Chapter 6

1905 Words
Sweet's POV Napahawak ako sa ulo nang maramdaman ang pagkirot nito. Bahagya kong binaba ang kumot na tumatabing sa katawan ko saka umupo at sumandal sa headboard. Bahagya nang sumisilip ang sinag ng araw sa bintana mula sa labas. I sighed and closed my eyes. And in a cue, sunod sunod na bumalik ang nangyari kagabi or should I say kaninang madaling araw. Our misson to get a strong evidence that vampires really do exist. The suicide misson that almost led us to our death. Kung hindi lamang dumating ang estranghero na iyon. Napangiti ako nang maalala ang mukha niya na natatakpan ng maskara. I remembered how he saved me for the third time. Kapag nangangailangan ako, kapag nasa bingit ng kamatayan bigla siyang dumadating para iligtas ako. Muli akong napa-buntong hininga. Hindi ako dapat aasa na lagi siyang nandiyan para iligtas ako. Dapat na akong mag-ingat. Dahil hindi sa bawat oras ay darating siya. But I suddenly remember what he said... 'You don't need to know. All you need to know that I will always protect you.' Lagi daw niya akong poprotektahan. Bakit? Ano bang meron sa akin? Anong kailangan niya? Kaano-ano ko siya para iligtas niya ako mula sa panganib? And by his feature when he got mad... His gray eyes turned red, his fangs showed up. Alam kong bampira siya. Pero bakit siya papatay ng kapwa niya para sa akin? I suddenly remembered Sir Pablo! Kamusta na kaya siya? Last thing I remember, marami siyang galos na nakuha mula sa bampira na na-encounter. But he's amazing, nakapatay siya ng bampira! Nakakuha kaya siya ng ebidensya? Siguro naman hinatid siya ng estranghero? Nabigla ako nang pumitik sa harap ko si Irene. Kunot ang noo niya maya-maya ay ngumiti. "Ang aga-aga, ang lalim na ng iniisip mo, Sweet," saad niya. Pilit akong ngumiti. "Wala naman 'to. May naalala lang." Tumango siya saka naglakad papunta sa pinto. At muling lumingon sa akin. "By the way, may kasama ka bang lalaki kagabi?" Tanong niya. Nanigas naman ako at napatingin sa kan'ya. "W-wala. Tsaka hindi naman ako lumabas." Pagsisinungaling ko. Muli siyang tumango. "Maybe I'm just dreaming that time. O siya, kakain na. Mag-asikaso na tayo baka malate pa," saad niya bago tuluyang lumabas ng kwarto. Gusto ko pa sana siya tanungin pero hindi ko nagawa dahil nag-iisip siya na baka totoo nga ang hinala niya. Ibig sabihin, pumasok siya rito sa kwarto namin? Oh, stupid me. Malamang! Alangan naglakad ako ng tulog. Naka-tulog ako sa sasakyan kaya binuhat niya ako malamang para mapunta sa kama. Bumaba ang tingin ko sa damit ko. Naka-t-shirt na ako at pajama. Ang naaalala ko sinuotan niya ako ng jacket niya dahil napunit ang damit ko? Ibig sabihin, pinalitan niya ako ng damit? Unti-unting nag-init ang pisngi ko sa reyalisasyon. He saw me, almost naked. Kasi kahit yung jeans pinalitan niya. Damn, so embarrassing! Mabilis akong tumayo at nag-asikaso na. Kailangan kong malibang ang isip para hindi muna maalala ang mga nangyari. Mabilis naming tinapos ang pag-kain at sabay sabay na umalis papunta sa university. Pagpasok ko ay busy ang lahat ng classmates ko. Gumagawa ng mga assignments na hindi nila nagawa. Napa-iling na lang ako. Mabuti na lang tinapos ko na 'yung akin bago pa ako sumabak sa misyon namin. Gusto ko rin pala maka-usap si Sir Pablo regarding sa nangyari. Kung may nakuha na siyang ebidensya. Nabigla ako nang inikot ni Aaron ang upuan sa bandang harap ko, paharap sa akin. Malaki ang ngiti niya ng bumaling sa akin. "Good morning, Sweet!" bati niya. Ang aga-aga, hyper ah! "Good morning, Aaron," bati ko pabalik. "Malelate 'yon si Sir Pablo, malamang," saad niya. Kumunot naman ang noo ko at nagtatakha na tumingin sa kan'ya. "Bakit?" "Kapitbahay ko siya 'di ba. Eh nakita ko kanina, nasa