Mabilis na lumipas ang mga araw, papunta na sana sina Clyde sa kaniyang kompanya kasama si Cara nang mapansin niyang tila hindi okay ang kaniyang asawa. Nakahawak ito sa sintido at nakakunot ang noo. Mabilis siyang magmaneho patungo sa parking lot. Nang makaparada siya, bumaling siya sa kaniyang asawa. "Ayos ka lang ba, wifey? Bakit ganiyan ang itsura mo? May masakit ba sa iyo?" Hindi kaagad umimik si Cara. Naduduwal kasi siya na hindi niya maintindihan. Parang binabaliktad ang kaniyang sikmura. Kaninang umaga niya pa ito nararamdaman. Hindi niya lang sinasabi kay Clyde dahil ayaw niyang mag- alala ang kaniyang asawa. Nanghihina nga rin siya sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Wala naman siyang ginawa kanina. Si Clyde naman ang kumilos lahat. "Wifey... magsalita ka. Ano? Ano ang nara

