Chapter 5

796 Words
"Santillan." Agad 'kong binitawan ang binabasa kong files nang bumungad sa akin si Rouge. Sa mundong ginagalawan ko, siya lang ang bukod tanging tao na mapagkakatiwalaan ko. Not even my Mom, no. Not this time. Pagkahatid ko kay Astrid sa pastry shop niya, dumiretso agad ako sa opisina para tapusin ang mga naiwan ko pang gagawin. Hindi ko rin gustong magulo si Astrid hangga't hindi pa kami ikinakasal. "Nakausap ko na si Attorney Dax," inihagis niya sa table ko ang isang itim na envelope na naglalaman ng mga kailangan ko para sa kasal namin ni Miss Aragon, soon to be Mrs. Santillan. Naupo siya sa visitor's couch. "Ang dami mo namang paparazzi sa ibaba, ang hihina naman disguise nila." Napabuga na lang ako sa hangin. "I know, my Mom's doing. They have been tailing since yesterday." "Kumusta ang bahay? Nagustuhan ba ng soon to be wife mo?" "Pare, kung alam mo lang kung gaano siya natulala kanina," napapangiti na lang ako kapag naaalala ko ang expression ni Ash. "It's priceless." "Sigurado ka na ba sa desisyon mo sa buhay, pare?" tumayo si Rouge, lumapit sa glass wall ng opisina ko. "Matatapos na ang maliligayang araw mo n'yan." "Doon at doon rin ako papunta, uunahan ko na lang." "Naku, diyan na iikot ang mundo mo, p're!" kantyaw ni Rouge. "'Yun lang, mabait ba at understanding ba ang magiging biktima mo?" "G*go!" "Seryoso, pare. Payong kaibigan lang, kung buo na ang desisyon mo at wala ka namang pinagsisisihan pa, susuportahan kita." "Buo na ang desisyon ko, Rouge," naalala ko ang huling pag-uusap namin ng mommy ko. Kung hindi ako maikakasal ngayong taon, siya na mismo ang hahanap ng mapapangasawa ko. "Kaysa sa iba pa ako ipagkasundo." "Mukha namang magkakamabutihan naman kayo ng future wife mo," dugtong niya. "And she seems to be understanding. May mga napagkasunduan na ba kayong dalawa?" Humugot ako ng malalim na hininga. "We will get there. I want her to feel comfortable and settled before.." I trailed off as.. I remember Astrid's beautiful face in my face and her heart melting smile. Napakamot sa ulo si Rouge. "Iyan ang sinasabi ko, hindi ka pa nga ikinakasal, mukhang masasakal ka na!" Binato ko siya ng nilukot na papel. "Sira-ulo!" Umilag lang si Rouge. Natatawa. "Paano ang ibang business deal mo?" patuloy niya. "Alam natin pareho na may kasamang ibang deal ang panliligaw ng Ravena and Co." It's a million dollar business deal. And I can't slipped that through my fingers. "Rouge, you know me.." I immediately tossed him the files he needed. "Just get rid of that brat, bago ko i-close ang deal sa ama niya. "You're ruthless, Trey.." iiling-iling na binabasa ni Rouge ang mga files. "And that dark side of yours will be the death of you." "I'm prepared. It's just, may delay lang. I can't let my wife know about it." "My wife?" sarcastic na ulit ni Rouge. "You are really into her!" "Shut up." I rested my case before he can spew more nonsense things. "It's better to be her than anyone else." "Iyan ang gusto kong itanong sa iyo, pare.." sumeryoso ang anyo ni Rouge. "We can just pay someone who will act as your wife but how come you made a deal with Astrid Aragon?" "That's for me to keep, bud.." then I received a call from my secretary. "'Yung mga tao sa ibaba, gumagawa na ng komosyon," imporma ko kay Rouge. "You know what to do." "Bigyan mo na lang kaya ng bagong asawa ang Mommy mo, Trey?" nakangising suhestiyon pa niya. "Bored sa buhay." "Believe me, if I can.. I will gladly do the honors of finding her a new husband. Masyadong mahal niya ang tatay ko at ang pera ng tatay ko." Napailing ako. "Kaya ako naman ang pinagkakaabalahan niya." Tumayo si Rouge. "I'll go ahead, titignan ko kung kakagat ulit sa pain ang mga paparazzi mo." I shooed him away. "Go ahead, make my day." Sumaludo pa sa akin si Rouge pagkalabas niya ng opisina ko. Tumunog ang phone ko, si Astrid ang nasa caller ID. "Ash?" sagot ko naman agad. "May problema ba?" "Some customers here are not familiar with us, Trey.." rinig ko 'yung kaba sa boses niya. "Kanina pa sila nakatambay sa shop namin." "May mga security kayo d'yan?" mabilis kong tinatawag ang personal body guard ko. Since Rouge has to do something.. hindi siya puwede. "Yes, hindi muna ako pinalalabas ni Grecia at Iris sa counter. Nasa office lang ako." "I'm sorry for the trouble, Ash. I know it's my Mom's doing," I sincerely said. "Don't worry, let me take care of that." "It's alright, mukhang hindi naman sila manggulo. But I don't like the attention. Alam natin pareho kung sino at ano ang pakay nila." "I'm glad, you called me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD