Nagising si Caroline nang maramdaman ang mabigat na bagay sa kaniyang dibdib. Pagkamulat ng kaniyang mata, laking gulat niya nang makitang katabi niya sa iisang kama ang binatang si Jonathan. Mabilis na tumibok ang kaniyang puso. Hindi siya kaagad nakagalaw at nakapagsalita. Nanlalaki lang ang kaniyang mga mata. At nang maiangat niya ang kumot na nakatabon sa kaniyang katawan, halos malaglag ang panga nang makitang kapwa sila hubo't hubad. Inalala niya ang mga nangyari kagabi. Naalala niyang niyaya niyang uminom si Jonathan para maalis pansamantala ang kirot sa kaniyang dibdib dahil kay Blake. Hindi naman siya sobrang broken hearted pero masakit pa rin iyon para sa kaniya. At naalala niya ring naging haliparot siya nang gabing iyon kung kaya't nabiyak siya ni Jonathan. 'Ang tanga- tanga