loob pa siya ng kotse niya. Tulog. Hindi ko nga ginising, alam mo yun. Para happy tayo," saad niya. Nagtakha naman ako. Bakit doon siya natulog? And realization hit me. Malamang doon siya iniwan no'ng estranghero. Buti na lang ako pinasok niya sa kwarto. Malamang, kawawa naman ako kung sa labas niya ako iniwan. Buti na lang. Atleast si Sir, sa loob ng kotse. "But something is weird on him," sabi niya. Kunot ang noo niya tila ay malalim na iniisip. "Ano iyon?" I asked. "Parang may bahid kasi ng dugo yung damit niya. Tsaka may mga punit na parang kinalmot. Pero wala naman siyang sugat. Siguro namamalikmata lang ako. Hindi ko kasi natignan nang matagal baka magising pa," saad niya. Napa-isip ako. Marami siyang galos na natamo mula sa bampira na kinaharap niya kagabi. Ibig sabihin ba no'n, ginamot siya ni Mr. Stranger? Napangiti ako. Ang bait naman niya. Kahit kung tutuusin kasalanan namin ang lahat kung bakit kami napunta sa sitwasyon na 'yon, ginamot pa rin niya si Sir Pablo. Biglang may pumasok sa room, at iniluwa noon si Sir Pablo na tila humahangos. Halatang nagmadali siya sa pag-asikaso sa sarili. His tie was not properly made. Ang laging naka-ayos niyang buhok ay magulo. Hindi pa nakatupi ang longsleeve niya sa may bandang siko na madalas niyang ayos. Natahimik bigla ang buong klase. Inilapag niya ang mga dalang libro sa lamesa. I took a glance on  my wrist watch. He's late for almost 15 minutes that's very unusual. Malamang dahil sa nangyari kagabi. "Good Morning." Agad kaming bumati pabalik. Pina-upo na niya kami at inilibot ang tingin sa paligid. Nang magsalubong ang mata namin ay tila wala lang. Dinaanan nya lang ako ng tingin. I just shrugged it off. Mukhang hindi pa siya masyadong oriented sa paligid. He started the lesson na isa pang unusual. Madalas ay nagsisimula ang klase sa mga balita na inio-open niya. Nakita ko rin ang pagtatakha sa mga classmate ko pero binalewala na lamang nila. Natigil ang pagtuturo niya ng pumasok ang isang teacher. Lumapit si Sir Pablo sa kan'ya at nag-usap sandali. Maya-maya ay hinampas niya ang lamesa gamit ang palad para maagaw ang pansin namin. "We have tranferees," saad niya. Maya-maya ay pumasok ang isang babae at lalaki. Nang marating nila ang harap ay diretso ang tingin nila sa akin. Tila nanunuri ang mga mata nila. Pinagmasdan ko ang mga mukha nila. They have almost the same features. Black hair mixed with red color. Black dull eyes, white complexion. Small proud nose and thin red lips. Mahaba ang buhok ng babae samantalang korean style naman ang sa lalaki. Katamtaman ang katawan ng lalaki at matangkad samantalang mas matangkad nang kaunti sa akin ang babae, sa tingin ko. Hapit rin ang uniform niya kaya bakas ang kurba ng katawan niya at hindi tama ang ikli ng palda niya. These people are rule breaker. But I don't care, I'm not in the position para sawayin sila. "Kindly introduce yourself in front of the class." Sir Pablo requested. "I'm Daniel Kent Silver." Saka niya itinaas ang kamay. I saw my classmates— girls giggled. Tsk "I'm Daniella Key Silver." Napatango-tango ako. And that explains why they have the same features. They are identical Twins. Tumango si Sir saka iminuwestra ang upuan sa may bandang likod. Diretso lamang ang tingin ko sa harap. Nakarinig ako ng mahinang lagabog at alam kong naka-upo na sila. Ramdam ko ang mga pares ng mata na tila pinagmamasdan ang bawat kilos ko. Bakit may kakaiba akong feeling sa transferees? Pakiramdam ko malakas ang dating nila. I mean, 'yong presence niya ay may something na 'di ko maexplain. Bale two hours ang class kay Sir Pablo. Halos 30 minutes na lang nang may sumingit na naman na teacher. Nakita ko ang pagtango ni Sir habang may kausap saka muling pumunta sa harap. "We have another transferee," saad niya. Seriously, bakit maraming transferee ngayon?Second semester na. "Please come in." Naglakad papasok ang isang lalaki. Napakunot ang noo ko nang makita siya. He's familiar. Pakiramdam ko ay nakita ko na siya. "Hi, I'm Rage Hunter, 22 years old." Nakangiti siya ng matamis at halos himatayin na ang mga babae. 