Lumabas ako ng comfort room na yun na pulang pula ang mukha. Hindi ko sya matingnan ng deretso sa kanyang mga mata. Nakayuko lamang ako. Ginamit kong pantakip sa dibdib ko ang paper bag na hawak ko para hindi kita ang bakat kong n****e. I heard him clear his throat.
"Your uniform suits you well and you are more beautiful without make up," rinig kong sabi nya sa napakaswabeng boses. Pinamulahan akong lalo sa papuri nya. Nag-alangan akong sumagot sa kanya. I was speechless.
"Pasensya na hindi ko sinasadyang masira ang shower mo," malumanay at puno ng sinseridad kong paumanhin. Nag-angat ako ng mukha at nagtama uli ang aming mga mata. Hindi ko naiwasang tumitig sa kanya. Alam ko namumula na ang pisnge ko sa pagkapahiyang nararamdaman ko. Naiilang na hindi ko mawari.
"Ahm, wala namang may gusto na mangyari yun," narinig kong sabi nya.
"Pasensya ka na rin kasi nag-alala ako nang sumigaw ka kaya wala akong choice kundi buksan ang pintuan ng banyo. Akala ko may nangyari nang hindi maganda sa iyo kaya ka nagsisigaw. Hindi ko sinasadyang makita ang hindi dapat makita," baritonong wika nya na lalong ikinapula ko. Naiinis na nakurot ko ang sariling palad.
"Ahm....kasalanan ko naman ang nangyari. Ang clumsy ko at hindi nag-iingat. Ahm....patuloy parin sa pag-agos yung shower. Kung magkano man yung nasira ko, handa akong bayaran o iawas mo na lang sa sweldo ko," malumanay kong sabi.
"Don't worry. Aksidente ang nangyari. Ako na ang bahala na magpaayos sa nasira. If ok lang sayo pwede ka ng magsimula sa bago mong trabaho ngayon. Bali ganun parin ang oras ng trabaho mo. Dito ka na sa loob ng opisina ko magtatrabaho. Dyan ka sa katabing mesa. Inihanda ko na rin ang personal computer mo. Ituturo ko mamaya sayo ang mga dapat mong gawin. About naman sa sahod mo. Makakatanggap ka ng sweldo na naaayon sa trabaho mo," paliwanag nya.
"Ahm, okay lang po bang magtanong?"tanong ko na nag-aalangan.
"Ano yun?"balik tanong nya.
"Magkano po ang sahod ko kada buwan?" Kahit nahihiya ako gusto kong malaman kung magkano ba ang sasahurin ko.
"You will be given thirty thousand a month plus incentives," aniya.
"What!? Oh that's big. Nakakahiya naman boss. Ahm.... hindi pa naman po ako accountant at studyante pa lang," nahihiya kong turan. But in the back of my head parang gusto kong magtatalon sa tuwa dahil sa napakalaking sweldong binigkas nya. Siguradong madali akong makakaipon sa halagang yun buwan buwan. Pero nandun parin ang hiyang nararamdaman ko.
"That is just for your compensation," baritono nyang sabi.
"Salamat boss...salamat sa pagtitiwala sa akin," may sensiridad kong turan.
"Don't mention it, by the way I am not comfortable of what you are calling me. I don't want to be called boss."
Napatingin ako muli sa mga mata nya.
"Ahm... s-sorry po," mahina kong usal.
"And that po..drop that po. Halos magkaedad lang naman tayo e," sabi nya.
"E ano ang gusto mong itawag ko sayo?" tanong ko.
"Just call me by my name. I am more comfortable if you call by my name."
Tumango ako. Lumapit ako sa mesang inilaan nya para sa akin. Para talagang pinaghandaan nya ang lahat dahil bago lahat ng mga gamit na narito.
May ibinigay sya sa akin na mga records ng sales and expenses. Inutusan nya akong gawan ng Income Statement ang isang buwang kita ng resto bar. Dali dali ko naman itong pinasadahan at inexamine. Hindi ko na napansin ang oras habang abala ako sa paggawa ng report. Mag aalauna na pala. Timing naman na patapos na ako sa aking ginagawa. In my pheripheral vision, nakikita ko syang nagliligpit na ng kanyang mga gamit.
Narinig ko syang tumikhim at parang may sasabihin.
