Sweet's POV
Everything around me was blurry, at nang maalala ang lahat ay nagsimulang lamunin ng takot ang sistema ko. A monster suddenly popped in front of me. Napasigaw ako sa takot nang makita ang nagngangalit niyang mukha. Pula ang mata at tumutulo ang dugo mula sa kaniyang bibig.
"Nooooo!"
Nanginig ako nang magsimula siyang lumapit sa akin. In a blink of an eye, nasa harap ko na siya at kinagat ako sa bandang leeg. Napasigaw ako dahil sa sakit ng pagsipsip niya sa dugo ko. I can almost feel my veins going out from my body through the holes, kasabay ng pagsipsip niya sa dugo ko. Sabik na sabik siya. Napahiyaw ako sa sakit nang maramdaman ang pagkapunit ng mga litid ko sa may leeg.
Unti-unti na ring natutuyo ang balat ko. Namamayat at nawawalan ng kulay.
"N-no! Please, wag!"
"Sweet Aphrodite! Wake up!"
Napabalikwas ako ng bangon. Nanlalaki ang mata ko, mabilis ang aking paghinga. Tears are streaming down my cheeks. Nanginginig ang katawan ko dahil sa takot. My heart is beating so fast. I can feel it, almost leaping out from my rib cage.
"Ano bang nangyayari sa iyo? Lagi ka na lang binabangungot?" Nakatingin sa akin si Irene ng may bahid ng pag-aalala. While Stella is on her back with blank expression.
"I-I don't know..." Naguguluhan na rin ako. Pinadaan ko ang daliri sa buhok ko saka tumingin sa kawalan. Lagi na lang akong nananaginip nang ganito. Amonster attacking me... sipping my blood, killing me. Simula ng gabing iyon, lagi na lang akong nagigising dahil sa bangungot.
"Ano ba talaga ang nangyari? Simula nung araw na iyon, lagi ka na lang ganiyan," dagdag ni Irene. Napa-iling na lamang ako saka pilit na ngumiti. Maybe I was traumatized.
Irene sighed and asked me once again. But I answered her with the same words. Napa-iling na lamang siya bago lumabas. Stella took a last glance on me before walking out from the room. Huminga ako nang malalim bago isinandal ang likod sa headboard.
Hindi ko na alam kung totoo ba ang lahat ng nangyari noon. Ang halimaw, bampira na na-encounter ko sa pag-uwi galing sa trabaho. Ang lalaking nagligtas akin, na nakakubli sa likod ng maskarang iyon. Ang mga abo niyang mata. Napa-iling ako saka hinilot ang sentido. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa lahat ng pangyayari. Everything is normal, dati. Pero bakit ngayon, may kung anong nangyayari sa buhay ko?
May sakit ba ako sa pag-iisip? I can't accept it! Nakakapag-isip naman ako nang mabuti. Normal naman ang pakikihalubilo ko. Kaya parang imposible na may sakit ako sa utak! Hindi naman ako nagugutuman o ano pa man.
Biglang pumasok sa utak ko ang sinabi ni Sir Pablo. Ang tungkol sa balita. Ang mga natagpuang patay na may dalawang maliit na butas sa leeg, wala nang dugo at tuyong-tuyo na balat. And I have a theory behind those crimes. Walang iba kung hindi ang mga bampira, ang mga halimaw. At ang balitang iyon ay isang patunay na hindi ako nababaliw. I'm not just imagining things. Everything is true, not just made by my mind.
Should I keep it to myself? But I'm sure no one will believe on me if I share it. Everyone will think that I'm crazy. Lalo na at may history ako, I mean, ang dilim ay may ibang epekto sa akin. At kapag nalaman nila iyon, it will make everything worst. Sasabihin nilang may problema ako sa utak.
I sighed once again before getting out from the bed and started to do my morning rituals. Sa bawat ginagawa ko, sandali akong napapatulala dahil biglang pumapasok sa isip ko ang nakababaliw na karanasan na iyon. Hindi na maganda ang epekto nito sa akin. Nagiging paranoid na ako. Natatakot lagi, at hindi mapigilang magmasid sa paligid. Laging nababahala na baka may aatake sa akin.
