"Hoy, mare! Manlibre ka naman diyan! Ang yaman- yaman mo na!" wika ng kapitbahay nila. Umarko ang kilay ng ina ni Jonah. "Ano ba naman iyan! Nilibre ko na kayo kahapon, palibre ulit? Wala ba kayong mga pera? Oh ito! Bumili kayo ng meryenda niyo!" sabi nito sabay abot ng isang libo. "Salamat, mare! The best!" Inirapan na lang ng ina ni Jonah ang kanilang mga kapitbahay. Naiinis na nga siya dahil panay ang palibre nito sa kaniya. Pero natutuwa naman siya sa mga papuri nito sa kaniya. Madam na nga ang tawag sa kaniya ng iba. Panay nga rin ang bili niya ng kung anu- anong mamahaling damit para painggitin ang kanilang mga kapitbahay. "Tinawagan mo na ba ang anak natin? Kumusta na kaya siya? Nag- aalala ako para sa kaniya. Sigurado akong sawi at sugatan ang puso ng anak natin..." wika ng kan

