ALA-UNA PA LANG ng tanghali nang magsimula akong lumusong sa tubig. Si Irah, umahon na para magpalit ng damit. Ang natira na lang doon ay kaming mga babae. Iyong mga lalaki, bumalik daw saglit sa cottege. Naglakad ako hanggang sa abutin ng tubig ang kili-kili ko. I swam there. Back and forth. Kalaunan ay sinundan din ako ni Rouki at Vanica. Tumigil lang ako nang mapansing masyado na akong napalayo kina Vanica. Habang naglalakad sa tubig ay pinunasan ko ang mukha ko. Nilingon ako ang ibang tao rito na busy sa kani-kanilang business. Some are doing sand castle. Iyong iba, umiinom sa baybayin. May mga naglalaro, mayroon ding nagpapa-tan ng kulay. Napahawak ako sa basang buhok. I sat beside Rouki. Inilatag ko ang dalawang hita sa parte ng buhangin na naaabot pa rin ng tubig. The two are talk

