SABAY-SABAY kaming umalis ng La Cera. Dahil wala rin namang mag-uuwi ng sasakyan ay nagtaxi kami hanggang airport. It was exact five when we rode the plane. Hindi ko na nga natignan kung kumpleto ba kaming nakaalis dahil unti-unti na akong nakakaramdam ng antok. Sina Kajik, Harris, at Reese, hindi ko na nakita. Ang alam ko lang ay si Daddy ang katabi ko. Sa gilid ay si Uncle Viyo at Uncle Maricel. Sa harap namin ay sina Irah at Rouki. Iyong iba, hindi ko na alam. Ilang minuto lang din ang tinagal ko sa eroplano dahil nakatulog na agad ko. Nagising ako nang mag-announcement ang flight attendant. My head was a little spinning. Mahigit isang oras lang ang byahe kaya’t bitin na bitin ako. Ang sakit sa ulo. My eyes were only half open when we went out of the plane. Naroon na kami sa Caticlan.