Pagkatapos ko ay lumabas na ako at nag-agahan. I ate with Irene and Stella, and it's a usual breakfast. Tahimik at walang umiimik. It's not awkward, pero kapag pinansin mo talaga ay 'yon ang mararamdaman mo. I mean is, kapag tutok ka lang sa pagkain parang normal lang. But once you listen to the sound of spoons, plate and chewing, parang masyadong nakabibingi ang katahimikan. I just shrugged it off and continued eating. At katulad ng mga lumipas na araw ay ako ang naghugas ng pinagkainan.
Afterwards, we walked and headed our way to the village's gate. Habang naglalakad palabas ay hindi ko mapigilang alalahanin ang gabing iyon, tatlong araw na ang nakalilipas. I can't forget the built of that guy who's behind the black half-mask. He is tall at umabot lamang ako sa may leeg niya. He has a broad shoulder and well-toned body. He has a pair of gray eyes, then there is his pointed nose and his damn lips. Kahit hindi ko nakita ang mukha niya noong nasa cr, I'm sure that, they are the same. Iisa lamang sila, his manly scent can't leave my nostril. Kabisado ko pa rin ang amoy niya. Addicting and hypnotizing. And he's the guy who stole my first kiss, as well as my second kiss.
Hindi ko alam kung bakit niya ako tinutulungan, or is it just a coincidence na napadaan lang siya kaya niligtas niya akong muli. But why does he need to hide behind the mask? I want to meet him, I want to see his face. Hindi man lang ako nakapag-pasalamat sa kan'ya. Sa tuwing nasa harap ko kasi siya, I'm on the weak state. And also, his stare is weakening. Parang hinihigop ako nito, papunta sa ibang dimensyon. Parang nakikita niya ang kaluluwa ko. Malalim, matiim kung tumingin.
Napaupo ako nang tuwid nang dinaanan ako ng tingin ni Sir Pablo. He's really intimidating. Parang nanunuri ang mga mata niya kung tumitig.
"I hope you're aware now about the trending news," malamig niyang saad. Rinig ko ang mahihinang bulong-bulungan ng mga kaklase ko.
"They found dead bodies again. With the same state," aniya.
Naalala ko na naman ang gabing iyon. That monster had a victim. A woman with dry and pale skin because of the loss of blood and two holes. Napapikit ako nag maalala ang mukha ng bampirang iyon.
"What's your theory about it?" dagdag niya. One of my classmate raise his hand and stand up.
"I think, people under weird organizations did that. Maybe those people on mafia, underground organization o kaya naman po ay kulto. Only weird, crazy and sadistic people will do that kind of crime," aniya.
Sumang-ayon naman ang iba kong kaklase. Nagtaas rin ng kamay ang isa pa.
"Maybe sir, some kind of animals. Snake or what, that maybe escaped from someone's welfare," aniya.
"Baka naman aswang?" Singit ng isa pa na agad pinagtawanan.
On these days hindi na pinaniniwalaan ang mga aswang-aswang na iyan. Kapag narinig nga ang salitang iyan ay isa na lamang kalokohan. Of course, who will believe it? Ni wala ngang nakakita ng aswang, walang ebidensya na nakapagpatunay.
Maybe they found a body without its internal organ or sometimes their skin or flesh. But it is already proven na sangkot ang canibalism sa pangyayaring iyon.
"Well, thanks for sharing your theories. And I also have one, and I strongly believe on it," saad ni Sir Pablo. Everyone became attentive, including me.
"Vampires did it."
There's a long silence after he said it. I saw how my classmate looked at Sir Pablo like he has three heads. Like he said some jokes. They are even on the verge of laughing but they are just suppressing it hard.
While I, on the other hand, was shock. Finally! Meron na akong katulad na naniniwala sa existence ng mga bampira. At isa na naman 'tong patunay na hindi ako nababaliw. Na totoo ang lahat.
After our third class ay breaktime na. Instead of taking my recess, I head my way to the teacher's faculty. Huminga ako nang malalim bago dahan-dahang tinulak ang pinto. Iilan lang ang mga teacher's sa loob, dahil gaya namin ay breaktime din nila. I think lahat ng nasa loob ay may mahalagang ginagawa. And Sir Pablo is one of them, busy on reading a thick book.
