"Ayos ka lang? Wala ka yatang gana ngayon." Naupo sa harap ni Jonah si Dylan. Dinalaw siya nito sa kaniyang opisina. May dala itong suman para sa kaniya. Kumuha siya ng isa at kaagad iyong kinain. "Ayos lang ako. Medyo, wala lang akong ganang kumilos. Siya nga pala, si Jonathan? Iyong a- anak ko... ayos lang ba siya?" Tumango si Dylan. "Oo... maayos na maayos. Kailan mo ba siya balak dalawin?" Napalunok ng laway si Jonah. Nang umalis siya, hindi niya alam na isang linggo na pala siyang buntis. Inalagaan siya ng kaniyang mommy Matilda hanggang sa manganak siya. Sinabihan siya nito na mas mabuting itago na lang ang anak niya dahil nakakahiya naman kung malaman ng ibang taong wala siyang asawa ngunit may anak. Lalo na't hindi naman basta - basta ang mga nakakasalamuha nila. Pumayag naman