"Tanya, pwede na tayong umuwi," wika nya.
"Ah ok po sir ipiprint ko na lamang po itong report para handa na po bukas para mabasa nyo." Inihanda ko ang printer para sa pagpiprint ng report.
"Oh, I don't expect that you can finish it in just a couple of hours," Napapantiskuhang sabi nito. Para bang namangha sya na natapos ko ng mabilis ang pinapagawa nya.
"You amazed me. Do you know that our former accountant here took one week before she can finish that one month report? Job well done Tanya," sambit nito na mababanaag ang paghanga sa mga mata.
"Ahm... thanks sir," sagot ko. Then I handed him the Income Statement that I prepared.
"Are you hungry?" tanong nya.
Agad na nabaling ang tingin ko sa kanya. Sa totoo lang gutom na ako. Nasanay kasi ang katawan ko na pagkatapos ng shift ko sa madaling araw e pumupunta ako sa coffee shop. Sumagot ako sa tonong nahihiya
" A-hm me-medyo Daryl," sagot ko na nauutal. Hindi ko akalaing mauutal ako sa harap nya. Hindi ako sanay na tawagin sya sa kanyang pangalan.
"Maybe we can have some coffee at the cafe near if you like?" paanyaya nya.
Is that an invitation? Hala niyayaya nya ako. Lihim akong kinikilig.
"Ahm.... nakakahiya naman." Inipit ko ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko. A mannerism of girls lalo na pag nagpapacute.
"Oh! don't be, I just need company. If gusto mo lang naman."
Namalayan ko na lamang na nasa loob na kami ng paborito kong cafe na malapit lamang sa JAZZ. When we entered the cafe may mangilan ngilang customer na halatang galing sa restobar ang karamihan. May mga tama pa ng alak. Halos lahat ng mga mata ay nakasunod sa amin. Mas lalo tuloy akong naiilang dahil hindi talaga ako sanay na nakakaagaw ng pansin. Paano ba naman ang hot at ang gwapo ng kasama ko. Napili naming umupo sa sulok doon mismo sa lage kong tinatambayan. What a coincindence. Ipinaghila nya ako ng upuan. Waah ang gentleman naman. Lalo tuloy akong kinilig. Nakakahiya talaga itong nararamdaman ko. Hanggang ngayon di pa ako nasanay sa presensya nya. Ang lakas ng t***k ng puso ko at nanginginig pa ang tuhod ko. Para bang teenager na nakita ang crush. Sabagay first time ko din ang humanga sa isang tao. Ngayon lang talaga. Nang nakaupo na kami agad nagtama ang mga mata namin. Naiilang akong ngumiti sa kanya. Ngiting parang dalagang Filipina. Ingat na ingat talaga ako sa kilos ko lalo na at wala akong suot na panty at bra. Nakatakip parin ang paper bag sa dibdib ko. Inilagay ko na lang sa mesa ang paper bag para hindi nya mapansin ang dibdib ko. Nakakuno't noo naman syang nakatingin sa harap ko. Nagtataka kung bakit kanina ko pa tinatakpan ang dibdib ko. Ano ba yan!
Ganito pala ang feeling pag kasama mo ang crush mo. Parang takot kang mapintasan at magkamali. I cleared my throat dahil nakatutok lang ang tingin nya sa akin. Para ba syang namalikmata. Ngumiti lang naman ako sa kanya.
"Ahm....Daryl, gusto mo ako na ang pumila at umorder para sayo," alok ko.
"Oh no, you don't need to. I already ordered in advance. If may gusto kang idagdag na kainin pwede natin orderin mamaya. My friend own this that is why I have an access." wika nya na hindi inaalis ang tingin sa akin. Nang inalok ko ng ako ang umorder, at the back of my mind hiniling kong tumanggi sya dahil mas lalong maiilang akong pumila nang takip takip ko parin ang paper bag sa dibdib ko.
"Ahm ganoon ba. Ay kahit na ano okay naman sa akin. Basta may makain lang. Hindi naman ako maarte." Aba ang swerte naman hindi na kami pipila at maghihintay.
"Ah Tanya, do you have class this morning?" tanong nya.
"Wala, hapon na ang klase ko. It will start at one ocloc'k in the afternoon hanggang five na. Mga major subjects na lang naman ang natirang units sa akin ngayon."
