Episode 16 - Acceptance

1926 Words
She felt miserable. Hindi niya alam anong pinto ang pinasukan niya. Basta na lang siya umupo sa sahig at sumandal sa gilid ng kama na naroroon. Sinabunutan niya ang kaniyang ulo pagkatapos ay nilamukos niya ang kaniyang mukha. Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamay at pinaghahampas ang sahig. Hindi pa siya nakuntento at pinagpupukpok ang kaniyang mga daliri gamit ang kabilang kamay. "Ximena!" Tumakbo palapit sa kaniya si Jace. Hindi niya namalayang sumunod pala ito sa kaniya. Wala na rin naman siyang pakialam kaya pinagpatuloy niya ang kaniyang ginagawa. "What are you doing?" Hinuli nito ang kaniyang namumulang mga daliri. Pagkatapos ay umupo ito sa kaniyang harapan at pilit siyang pinauupo sa kama. "P-pagod na ako, Jace.. Ayoko na.." usal niya. "H-hindi kita maintindihan, Ximena. Tungkol ba ito kay Tito Dario?" Paulit-ulit siyang umiling habang may dinudukot sa kaniyang bulsa. Inilabas niya ang lahat ng laman niyon. "H-hindi sa akin ang mga 'yan." Nangunot ang noo ni Jace. Hindi pa rin niya maunawaan ang tinutukoy ni Ximena. "And so? Kanino ba ang mga 'yan?" "Hindi ko alam." "Paanong hindi mo alam tapos nasa bul..sa m-mo?" "B-because I took them, Jace. Ninakaw ko ang mga 'yan." "B-but why?" Hinawakan ni Jace ang mga iyon, ininspeksyon. "E, mga gamit naman na ang mga 'to. Ang dami mong lipstick sa bag mo. Kailangan mo ba? G-gusto mo bang kuhanin ko?" Ginulo ni Ximena ang kaniyang buhok. "Hindi mo naman ako iniintindi, Jace. I said, I stole them. Na—kawww! Nakaw!" Napahampas na si Jace sa binti niya habang mas lalong kinunot ang noo. "All of those things na nawawala sa'yo, sa mga kaklase natin, kay Kayla, sa parents ko at sa marami pang iba. A-ako ang may kagagawan nun, Jace.. I am stealing things I don't even need. I am stealing pens, erasers, hair accessories, t-the mini vase of Mrs. Garcia.. the…" "Stop, Ximena… I get it.." Binalingan ni Ximena si Jace na nakaawang na ang labi. "Okay, naiintindihan na kita. Wala akong sasabihin sa iba, pangako. J-just don't do it, again." "It is not that I don't want to stop," huminto siya saglit. "...I can't," malungkot na sabi ni Ximena. Tumayo na si Jace. "Ano'ng ibig mong sabihin? Hindi mo kayang hindi magnakaw? Ano ba namang klaseng dahilan 'yan, Ximena?!" Puno nang pagdaramdam na yumuko si Ximena. 'Yun ang isa sa kinatatakutan niya. Wala namang makakaintindi sa kaniya. Wala namang kayang tumanggap sa kaniya. "Hindi ako nagdadahilan, Jace. Kung hindi mo ako kayang maintindihan, I guess it is time to say goodbye to each other." Napaawang ang bibig ni Jace. Hindi mapaniwalaan ang sinasabi ni Ximena. Napaka-immature nito para lang sa ganoong bagay ay makipaghiwalay sa kaniya. "Fine! Akala ko iba ka sa mga naging girlfriend ko. Lalong-lalo na kay Maisie. Pareho rin pala kayong isip-bata!" Napapikit si Ximena sa pagtitimpi. "Wag mo akong ikumpara sa mapanlinlang na babaeng 'yun! Hindi kami pareho!" Pumalatak si Jace. "I really don't get you, Ximena. Gandahan mo naman ang dahilan mo para layuan kita. Ano ba 'to? Jino-joke mo ba ako?" di-makapaniwalang tanong ni Jace. "No, Jace. I am telling you the truth. Ayaw ko na magtago. Ayaw ko na rin gumawa ng alibis para 'pag nanguha na naman ako, dagdag kasinungalingan na naman. I'm so tired of living in the dark. Maniwala ka man o sa hindi, totoo lahat ng sinasabi ko sa'yo." Umiling-iling si Jace. "Nababaliw ka na, Ximena." Tumalikod na ito at umalis. "Andito ka lang pala, Ximena. Kanina pa kita hinahanap. San nga pala pupunta si Jace? Nakasalubong ko siya sa labas," turan ni Amihan nang mahanap na niya si Ximena. "Hindi ko po alam, Mommy," malungkot na turan ni Ximena. Hindi na niya napigilan ang kaniyang mga luha. Kusa iyong mga nagsipatakan, sunud-sunod. "Ano ba