Sweet's POV Matapos kumain at linisin ang kusina ay nagbihis ako ng isang simpleng t-shirt at jogging pants. I fixed my hair into a tight bun at naglagay rin ng maliit na towel sa aking likod. Tinungo ko ang cabinet na naglalaman ng mga kagamitan sa paglinis at kinuha ang kailangan ko bago lumabas. I heaved a sigh habang nilibot ang tingin sa madamong paligid ng harap ng mansion. Nag-inat ako ng mga braso bago napagpasyahang magsimula. Bahagya akong umupo at sinimulan ang paggupit sa matataas na d**o. Medyo kinakabahan ako dahil baka mayroong ahas na naninirahan dito. My forehead creased and continued cutting it. Ngunit natigil ako nang may umagaw no'n sa akin. Napatingin ako sa tabi ko and my lips parted when I saw Sir Lennox. Siya ang nagpatuloy sa ginagawa ko. "Sir!" I uttered. Tum

