Sweet's POV
I slowly opened my eyes when I felt a tap on my cheeks. When I opened my eyes, Stella's face blocked my view. As usual, her face was emotionless. Diretso ang tingin sa akin nito.
"Bumangon ka na," her cold voice said.
Tumango ako at pinanood siyang lumabas mula sa aming kwarto. Umupo ako sa kama saka inalis ang kumot na nakatakip sa aking katawan at nagpasyang tumayo na. I started to do my morning rituals. Afterwards, I began to fix myself. I brushed my long hair at hinawi ang mga hibla ng buhok na humarang sa aking mukha saka nilagyan ng clip.
Matapos ay pinaglandas ko ang palad sa uniform ko para matuwid ang ilang gusot. I sighed before walking out from the room. Tinungo ko ang dining are at doon natagpuan si Stella na nakaupo sa harap ng mesa. Maya maya ay lumabas mula sa kusina si Irene na may dalang plato na naglalaman ng sunny-side up egg at bacon. Lumapit ako sa mesa.
"Good morning."
Ngumiti si Irene saka bumati pabalik samantalang tumango lamang si Stella. Tumulong na ako sa paghahanda ng agahan at nagsimula na rin kaming kumain. Tahimik lamang kami habang nag-aagahan. No one dared to break the silence between us.
Ako, si Stella at si Irene ay magkakasama sa apartment na ito. Two thousand ang bayad ng bawat isa sa amin, para sa paninirahan namin dito. Tama lang naman ang laki, iisa ang kwarto at may lamang tatlong kama sa loob. May isang banyo doon, at isa rin malapit sa kusina. Ang sala naman ay may dalawang sofa at 21-inches na TV. May kuryente at tubig kaya hindi naman mahirap ang pagtira rito. Kung tutuusin nga, mura na ito kesa sa ibang mga apartment. Mas naging magaan pa ang bayaran dahil may kahati naman ako.
Irene is nice, we are friends but not that close. Si Stella naman, mukhang ilag sa mga tao. Minsan lamang magsalita at madalas ay tipid pa. Laging walang emosyon at blangko ang mukha. Halos anim na buwan na rin akong naninirahan dito simula ng mag-first year college na ako.
I'm a scholar at the Ruther University. Malapit lang naman iyon dito, isang sakayan lang ng jeep na tumatagal ng twenty minutes.
Matapos kumain ay ako na ang naghugas. Kahit hindi kami ganoon ka-close sa bawat isa, napagkasunduan namin na hati-hatiin ang chores dito. Sa umaga si Irene ang magluluto at ako ang maghuhugas. Sa gabi naman ay si Stella ang magluluto, ako ang maghuhugas ng plato pagdating ko galing trabaho, samantalang si Irene ang mag-aayos ng aming tutulugan. Tuwing sabado naman ay tulong-tulong kami sa paglilinis, general cleaning.
"Let's go," saad ni Stella.
I locked the door and followed them. Kinailangan pa namin lumabas ng village bago makasakay ng jeep. Tabi-tabi kaming umupo. Isinuot ko ang earphone at nag-iwas ng tingin sa mga titig ng tao sa loob ng jeep. They are staring at me. Maganda sila Irene at Stella. They have the Filipina beauty. Samantalang sa akin ay nahaluan ng foreign features. Asul na mata, napaka-puting balat, at naninilaw na may halong dark brown ang kulay ng buhok. Kaya naman agaw pansin ako. I don't know why they are so surprise when they will see me. Marami rin namang mga foreigner na pakalat-kalat. And I'm not boasting because of that, naiilang pa nga ako eh.
"Para!" Irene said.
Tumigil ang jeep, may ilan pa kaming nakasabay na schoolmate. Itinapat ko ang ID sa scanner saka pumasok sa gate ng University.
It's a usual day. Maraming mga estudyante na may kaniya-kaniyang ginagawa.
"Una na ako, Sweet," paalam ni Irene.