namang nangyayari sa inyong mag-ama? Katutulog lang ng Daddy mo. Napagod marahil sa naging confrontation nila ng kaniyang papa. Ngayon naman, ikaw ang umiiyak." Yumakap si Ximena sa kaniyang ina. "Mommy, h-hiwalay na k-kami." "Huh? Bakit? Ano'ng nangyari?" Hindi sumagot si Ximena. Tahimik lang siyang umiiyak. Humigpit ang pagkakayakap sa kaniyang ina. Hinayaan lang siya ni Amihan. Nang maramdaman ni Amihan na humina na ang panaghoy ng kaniyang nag-iisang anak ay humiwalay na siya sa pagkakayakap dito. Itinaas niya ang baba ni Ximena. Tinitigan niya ito sa mga mata. “Nak–” “Mommy– h-hindi ko alam pa’no sabihin.. N-nahihirapan ako..” Tumango lamang si Amihan. “Naiintindihan ko, Ximena. Halika, sumama ka sa akin.” Niyakag niya si Ximena sa isang parte ng hardin na malayo sa kabahayan. Dinala niya si Ximena sa may fountain kung saan nakatambay si Dario, naghihintay sa kanila. Umupo si Ximena at Amihan sa tabi ni Dario. Pare-pareho lang silang tahimik na nakatanaw sa may parte ng hardin na may mga namumulaklak na halaman. Ang gaganda ng mga orchids at iba pang klase ng bulaklak. Kahit paano ay saglit na napayapa ang kanilang mga kaisipan. “Maya? Nabanggit sa akin ng lolo mo na–” “Opo, Dad. Totoo po ‘ yun.” Napatingin bigla si Dario at Amihan sa mabilisang pagtatapat ng kanilang dalaga. “Ngunit bakit, iha? Sa’n kami nagkulang, Maya?” pang-uusig ni Dario Sa halip na sumagot ay muli na namang bumalong ang lungkot at pag-aalala sa mata ni Ximena. Hindi niya alam kung saan siya magsisimulang magpaliwanag. Tumayo na siya at tumalikod sa mga magulang. Hangad niya na maipaliwanag nang maayos ang kaniyang pinagdaraanan. “Hanggang kelan kita pagtatakpan?” Si Ximena naman ang biglaang napabaling sa ama. Napamulagat siya habang seryosong-seryoso ito sa pagtingin sa kaniya. Puno nang katanungan at pagtataka ang kaniyang itsura. “ I-ibig bang sabihin, Dad, m-matagal mo nang alam?” “Meron ba akong dapat malaman, hmm?” Pinaglipat-lipat naman ni Amihan ang paningin sa kaniyang mag-ama. "Bakit hindi ka nagsasalita, Dad? You knew what I was doing yet you chose to keep silent? B-Bakit?!” “Ximena Maya!" bulalas ni Dario sa pangalan ng anak. "Hindi ba’t dapat ka pang matuwa na ipinagtatanggol kita? Ano’t ikaw pa ang may ganang magalit?" “T-teka, teka– Ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Wala man lang bang magpapaliwanag sa akin?” Pabalik-balik ang paningin ni Amihan sa dalawa. Pumagitna na rin siya sa kaniyang mag-am na parang manok na malapit nang magtukaan. “Matagal nang nagnanakaw ang anak mo." “Huh? Si Ximena ang pinag-uusapan natin dito at hindi si Kayla, mahal ko. Hindi ba't kaya mo pinatawag sa akin si Ximena dahil may sasabihin tayo sa kaniya tungkol sa kaibigan niyang si Kayla?" baling ni Amihan kay Dario. “A-alam n’yo ang tungkol sa nangyari kay Kayla?” Si Ximena naman ang mistulang nagulat. “Hindi nga ba ikaw ang nagnakaw ng mga alahas, Ximena? Aminin mo na sa amin para magawan nang paraan ang kaso ni Kayla. Hindi ka ba naaawa sa kaibigan mo?" pangungunsensiya ni Dario sa anak. Napahagod si Ximena sa kaniyang buhok. Nagpalakad-lakad siya nang ilang ulit. “Hindi po ako, Dad.” “Itigil mo na ang pagsisinungaling mo, Ximena! Umamin ka na lang!” “Dad–m-mahirap ipaliwanag. Alam kong hindi ka maniniwala kung alam mo ang tungkol sa pagnanakaw ko. P-pero hindi talaga ako. M-maniwala ka..” “Hanggang kailan ka magtatago, Ximena? P-pakiusap, itigil mo na 'to.” Nagsimula na namang magkiskis ng mga kamay niya si Dario. Lumapit naman si Amihan kay Dario at hinawakan ang kamay nito para mapakalma ang asawa. "Oo! Isa akong dakilang magnanakaw! Magnanakaw talaga ako!" gigil na gigil na sigaw ni Ximena. Umaalon ang kaniyang dibdib sa kaba. "Hindi ko na alam kung gaano karami. Hindi ko na mabilang sa aking