"I heard you are graduating and with flying colors. How did you manage to do that?" tanong nya. Grabe ang dami atang alam ng lalaking ito sa buhay ko. How did he know that? I smiled at nahihiyang ngumit dahil sa sinabi nya.
"Thank you. Nasa tiyaga lang talaga," sagot ko.
"You know you are amazing. I am lucky I got to know you," sabi nya na hindi inaalis ang matiim na titig sa akin.
What? Ano daw? Amazing daw ako. Aba medyo iba na ang pakiramdam ko sa lalaking ito. Lalo tuloy akong natutuwa sa sinasabi nya. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko. I am speechless. Ngumiti na lamang ako dahil sa sinabi nya. I don't know what to react and say. Timing naman na dumating na ang inorder nya. Aba ang dami at halos lahat paborito kong orderin dito.
"Ang dami naman nito kaya ba nating ubusin ito?" nag-aalangan na tanong ko sa kanya. Nakakatakam lahat lalo na ang favorite kong cheese cake. Nakapagtataka naman halos lahat ay favorite ko.
"Tulungan mo akong ubusin lahat ito. If hindi natin maubos pwede mong itake home ang matitira natin."
Napamaang naman akong nakatitig lamang sa kanya. Napapantiskuhan ako sa sinasabi nya. Grabe hindi lang gwapo, ang bait pa. Nakakainlove naman ang taong ito. Please help I am falling!
Tahimik lang kaming kumain. Hindi ako masyadong makakain dahil sa mga titig nya. Nakakatunaw at malagkit. Ano ba yan? Nakakahalata na talaga ako sa kanya. Wag nyang sabihing may gusto sya sa akin. Aba assuming naman ang beauty ko. Haler sya magkakagusto sa isang kagaya ko?
"I thought you are hungry, halos kunti lang nabawas mo sa pagkain mo." Ayun napansin nya tuloy ang pagkailang ko.
"Ah e, Nakakaconcious kasi ang titig mo e," sagot ko.
Napatutop akong bigla sa bibig ko dahil naisatinig ko pala yung nasa utak ko. Ano ba yan! Nakakahiya. Namula naman ang pisnge nya sa sinabi ko.
"Oh I am sorry if I made you uncomfortable. I just can't help to stare at you. You are so beautiful Tanya," walang preno nyang sabi. What! Ano daw? Pinamulahan ako ng mukha dahil sa hayagang pagpuri nya sa akin. Naiilang na nagyuko ako ng ulo. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin. Sabay ang pagragasa ng mas mabilis na t***k ng aking puso. Ano ba itong nararamdaman ko. Para akong magkakaheart attack e.
"Ahm.... Ah... e.... I don't know what to say," sagot ko.
" Oh! Don't mind me Tanya just eat. Masaya na akong pinagmamasdan ka," sabi nya na may malagkit na titig sa akin. Nabilaukan tuloy ako. Sunod sunod ang pag ubo ko. Namumula na sigurado ang mukha ko sa kakaubo. May namumuong luha sa mga mata ko sa subrang pag ubo. Mabilis naman nya akong dinaluhan at marahang hinagod ang likod ko at binigyan ako ng tubig. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao. Agaw pansin ang pag ubo ko. Makikita naman ang pag-aalala sa mukha nya.
"Tanya you look not okay. Do you want me to bring you to the near hospital. Baka ano na yang nakain mo kaya nabilaukan ka," sabi nya na puno ng pag-aalala.
Ang sarap sabihin na dahil sa sinabi nya kaya ako nabilaukan. Umiling na lamang ako at pinilit magsalita pagkatapos uminom ng tubig.
"No, I will be okay. Mawawala din ito." Hindi nga nagtagal at nahimasmasan ako. Naiilang talaga ako sa harap nya. Pagkatapos naming kumain at magcoffee hindi ko natanggihan ang alok nyang ihatid ako.
Pinipilit kong matulog pero hindi talaga ako dalawin ng antok. Laging nagflaflashback sa isipan ko ang mga sinabi ni Daryl. The way he treated me, para bang kilalalang kilala nya ako. I saw that admiration and lust in his eyes everytime he look at me. Sa tanang buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang hindi maipaliwanag na pakiramdam ko para sa isang lalaki.
