang beses ko na bang nalampasan ang arrange dinner na ito? Dalawa? Tatlo? Apat? "Astrid, apo.." Boses iyon ni Lola Hen. Mabilis kong inayos ang buhok ko, isa muling balik tingin sa salamin at lumabas ng aking silid. "Opo, Lola, pababa na po," malumanay kong sagot habang dahan dahan lang ang hakbang ko pababa ng hagdan. Sinalubong agad ako ni Lola Hen ng matamis na ngiti. 'Yung mga ngiting makinang ngunit alam mong may binabalak. "Napakaganda mo talaga, apo. Siguradong magugustuhan ka ng apo ni Viktoria." Sa edad na sitenta'y siete, hindi mo aakalaing nasa ganoong edad na si Lola Hen, mapustura kasi ang aking abuela at maalaga sa kan'yang sarili. At na-aadapt ko ang healthy lifestyle ni Lola Hen. Ngunit nitong mga nakaraang buwan ay panay ang pahangging niya na kailangan ko na maikasal dahil hindi na raw siya magtatagal. "Lola, hindi natin sigurado 'yan," malambing kong sabi. Nginitian ko na lamang ang butihing abuela. "Baka hindi niya ako type." Umiling si Lola. Malakas ang confidence ni Lola pagdating sa ganitong bagay. "Hindi apo, sigurado ako'ng magugustuhan ka niya, at kung hindi man ay hindi mo naman kami ipapahiya hindi ba?" Tila ba nagkaroon ng bikig ang lalamunan ko sa isiping 'yon. Mahalaga kay Lola ang image at hangga't maaari ay dapat sumunod ako sa kan'yang mga bilin. "Yes, Lola. Ako pa? Si Astrid yata 'to." Ngumiti si Lola at sinenyasan ang aming mga kasambahay para ayusin ang dapat pang aasikasuhin para sa dinner date ng pamilya. Marahas akong napabuga sa hangin. Malaki ang naging bahagi nina Lola Hen at Lolo Gio sa buhay ko, sila kasi ang tumayong magulang ko noong iniwan ako - na sa totoo lang ay hindi ko na kinonsiderang buhay pa ang mga totoo kong magulang. Bilang sukli sa lahat, sa komportableng buhay - na nakontrol na rin ni Lola Hen ay minabuti ko na lang sundin ang gusto niya. Masyado na 'kong pagod para makipagtalo pa. Ayoko namang nasusumbatan ako sa mga bagay bagay na alam ko naman na naging mabuti ang naidulot sa akin. Ayoko ng stress. Mas lalong ayokong madismaya si Lola Hen at Lolo Gio. Narinig ko ang mga kasambahay na nagkukumahog sa komedor at ang ilan naman ay tumungo sa front door para salubungin ang mga bagong dating. Muli ay huminga ako ng malalim. Ito na ang umpisa ng katapusan ng malayang araw ko bilang si Astrid Aragon. Kailangang magtiwala ako sa bagong chapter ng buhay kong ito. "Stay open for surprises, Ash," pagpapalakas ko sa loob ko. "Don't make decisions about your path you are taking in." Take leap to the unknown. Don't make assumptions of how it will be before I embark. Unexpected opportunities are about to happen. Mantra of the day. Inilang hakbang ko ang distansya patungo kay Lola Hen at Lolo Gio, mataman silang nakikipag-usap sa isang may edad na ring babae ngunit hindi na rin mahahalata dahil sa tigdig at postura niya. Kung hindi ako nagkakamali. Siya si Donya Viktoria Santillan. Bigla na lamang akong ginapang ng kaba sa hindi ko malamang dahilan. "Good evening, Sir and Ma'am.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD