"Ang ganda ni Jonah 'no? Ang laki ng pinagbago niya," ani Clyde. Tumango si Justine. "Yes. Napakaganda niya. Masasabi mong ibang- iba na siya. Pero para sa akin, siya pa rin ang Jonah na minahal ko. Gusto ko na siyang makasama." "Pero paano? Ayon sa nakalap kong balita, pati na rin sa nakikita ko online, boyfriend daw niya si Dylan. Pero wala pa namang confirmation kung sila nga." Naningkit ang mata ni Justine sa inis. "Hindi sila ng lalaking iyon dahil ako ang mahal ni Jonah. Ako lang ang mahal niya at wala ng iba pa." Natawa si Clyde sa reaction ni Justine. Kitang - kita niya ang inis sa mukha nito. Sa loob ng ilang taong wala si Jonah sa kaniyang tabi, akala ni Clyde malulugmok ulit ng napakatagal ang kaniyang kumpare pero hindi. Nakinig ito sa kanilang dalawa ni Cara. Pinayuhan kas

