Sweet's POV Hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari. Paggising ko sa umaga ay nasa sariling kama na ako. Muli akong napakurap at nilibot ang tingin sa kwarto. And it's real. I'm really on our room. Bumukas ang pinto at niluwa si Irene. "Mukhang napagod ka sa trabaho mo. Malalim ang tulog mo," nakangiti nitong saad. Kumunot ang noo ko. Mabigat pa rin ang pakiramdam ng katawan ko at pagod na pagod. And this is one of the evidences na totoo ang nangyari kagabi. "B-bakit, anong oras na?" I asked her. "One hour ka ng late. Ako naman, vacant kami ng two subjects kaya okay lang. I tried to wake you up earlier pero pagod na pagod ka. And.." Tinuro niya ang suot ko. "Hindi ka nakapagbihis," saad niya. Nalukot ang mukha ko. I remember kung gaano ako kapawis last night because of cleani