Kumaway ako sa kaniya. Sumunod na rin si Stella na hindi nagpaalam. Napa-iling na lamang ako at nagpatuloy sa paglakad. Sanay na ako sa ugali ni Stella. Walang pakialam sa nasa paligid niya. Hindi rin siya nagsasabi kung aalis siya o hindi. Kaya minsan, nag-aalala kami para sa kaniya. But as usual, she doesn't care.
Pagpasok ko sa classroom ay sumalubong sa akin ang magulo kong classmates. May nagke-kwentuhan, habulan at iba pa. Muli na lang akong napa-iling at tinungo ang upuan ko. I put my bag down and sat. Isinandal ko ang likod ko sa upuan saka pinagmasdan sila.
"Hi, Sweet!" pagbati ni Aaron. Nginitian ko siya at binati pabalik.
Magsasalita pa sana siya ngunit dumating na ang professor namin. Matangkad na lalaking hindi pa katandaan, but he wrinkles are already on his face. Naka-suot din siya ng salamin sa mata. He has this strong and intimidating aura.
"Good morning Sir Pablo," we greeted him in unison. Tumango lamang siya at sumenyas na umupo na kami. He sat to check the attendance bago tumayo sa harapan ng klase.
"Have you heard the news?" Malalim ang boses niya nang tinanong kami. Nilibot ang tingin sa bawat isa sa amin.
"What news, Sir?" tanong ng isa kong kaklase.
Napa-iling si Sir. He seems very dissapointed dahil hindi namin alam iyon. Ano bang balita iyon? Bakit mukhang napakahalaga para kay Sir na malaman namin iyon?
"There are dead bodies found, ten bodies to be exact," aniya.
Some gasped, ang iba ay tila walang pakialam at hindi na nabigla sa nangyari. Masakit man isipin pero hindi na ganoon nakagugulat na malaman na may natatagpuang patay dahil laganap naman na rin ang krimen sa Pilipinas, sa buong mundo. But still, it hurts, dahil kinakailangan pang may mamatay.
"Sir, I think it's not that surprising anymore," singit ng kaklase ko. Muling napa-iling ang guro namin. Tinignan niya kami na parang masyado kaming ignorante, walang pakialam sa paligid.
"The dead bodies that were found lost their blood, and they have those pair of small holes on their neck."
Nag-ingay ang buong klase. Some got curious, scared and some shared their theory about it. Hinampas ni Sir ang lamesa hudyat upang tumahimik.
"Now, isn't it surprising?"
Tulala akong naglalakad. After the class, all of us immediately search about that news in internet. And it's true. It is trending all over the country. Halos maubos ang dugo ng mga iyon, parang dry na dry ang katawan nila at kapansin-pansin ang mga sugat or let say butas sa leeg nila. Na tila natusok ng matulis na bagay. Sino ba ang gagawa noon? Tao? Of course! O pwede ring hayop. Pero anong hayop? And is it a coincedence na sampo lahat ang biktima?
Napa-hawak ako sa sentido saka tinungo ang comfort room. Ibinaba ko ang bag sa may gilid ng sink at pumasok sa isang cubicle para umihi. Pagkatapos ay lumabas na ako saka tumitig sa salamin. I washed my face and dried it with my small towel na laging nasa bag ko. At habang nagsusuklay ako ay biglang namatay ang ilaw sa loob ng comfort room. Muntik akong mapatili dahil sa gulat. But I tried to calm myself.
Takot ako sa dilim. Everytime that my surrounding is dark my mind began to imagine creepy things. Kaya naman ngayon ay pilit kong pinakalma ang utak. Dahan-dahan kong kinapa ang bag saka naglakad palapit sa pinto. But before I could go out ay tumunog ang door knob and I heard a click sound. My heart began to thump fast and loud. Nagsisimula na akong matakot. Did someone locked me here inside this room? Kinalampag ko nang malakas sa pinto. Maybe, I can get someone's attention from the outside.
"Anyone there?" I shouted.
