Sweet's POV "Sa tingin niyo, makakatakas kayo?" Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Daniella at dalawang ka-uri nila sa likod. Sinapo ko ang sugat ni Rage na ngayon ay may umaalpas na dugo. I bit my lips and stop myself from crying. Masyadong malalim ang sugat niya. "Hush now, Sweet. I'm okay. Don't worry." He smiled again, a sweet and genuine smile. Para na naman akong natutunaw pero pinigil ko 'yon at pinatatag ang sarili. "We need to get out of here," he murmured. Inalalayan ko siyang tumayo. Hinarap namin ang mga gustong pumigil sa pagtakas namin. "Let us go, lalo na si Sweet. Hayaan niyo na siya. May sarili siyang buhay. You guys are witches, baka kaya niyo naman gawin na tanggalin si Aster sa kaniya at hayaan niyo na si Sweet," pakiusap ni Rage. Nakita kong natigilan ang mga

