She's my ex
NAGING abala ako sa pagaayos sa paparating na Grand ball,pero iniiwasan ko mawalan ng oras kay Eros especially my Son Stefanos.
I always made him happy,Ayokong makulangan siya ng pag aaruga sa isang Ina. Sa mga lumipas na araw humahanap ako ng tyempo para aminin na kay Eros na may anak kami.
Pero hindi ko naman masabi sabi sa kanya dahil naging abala na din siya sa trabaho,Kapag magkasama naman kami nawawala sa isip ko ang mga sasabihin.
“Okay,Everyone!You can go home now! Kailangan bukas maaga tayo sa venue dahil madami pa tayong gagawin.”Sabi ni Ms.Josefina sa amin.
“Yes,Ms!”We shouted and pack are things, Hinilot ko ang sintido sa pagod.
“Mauna na kayo Cris,Ria,Dadaanan ko pa si Eros.”Sabi ko sa kanila ng yayain nila ako.
“Okay.. Yabang! Nagka Boyfie lang e!”Natawa ako ng pabirong irapan ako ni Ria at hinila si Cris papasok ng elevator.
Kahit hindi sabihin ni Ria alam kong may Something sa kanila ni Ben jusko! Nakikita ko ang mga pasimple nilang titigan sa isa’t isa.
“Nasa loob ba siya?”Nakangiti kong tanong sa secretary ni Eros.
“’Nasa loob siya.”Nakangiting sabi ng Secretary niya
Sa halos isang buwan naming relasyon,alam ng mga empleyado dito sa Crown Incorporation ang relasyon namin ni Eros at nakahinga ako ng maluwag ng wala akong narinig na masasamang kommento ukol doon.
Lahat sila ay suportado ang relasyon namin.
Nag thumbs up ako sa Secretary at sinenyasan siya na papasok ako sa loob, Dahan dahan kong pinihit ang door knob at dinungaw ang ulo para makita siya.
Napangiti ako nang makita ko siyang seryosong nagbabasa ng mga papeles.Mukhang hindi niya pa ako napapansin kaya kumatok ako ng tatlong beses sa pinto.
Mula sa papel seryoso siyang nag angat ng tingin sa akin.
“Hi!”Bati ko sa kanya.
Umaliwalas ang mukha niya at binitawan ang hawak na papel.
“Baby!Come here..”Ungot niya at binuka ang braso.
Natatawang lumapit ako sa kanya at yumakap.
“Mukhang pagod ang Eros ko a?”Puna ko at yinayap siya ng mahigpit. Inupo niya ako ng paharap sa mga hita niya at sinubsob ang mukha sa dibdib ko.
“I’m so tired.”Pagod na wika niya.Hinaplos ko ang buhok niya.
“Kawawa naman ang Eros ko..Pagod na pagod..”Sabi ko.
He groaned and biten my breast.
“Eros!”Saway ko at inangat ang ulo niya.
Ngumuso siya at namumungay ang mata na tumingin sa akin.
“Why are you here pala Baby..”He asked.Tinaasan ko siya ng kilay.
“Malamang! Sabi mo ihahatid mo ko.”Napakamot siya sa ulo.
“Ah s**t! I forgot,Sorry Baby..But I think I can’t drive you tonight”Balisang sabi niya.
“Bakit?”
“Kailangan ko mag overtime sa trabaho,Marami pa akong papeles na hindi nababasa para sa Event bukas.”Ngumuso ako at sinapo ang mukha.
“Okay,Mag co-commute ako for today. Don’t over work yourself Baby.”Bilin ko sa kanya.Tumango tango siya.
Dinampian ko ng halik ang nakanguso niyang labi bago tumayo.
“Be careful Baby, I love you .”Bilin niya nang abutin ko ang briefcase ko sa gilid.
“Ikaw din,I love you too.”Kumaway ako sa kanya bago lumabas ng opisina.
I sighed at pumasok sa elevator,Seems like I’m going home alone now.
Pinagkibit balikat ko nalang iyon at lumabas ng elevator nang bumukas iyon. Tahimik akong lumakad sa lobby..
Yumuko ako para kuhanin sa bag ang phone kong tumunog nang bumangga ako sa isang pader. Ingat ko ang tingin.
“Ben!”Gulat na wika ko.
“Oh?Pauwi ka na? Hindi mo ata kasama ngayon ang lintang si Eros?”Natawa ako sa tinawag ni Ben kay Eros.
Simula nang umayos ang pamilya nila naging malapit na din sila sa isa’t isa ni Ben.
“Hindi 'e,Busy pa sa trabaho.”Natatawa kong sabi at naglakad. Tumawa siya at sumabay ng lakad sa akin.
“Can I give you ride? Tutal namimiss ko na din ang pamangkin ko.”Umaasa niyang tanong.
“Sure!”Nakangiti kong sabi.Ginaya niya ako papaunta sa Raptor niya at pinapasok ako.
“Dumaan tayo sa Jollibee,Bibili ako ng pasalubong kay kulit dahil paniguradong hahanapan ako ni Stefanos non.”Sabi ni Ben sa akin nang mapaandar ang sasakyan.
“Buti alam mo! Napaka talas ng memorya ng batang yun! Manang mana sa Ama.”Naiiling na wika ko.
“Ahuh!And Eros still didn’t know that he has a Son.”panunuya niya
“I will tell him after the event tomorrow.”
Siguradong sabi ko.
“I hope so Bridget,I hope so..”Naiiling na wika niya.
I sighed at tumingin sa bintana.
Dumaan muna kami sa Jollibee bago umuwi.Pagkapasok na pagkapasok palang ni Ben ng sa apartment dumapo agad sa kanya ang mata ni Stefanos at tuwang tuwa na nagpabuhat dito.
“Did you miss Tito Ben,Stefanos?”Ben asked him.
“Yes!Yes!”Sumisigaw na sabi ni Stefanos at yumakap ng mahigpit sa Tito.
Hinayaan ko silang mag Tito na maglaro doon at pinalagay kay Ate Lina ang Jollibee sa plato.Tumungo ako sa cabinet at hinanda ang susuotin ko para bukas sa event.
Ang call time namin ay alas nuebe ng umaga,Mahaba haba ang magiging oras namin ng pagaayos bukas dahil alas singko pa ang simula.
Pasado alas nuebe na ng gabi nang umuwi si Ben,Ayaw pa sana umuwi kaso maaga kami bukas kaya no choice siya.
NILAPAG KO ang box ng bulaklak sa gilid ng stage at pinaypayan ang sarili, Sa isang open area gaganapin ang event kaya pawis na pawis sila dahil Tirik ang araw at nakatutok sa kanila.
Ala una na ng hapon at may apat na oras na lang sila para magayos. Nag unat ako ng braso at isa isang nilagyan ng balot ang mga upuan doon dahil nalagyan na nila Cris ng balot ang lamesa.
Mahigit trenta katao kaming nagtulong tulungan para matapos ang pagaayos sa malawak na lugar na ito.
“Break muna tayo guys!”Sigaw ni Cris. Tumango ako at pumunta sa tent.Umupo ako at inabot ang water bottle ko.
Binuksan ko ang phone at binasa ang mga text ni Eros, Sa dami ng text niya tinamad na ako basahin kaya tinawagan ko nalang siya.
“Baby!”Bungad nito na kinatawa ko.
“Hey.. Break time namin ngayon, Anong ginagawa mo?”Tanong ko. Maingay ang nasa kabilang linya.
“Nag papasukat kami nila Dad ng susuotin mamaya.”Napangiti ako sa sinabi niya.
Hinahabol talaga nila ang mga oras na nasayang nila,I bet ganyan din siya sa Anak namin.