Nagsisimulang mag-init ang mata ko. Stop it Sweet, you're not going to cry! Napatili ako nang makarinig ng kalampag sa mga pinto sa mga cubicle. I'm with someone? No, earlier I confirmed that I'm alone!
Despite of the darkness I saw a built approaching. Nagsumiksik ako sa tabi ng pinto. I can hear his low growls. Kitang-kita ko ang pula at nanlilisik niyang mata. Palapit na siya, dahil sa panginginig ay napa-upo ako. I'm scared. So scared.
Please, someone help me!
I can feel my tears streaming down from my eyes down to my cheeks. Sa tulong ng maliit na siwang galing sa bintana nakita ko ang mukha niya. Pero nagdagdag lamang iyon ng takot. I saw it! He has fangs! Pulang-pula ang mata niya, may mga dugo at laway rin na tumutulo mula sa bibig niya.
Umupo siya sa harap ko. I heard him inhaled and growled afterwards.
"So sweet," his raspy voice filled my ears. Napapikit ako sa takot nang makita ang papalapit niyang kamay na may mahahabang kuko. Napalunok ako. I'm sure that those hurts if the nails will scratch my skin!
"N-no please..." bulong ko.
And I heard a loud noise. Napamulat ako at nakita ko ang pagtalsik ng nilalang na nasa harapan ko kanina papunta sa isa sa mga pinto. I heard growls because of pain. I saw their silhouettes, sinakal ng mas matangkad na lalaki ang nilalang kanina. Nakita ko ang pag-angat niya mula sa sahig dahil lamang hawak siya sa leeg ng estranghero.
And that's it. Tuluyan na akong napasigaw. Lalo akong nanginig. Bumilis lalo ang t***k ng puso ko to the point that breathing became hard for me to do. Kitang-kita ko kung paano naputol ang ulo ng nilalang na kanina lang ay sumugod sa akin. Gamit lamang ang isang kamay ng estranghero at pinilipit iyon, ay tuluyang nahulog ang ulo ng nilalang. I saw how blood trailed down from his hand and drop to the floor. Maybe because of the adrenaline rush, rinig na rinig ko ang nakakakilabot na patak ng mga dugo sa sahig. Maya-maya pa ay pabalang niya iyong ibinagsak sa sahig.
Tumingin siya sa pwesto ko. Niyakap ko ang aking tuhod at lalong isiniksik ang sarili sa corner. I can't see him clearly because of the darkness. Maliit lamang na liwanag ang sumisilip sa comfort room. I heard his heavy breathing. Napaiyak ako nang marinig ang paglalakad niya. Papunta siya sa akin, ako na ba ang isusunod niya?
Iniligtas ba niya ako o gusto lamang niya na siya ang pumatay sa akin? At ano bang klaseng nilalang sila. I already have a theory about the creature earlier. At sa lalaking nasa harap ko, hindi ko pa alam. Basta ang alam ko, kakaiba ang lakas niya.
Lumuhod siya sa harap ko. Lalo akong nanlamig. Mabilis ang t***k ng puso ko, and I'm afraid that he can hear it. I felt his thumb touched my chin. I shivered when our skin touched. Unti-unti niyang inangat ang mukha ko. At kahit madilim alam kong nagsalubong ang mata namin. I felt him touch my cheeks and wiped away my tears. Kahit papaano ay kumalma ang sistema ko. But what if, this is one of his strategy para mapatay niya ako agad?
"Hush now, my innocent Sweet. You're safe now..." His husky voice lingered on my ears.
I frozed. His voice has an effect to me. Tuluyang kumalma ang sistema ko. His thumb brushed my lips, habang ang isa niyang kamay ay humahaplos sa braso ko pataas sa balikat, sa leeg hanggang umabot sa mukha ko. Inalis niya ang mga nakatabing na buhok sa aking mukha. Nagsitaasan ang balahibo ko dahil sa haplos niya. There is something about his touch.
"I'm always here, I'll always protect you."
Then he kissed me on my lips. I was shocked. He got my first kiss.