Aaminin kong nakaligtaan ko na ang mamuhay ng normal. Hindi ko naranasan ang mga nararanasan ng normal na dalaga. Ang magkacrush at magkaroon ng boyfriend. Simula nang mawala ang mga magulang ko puro aral at trabaho lang ang ginagawa ko.
Niyakap ko ang malambot na unan ko at mariing ipinikit ang mga mata. Baka sakaling antukin na ako.
Kinaumagahan, while looking at the mirror I can't help myself to smile. Kahit kulang ng tulog masaya ang pakiramdam ko. Magaan ang loob ko. Ibang-iba ngayon hindi kagaya noong mga nagdaang taon sa buhay ko na wala akong ibang nararamdaman kundi kalungkutan at pag-iisa. For almost four years ulilang lubos na ako. I trained myself to be alone and not to depend to anyone. Thanks God I am surviving until now pero may nakaligtaan pala ako. Nakaligtaan ko na maging masaya, ang ngumiti at magmahal. Last night, first time kong naramdaman ang may mag-alala sa akin after four years of being alone. First time ko din ang makaramdam ng kakaibang pintig sa puso ko. I feel confuse but I feel happy. Sinasabi ng isip ko na huwag hayaang magtiwala at mapalapit sa mga lalaki but my heart says opposite.
I try to put some light make up that made me more radiant and blooming. Puyat pero blooming dahil sa ngiting di mapaknit paknit sa mukha ko. I put my shoes on. Hindi kataasan na sapatos pero komportable sa paa. I get my signature bag na nabili ko pa noong buhay pa ang mga magulang ko. Parang ito na lang ata ang natira sa mga gamit ko na mamahalin. Wala na ang mga alahas at iba pang mga accessories na binili ng mga magulang ko noong buhay pa sila. Dahil sa hirap ng buhay ko noong unang taon na wala sila, naibenta ko lahat ng mga alahas ko at ibang mamahaling gamit. I don't have any choice that time but to sell them for me to survive. I am wearing a simple tshirt and skinny jeans. My usual get up pag nag-aaral. Kahit na napakasimple kong manamit hindi parin maiwasan ang makaagaw ako ng atensyon lalo na sa mga kalalakihan. Nasanay naman akong dedmahin na lamang sila.
I am walking at the school lobby nang matanawan ko ang bulto ni Darryl. He is with a beautiful woman. The girl is holding his arms. Takaw atensyon sila dahil sa kanilang estado sa buhay. Darryl is a well known in the University plus the woman is really a Goddess. I felt a fang of pain in my heart. I don't know what's happening to me. Umasa ata ako sa mga pasaring at the moves nya kahapon kaya ito, nasasaktan ako.
Gusto kong umiwas, ayokong magkasalubong kami pero paano ko gagawin kung malapit na sya sa harapan ko. And there nahuli na nya ako ng mga mata nya. I suddenly stopped walking. I don't know what to react or say. He smiled at me. I smiled back but with a bit of hesitation .
"Tanya! Nice to see you here. May klase ka?" tanong nya. Napansin nyang nakatutok ang mga mata ko sa hawak ng babae sa braso nya kaya bigla nya itong binawi sa katabi. I saw the woman protested with what he did.
"Ah yes," mahinang sagot ko.
"By the way, this is Joey kababata ko. Joey, si Tanya," pagpapakilala nya sa amin.
Inabot ng babae ang kamay nya para makipagkamay sa akin but I saw the disgusting smirk in her face. Nakataas ang isang kilay nya. Nag-aalangan man ay tinanggap ko parin ang kamay nya. Mas nadagdagan ang insecurity ko dahil sa paghawak ko sa kamay ng babae. Subrang lambot hindi kagaya ng kamay ko na gumaspang na dahil sa kakatrabaho. Malakandila ang kamay at nakapaganda ng mga kuko. Agad kong binawi ang kamay ko dahil nahihiya ako sa kagaspangan ng kamay ko.
"Finally, I got to know the famous working student na laging laman ng school publication," sabi nya.
I felt confused and I don't know what she's talking. Ako famous?What school publication? Ni hindi ko pa nakita ang sinasabi nya. Now I know bakit halos lahat ng studyante sa University ay kilala ata ako.