“Woah,Mukhang third wheel ka ngayon kay Tito at Tita ah?”He chukled softly.
“Oo nga 'e.Anlandi landi nila sa harap ko.”
“Haha,Hayaan mo na total ginusto mo din yan 'e.”
“I know,Kaya nga hanggang ngayon andito pa din ako.”Natawa ako sa sinabi niya.
Siraulo talaga.
Sinenyasan ako nila Cris na tapos na ang break.
“Bye na,Tatapusin muna namin yung pagaayos dito.”
I heard him sighed.
“Okay,Take care and I love you..See yah later baby.”
“I love you too.”
Nagunat ako nang mamatay ang tawag bago tumayo at tinulungan sila cris.
Alas tres na ng hapon nang matapos kami at nangangamoy araw na kami,dahil may mga baon naman kaming damit nagpalit kami sa restroom na nandoon.
We’re required to wear a formal wear for the event.
I am wearing a navy blue breaded ball gown, low neckline.
Eros is the one who choose this gown for me,Gagawin niya daw Navy blue ang neck tie para daw partner kami.
Lumabas ako ng cubicle napabaling sa akin ang atensyon ni Cris at Ria na parehas nakasuot ng long gown. Itim kay Cris at dilaw kay Ria.
“Woah!Bagay sayo”Manghang sabi ni Cris habang umiikot sa akin.
“Ang ganda naman nento”Bulong ni Ria habang hinahawakan ang tela ng gown.
“Baliw,Tara na nga at magayos, Anong oras na.”Ngumuso sila at tumango.
Humarap kaming tatlo sa salamin at sinimulan na magayos.Kanya kanya kaming ayos sa sarili.
Tinuwid ko ang kulot kong buhok,Hinayaan ko lang na nakalaglag iyon at nagsuot ng hairpin na binili namin ni Eros noong mag mall kami.
Sunod ko naman ginawa ang aking make up, As usual ginawa ko lang na simple para mukhang natural.
Nagpicture muna kaming tatlo bago tumungo sa labas, Malakas na tugtugan ang bumungad sa amin.
Ilang minuto nalang isa isa na magda-datingan ang mga bigating tao.
Nag double check kami para siguradong maayos ang lahat at walang magkaka problema sa lahat.
Nakatoka kaming tatlo nila Cris na Pumwesto sa entrance para tingnan ang invitation card.
Maya maya may sunod sunod na dumating na mga sasakyan. Ang media pala..
Pumwesto sila sa gilid ng Red carpet at nilabas ang mga camera,Ilang minuto ang lumipas may Dumating na mga mamahaling sasakyan.
Nagflash ng sunod sunod ang mga camera nang bumukas ang pinto,Lumabas isa isa ang grupong Zero na sikat sikat hanggang ngayon.
Huminto sila sa gitna at ngumiti sa mga camera bago tumungo sa amin napairap ako nang marinig ang mahihinang tili ni Ria at Cris.
I know na ang gwa-gwapo nila pero si Eros lang ang gwapo sa paningin ko.
Isa isa naming tiningnan ang invitation at nginitian sila bago papasukin. Napabuntuhininga ako ng sunod sunod nagsidatingan ang mga bigating tao kaya naging busy na ako sa pagtingin sa mga invitation.
“Baby.”Nag angat ako ng tingin.
“Eros!”Nakangiti kong sabi at pinasadahan siya ng tingin,He’s wearing a black tuxedo with a navy blue tie.
“You look beautiful.”Pambobola niya at pinatakan ako ng halik sa labi.
I chuckled.
“And you look handsome too.”He smiled and give me soft kiss.
“Son,Bakit dito pa kayo naglalampungan ni Bridget?”Napalingon kami ni Eros kay Tito na katabi si Tita.
Nakangisi sila ng mapangasar parehas.
“Kj mo Dad,Ikaw nga nung naglalampungan kayo ni Tita hindi ko kayo sinita.”Umirap si Eros,Natawa ako sa sagutan nilang mag Ama.
Umalis na din kaagad sila para pumasok sa loob dahil meron ng nakapila sa kanila.
Tumuwid ako ng tayo nang makitang may paparating na babae na nakasuot ng pulang ball gown,Pinagkakaguluhan siya ng media pero nginingitian lang niya ito.
“Mean Barbara.”Cris Whispered.
Mataray niya kaming tiningnan at nakangiwing inabot ang invitation,Pinipigilan ko ang sarili na irapan siya.
She flipped her hair at pumasok sa loob.
“Ang arte mo.”I whispered nang makapasok siya.
Pumasok kaming tatlo sa loob para tingnan kung maayos ba ang event,Kumunot ang noo ko nang mapansing lumapit yung Mean Barbara sa Eros ko.
Nakataas ang kilay na pinagmamasdan ko ang gagawin ni Eros,Kasama ni Eros sa lamesa ang Dad at Step Mom niya.Nakataas din ang kilay ng Step Mom ni Eros habang nakatuon ang mata kay Mean Barbara.
Nakita kong kinakausap ni Mean Barbara si Eros na galit ang mukha at nakasalubong ang kilay.Maya maya napadako ang mata sa akin ni Eros at nang makita akong nakatingin sa kanya,Nanlaki ang mata niya at napatayo sa upuan.
Natawa ako ng mahina nang binunggo niya ang balikat ni Mean Barbara dahil para mapangiwi ito at gumilid. Kahit nakangiwi ang mukha nito pinanood niya pa din si Eros na malalaki ang hakbang tumungo sa akin.
Nangungusap ang berde niyang mata.
“Baby..Is not what you think..”Masuyo niyang hinapit ang bewang ko habang nakatingin sa akin.
“Who’s that?Bakit siya lumapit sayo?”
Pagtatanong ko sa kanya.Napakagat siya sa ibabang labi.
“She’s my ex.”Napataas ang kilay ko sa narinig.
“Yung ex mo na nagcheat sayo? Anong kailangan niya?”Umilap ang mata niya at nagiwas ng tingin.
Bumuntuhininga siya at binalik ang tingin sa akin.
“She wants me back.”Parang bomba iyon sa pandinig ko at tumalim ang mga mata ko.
Nilingon ko yung Mean Barbara na iyon na matalas na nakatingin din sa akin.Pinukol siya ng masamang tingin.
Hindi ko alam ang sunod na nangyari ang naalala ko lang ay basta basta ko nalang siyang hinila paalis sa event na iyon palayo sa Ex niya ng gabing iyon.
“Ex ng Boyfriend mo si Mean Barbara!?”Gulat na tanong ni Cris nang ikwento ko sa kanya kinabukasan. Si Ria naman ay tahimik lang pero nanlalaki ang mata.
Huminga ako ng malalim at sumandal sa swivel chair.
“Yeah.. Siya yung makapal na mukhang ex ni Eros na gusto siyang balikan.”Namilog ang mga mata nila sa gulat.
“Kaya ba kayo nawala kagabi sa party dahil sa kanya?”Tanong ni Ria. Tumango ako sa kanya.
“Hindi ko alam..Natatakot ako na baka mabawi niya si Eros sa akin kaya hinila ko si Eros paalis sa event.”Pag amin ko.
“I’m sure na hinding hindi makikipagbalikan si Eros sa kanya 'no! Ipagpapalit pa ba ni Eros yung kagaya mo sa nagcheat lang na kagaya niya?”
Napatango ako dahil may punto si Cris.
“I know,May tiwala ako kay Eros.. Hindi naman siguro siya papasok sa isang relasyon hanggang hindi pa siya nakakamove on sa una diba?”
“Let’s just wait and see.”Sabi ni Ria.
Tumango ako kahit labag sa loob ko.
I will not lose without a goddamn fight.