Kael’s POV 10:08 PM. Akong naka uwi Tahimik ang buong unit pagpasok ko. Walang ilaw sa sala. Wala si Saphira sa kusina, wala rin sa banyo. Walang yapak, walang boses, walang kahit anong senyales na narito siya. Kumunot ang noo ko. Pumasok ako sa guest room. Walang tao. “Nasaan ka na naman?” mahina kong bulong habang kinukusot ang batok ko. Dumaan ako sa dining table—nandoon pa rin ang kinuhang take-out mula sa paborito niyang kainan. Hindi man lang ginalaw. Katulad ng mga araw na tahimik lang siyang umiiyak nang hindi ko nakikita. Humugot ako ng buntong-hininga. Bumagsak ako sa couch, hawak ang phone. 10:43 PM. Calling: Saphira Elowen. Ringing. Wala. 10:57 PM. Calling again. Still no answer. 11:10 PM. Nothing. Lumipas ang oras. Alas-dose. Alas-dose y medya. Tumatawag pa r