"Oh! I am not aware of it honestly," tapat kong sagot.
"Oh really?So you don't even know if someone is die hard in love with you and stalking you everyday?" makahulugang sabi nito. I saw Darryl bit uneasy. I smiled and laugh softly.
"No, sino naman ang magkakagusto sa akin? By the way nice meeting you Joey. And Darryl, nice to see you here." yuko ang ulo at mabilis akong naglakad palayo sa kanila. I can't stand the erratic beat of my heart lalo na sa malagkit na titig sa akin ni Darryl.
"So sya pala. I don't know what's into her that you are hooked and madly in love with her," napapantiskuhang sambit ni Joey.
"Joey you can't teach your heart. Hindi mo din pwedeng diktahan ang puso mo kung sino lang ang pwedeng itibok nito," sagot ni Darryl.
"Wow the famous Darryl Escudero is now talking about love huh! Your parents will surely against with it lalo na si Tita,"sabi nito.
"Wala na silang magagawa if I will pursue Tanya. They can't manipulate me. I have my own life."
"Well goodluck!!!!" mabilis itong tumalikod at naglakad paalis.
"Wait where do you think you are going? I thought you want us to have late lunch," tanong ng binata.
"You go alone! I forgot I have something to do," sagot ng kaibigan. Nakatalikod ito at tuloy tuloy na naglakad.
Joey is Darryl's childhood bestfriend na laging pinagkakamali ng iba na kasintahan nya. Joey is so sweet na parang girlfriend nga ito kung ibakuran sya. Hinahayaan na lamang nya dahil wala naman malisya sa kanilang dalawa. Bestfriend at parang kapatid na ang turing nya kay Joey at malapit ito sa pamilya nya kaya komportable syang kasama ito.
Joey on the other hand, is silently crying. She's been in love with Daryl for so long, but Darryl only treats her as bestfriend. Alam nyang subrang in love ito kay Tanya simula pa lamang nang tumuntong sila ng college. Saksi sya kung paano ito nagmamahal ng palihim kay Tanya because Darryl has been protecting Tanya since then until now. Tanya is just a simple and ordinary woman compared to her but she doesn't know why Daryl and other guys are into Tanya. The girl didn't even know that she was famous. She's so angry and devastated. She wants to shout out loud to express her anger. Mas lalong wala na syang pag-asa ngayon dahil parang nagkakalapit na ang dalawa. She witnessed how that woman also adored Darryl. Kitang kita sa mga mata nito ang paghanga kay Darryl. Their feelings are mutual and that makes her more angry.
Tanya's POV
After my major subject I immediately went to the library to see that school publication na tinutukoy ni Joey. I was not aware that I was published in a school publication. As I entered the library nandyan na naman ang mga tingin ng mga kapwa ko estudyante. They are looking at me with admiration. I just smiled at every student who greeted me. I grabbed the school magazine that was issued recently.
"Oh my God!" I exclaimed. I was shocked because I was the cover photo of the magazine. The picture was captured stolen. I was walking in the lobby when that stolen picture was taken. The photographer really did a great job because I didn't even notice it. My beautiful features were flaunted in that picture. I was wearing my usual get up but in the picture, I was undeniably attractive. I gasped because until now I was shocked. I scanned the magazine and read an article about myself. It says that I was simple yet the Goddess of beauty and brain. Nilagay lahat ng achievements ko lalo na ang pagiging star honor ko since first year college until fourth year. The article's content about me is overwhelming. I took a picture of it for remembrance.
I was about to stand up when someone called my attention and to my surprise it was Darryl intently looking at me.
"Paalis ka na?" tanong nya. He was more handsome on a closer look. He was wearing the signature clothes that really suited him well. Nasisilip ang dibdib nya dahil sa dalawang butones na nakabukas. Grabe subrang lakas ng s*x appeal ng lalaking ito. Para tuloy akong timang na nakamaang lamang sa kanya.
"Ah y-yes," nauutal kong sagot at nag-aalangan ako kung ngingiti ba ako o ano. Hayts ano ba ang ginagawa ng lalaking ito sa sistema ko. Kahapon pa nagugulo ang isip at puso ko dahil sa presensya nya.
" Dederetso ka na ba sa Jazz after here?" tanong nya.