isip. Maliliit, malalaki, iba-iba. Kumakati palagi ang mga kamay ko. H-hindi ko maiwasan dahil masarap sa pakiramdam ‘pag nakakakuha ako.” Sinabunutan ni Ximena ang kaniyang buhok. “Pero, ang nawalang alahas na ibinibintang kay Kayla, hindi talaga ako 'yun!” Pinakatitigan ni Dario ang kaniyang anak. “B-bakit, Ximena?” Tumigil si Ximena sa paglalakad at pinakatitigan si Dario. “Kung alam mo na po pala ang mga ginagawa ko, bakit hindi niyo ako pinagbawalan? Bakit ngayon niyo lang ako kino-confront? Hindi niyo ba alam na nahihirapan ako at wala akong masabihan? Sa tingin niyo ba ginusto ko 'to?!” Natigagal si Dario sa tinanong ni Ximena, na parang sinisisi pa siya. “W-why,Dad?! Is it because you don't want to accept the fact that I am a robber? Ganun po ba 'yun? Dad -- you have all the rights to stop me because you are my father! But instead, you chose to ignore me. You–” “Tumigil ka na! Tigiiiiiill!” Natilihan si Ximena sa sigaw na iyon ni Dario. “Dapat pala dati pa kita sinuway! Wala kang utang na loob! Ni hindi mo man lang magawang magpasalamat na hindi ka nahuhuli dahil pinagtatakpan kita! Puwes– sasabihin ko na sa kanila! Iyon ba ang gusto mo? Na malaman ng mga tao ang pinaggagagawa mo? Sige!” “Dario, Ximena, ano ba naman kayong dalawa?” awat ni Amihan. “Bakit hindi niyo gawin, Dad?” hamon ni Ximena sa ama. “Talaga ngang sinasagad mo akong bata ka!” Sinugod na niya si Ximena. Nakaamba na ang mga palad niya na tatama sa pisngi nito. Ngunit napahinto siya bago pa iyon tuluyang makadapo sa balat nito. “Pareho lang tayo, Dad! Naghihintay din ako na may kumausap sa akin. K-katulad po nang paghihintay mo kay Grandpa tungkol sa nangyari kay Tio Pablo. Na ipinagdamot mo rin sa’kin ang palo mo. Na s-sana pinigilan mo ako.. H-hindi mo ba naririnig ang mga tahimik kong sigaw?” Nagsimula nang lumuha si Ximena habang kinokompronta ang ama. Matagal na siyang nagtitimpi. Nagtatago man siya ngunit sa kaibuturan ng puso niya ay gusto niyang may makahuli sa kaniya. Gusto niyang may magbawal sa kaniya. Gusto niya na may makaramay siya habang pinagdadaanan niya ang lahat. “Dad– p-pagod na pagod na akong magtago. Pagod na pagod na akong tumakbo. Pagod na pagod na akong magdusa mag-isa. Pagod na pagod na akong wala man lang humawak sa kamay ko para hindi ko na magawa ang mga bagay na ‘yun. Alam niyo po ba ang nararamdaman ko pagkatapos ko magnakaw? Hindi, ‘di ba? S-sobrang kalungkutan, Dad. Umiiyak ako gabi-gabi. Y-yung takot na nararamdaman ko dala-dala ko ‘yun sa pagtulog ko. S-sana Dad, s-sana matagal mo na akong pinagbawalan. Hindi ko alam kung mapipigilan ko ang sarili ko sa pagnanakaw. Pero, at least, may kamay na pipigil sa’kin. Na may taong alam kong makakaintindi sa’kin.” Hindi agad nakakilos si Dario sa realisasyong pinangalandakan ni Ximena sa kaniya. Hindi niya magawang lapitan si Ximena dahil sising-sisi siya sa nagawa niyang pambabalewala sa anak. Masyado siyang nakapokus sa sariling pagdurusa na hindi niya agad napagtanto na nagdurusa rin ang sariling anak. Hinawakan ni Amihan ang kamay ni Dario at niyakag ito sa kinatatayuan ni Ximena. Niyakap ni Amihan si Ximena. “Patawarin mo k-kami, anak. Hindi namin alam na napapabayaan ka na pala namin. Babawi kami sa’yo. Hahanap tayo nang paraan para sa pinagdaraanan mo.” Mayamaya ay yumakap na rin si Dario sa kaniyang mag-ina. “ Naniniwala akong wala kang kasalanan. Hayaan mo’t makikinig na ako sa’yo, Ximena. Hindi na ako magbubulag-bulagan.” Tipid namang ngumiti si Ximena sa kaniyang mga magulang. “May isa pa po akong sasabihin, Dad, Mom…” Nagkatinginan naman si Dario at Amihan. Hindi nila alam kung handa na silang pakinggan ang sasabihin ni Ximena. Masyado nang mabigat ang mga nalaman nila nang araw na yaon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD