“HINDI na.” Hinawakan ko ang handle ng cart ‘saka iyon itinulak pasulong. “Ang tagal na naming wala.” Hindi siya sumagot doon. Hindi na ako nagsalita pa. Nagpatuloy kami sa pamimili pero hindi na ako nakarinig nang kung ano mula rito. Nang makapagbayad ay inaya ko siya sa ibang shop. Doon ako namili ng Christmas light. Ang daming pwedeng bilhin doon pero hindi naman necessary. I took a glance on Lyle while I was standing in line. Wala pa ring imik. Pagod na ba ito? Mukhang wala na ito sa mood. His expression has completely changed. “Naiinip ka na?” Kalaunan ay nagtanong ako. Doon ay binalingan ako nito ng tingin. He shook his head. Humawak siya sa cart at itinulak iyon nang mapansing tapos na ang babae sa harapan ko. “No. Do you still have other things to buy?” Umiling ako. “This is

