Kabadong - kabado si Niel habang hinihintay ang sasabihin ng doktor. Nasapok niya ang kaniyang sarili dahil sa kaniyang ginawang pananakit kay Lyn. Hindi naman siya ganoon. Kahit na galit na galit siya, hindi niya magagawang manakit ng babae. Wala siyang kaalam - alam na iyon ang epekto ng pinagbabawal na gamot sa kaniya. Kaya nakakagawa siya ng mga bagay na hindi niya ginagawa noon. At napapadalas din ang pagiging mainitin ng kaniyang ulo. "Hello po, sir. Kayo po ba ang partner ng pasyente?" tanong sa kaniya ng doktor. "Yes po, dok. Ako nga po," mabilis niyang sagot. Bumuntong hininga ang doktor. "Nasa maayos na lagay na ang pasyente. Ligtas na siya sa kapahamakan. Pero ang sanggol sa sinapupunan niya, hindi nakaligtas. Napakaraming dugo ang nawala sa kaniya at hindi na kinaya pa ng sa