I greeted 'good morning' first before entering the room fully. Tinungo ko ang pwesto ni Sir Pablo na nasa dulo at pinaka-sulok. Napansin ko ang ilang dyaryo sa table niya na nakabukas sa isang headline na nakasulat sa malalaking letra. Ang tungkol sa mga bangkay na natagpuan na may butas sa leeg, at wala nang dugo. Napansin ko rin ang ibang libro na nakapatong sa table niya.
Canibalism, Vampires are true! Yes or No? Legends Folks and Fangs.
Ilan lamang iyan sa mga pamagat ng mga librong iyon. Tumikhim muna ako bago magsalita.
"Good morning Sir," pagbati ko.
Nag-angat siya ng tingin at bahagyang inayos ang kaniyang salamin sa mata. Matiim siyang tumitig at nagsimula naman akong maintimida sa klase ng kaniyang titig. It emits so much authority.
"What can I do for you Miss Villegaz?" Tanong niya bago iminuwestra ang upuan na nasa harap ng lamesa niya. Dahan-dahan akong umupo at ipinatong ang bag sa kandungan ko. Pinagsiklop niya ang dalawang kamay sa lamesa bago tumitig sa akin.
"Tungkol po doon sa balita, Sir," saad ko saka itinuro ang mga dyaryo na naglalaman ng balita na sinabi lamang niya kanina. Hindi ko alam kung paano sisimulan but I think I need to ask question first.
"Hmm, so you're also interested, huh?" Tanong niya at tumaas ang sulok ng labi niya.
"Y-yes Sir. Nabanggit po ninyo na may theory kayo about sa gumawa ng mga iyan," tugon ko. Tumango siya saka suminghap at muling inayos ang salamin.
"Vampires. Everyone believes that they are only myths. Gawa-gawa lamang, kathang isip. But I believe that they are true," aniya. Napatitig siya sa malayo na tila may iniisip. Napapikit ako nang mariin at nagmulat din sala tumikhim bago nagsalita.
"I met, two of them," bulong ko.
Naagaw ng sinabi ko ang pansin niya. Tumingin siya sa akin na nanlalaki ang mata at bahagyang nakaawang ang labi. Maya-maya ay natauhan siya at mabilis na umayos ng upo. He leaned forward and looked at me intently.
"Really? When? Where and how?" Tanong niya.
"First is noong lunes po nang umaga. I went to the girl's comfort room. I was locked inside at walang kuryente. Everytime it's dark, my mind began to make scary things. Kaya inakala ko na gawa-gawa lamang iyon ng utak ko. At ang pangalawa ay galing ako sa trabaho. Martes ng madaling araw, I encountered him and he has a victim. Tuyong-tuyo ang balat ng babae at may butas sa leeg," pagsasalaysay ko.
"And that creature is scary. Maputla ang balat niya, mahabang pangil, pulang mata at may lumalabas na dugo sa kaniyang bibig. He tried to attack me, and thanks God there is someone who helped and saved me," dagdag ko. Napatango-tango siya saka humawak sa kaniyang baba na tila nag-iisip. There's a moment of silence before he speak.
"It's not a theory anymore, you already proved it Miss Villegaz." aniya.
"Pero wala pong maniniwala sa akin— sa atin. Dahil akala nila ay alamat lamang ang mga nilalang na iyon," saad ko. Bahagya siyang ngumiti.
"Of course, they wouldn't. So we need to get an evidence to prove it to them. But don't worry, hindi kita isasali dito. Ayokong mapahamak ka," aniya.
"Sir, sasama po ako. Gusto ko rin po talagang mapatunayan sa sarili ko na hindi ako nababaliw," mahina kong saad. Matagal siyang tumitig sa akin bago huminga nang malalim.
"Pag-iisipan ko," aniya.
"But you said, someone helped you. It means may iba pang nakakaalam. Who is he?" Tanong niya. Umiling ako bago sumagot.
"Hindi ko po siya kilala. He's wearing a mask," sagot ko.