22? Mas matanda siya sa akin ng two years. Nagsalubong ang aming mata at lalo siyang ngumiti. His dark blue eyes are twinkling while staring at me. Umiwas ako ng tingin nang may maramdamang kakaiba. Pinaupo na rin siya at nasa kabilang aisle lamang siya. I felt him staring kaya napatingin ako sa kan'ya. He's smiling widely saka kumaway pa sa akin. Tipid ko siyang nginitian saka muling tumingin sa harap. Matapos ng subject ni Sir Pablo ay nag-ayos na ako ng gamit at umalis na doon. Wala ang next professor kaya vacant kami. Mabilis akong umalis at tinungo ang faculty. I need to talk to Sir Pablo about what happened last night. I greeted first before entering the faculty. Tinungo ko ang table ni Sir Pablo and found him busy in writing on his lesson plan. Nag-angat siya ng tingin ng mapansin ako kapagkuwan ay iminuwestra ang upuan sa harap niya. "Good morning Sir," bati ko saka umupo. Malinis ang table niya kumpara no'ng nakaraan na maraming libro na connected sa mga vampire. "What can I do for you Miss Villegaz?" Tanong niya sa pormal na tono. "Okay lang po ba kayo Sir?" I said starting the conversation. Tumigil siya sa pagsusulat saka tuluyang bumaling sa akin. "Ayos lang ako. Na-late lang naman ng gising. I'm sorry for that," daad niya. "Ay, hindi niyo po kailangang mag-sorry. Naiintindihan ko naman po lalo na dahil sa nangyari kagabi. Wala na po bang masakit sa inyo?" Tanong ko. "W-what are you talking about Miss Villegaz?" Kunot noo niyang tanong. "Di ba po nasugatan kayo dahil doon sa bampira? Kaya tinatanong ko po ku--" pinutol niya ang sasabihin ko. "Stop talking nonsense Miss Villegaz. I'm not on the same age with you para lokohin mo ako ng gan'yan. I'm your professor so learn to respect," seryoso niyang saad. Kumunot ang noo ko at nagtatakha na tinignan siya. "S-sir I'm not talking nonsense! Totoo po iyon? Bakit? Nawalan na po ba kayo ng interes bigla? I just want to ask Sir if you are okay and If you are able to get an evidence that vampire really do exist." Mahinahon kong sagot. "Vampires? Come on Miss Villegaz, consult a psychiatrist habang maaga pa. At kung ginu-goodtime mo lang ako, stop it. Matino kitang estudyante at ayaw kong mabahiran iyon dahil sa ginagawa mo. Sinasayang mo ang oras ko. You may now leave," saad niya at tuluyang tinapos ang pag-uusap namin. Tulala akong naglalakad paalis doon. May nangyari ba kay Sir? Bakit niya nakalimutan ang nangyari o 'di kaya ay nagkukunwaring nakalimutan. Napasabunot ako sa sariling buhok sa inis. Ano na naman bang nangyayari? May kinalaman ba ang estranghero na iyon o ginusto lang talaga ni Sir Pablo na kalimutan iyon? Damn it, nakakainis na. I'm so frustrated. Natigil ako sa paglalakad nang may nakaharang sa daan ko. He's staring at me like I'm doing something that amuses him. Nang maalala, agad kong ibinaba ang kamay na nakasabunot sa sariling buhok. Sandali ko lamang siyang tinignan bago naglakad ng diretso at iniwasan siya.. Pero agad niyang hinawakan ang braso ko. Napatingin ako sa kan'ya at muli kong nasilayan ang kulay asul niyang mata. "Hi," saad niya habang may matamis na ngiti sa labi. Tinignan ko lamang siya at tipid na ngumiti saka inalis ang kamay niyang naka-kapit sa akin. Napangiti siya lalo doon. Tinalikuran ko na siya ng muli siyang magsalita na nagpatigil sa akin. "Long time no see, my sweet angel."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD