KAHIT pa nang makabalik sa loob ay hindi nawala sa isip ko ang nangyari. Naiinis pa rin ako sa narinig pero hindi na lang ako nagsabi sakanila tungkol doon. Araw ito ni Marshall, I can’t let this day be ruined. Nagpatulong ako sakanilang buhatin iyong spaker. We placed it outside. Sa magkabilang gilid ng shop. Sa palagay ko ay gumana naman iyon dahil mas dumami ang pumapasok sa shop. Bleu asked me why Lyle went here. Sinabi kong dahil namali ako sa pag-send ng message. Hindi noon nakumbinsi iyong dalawa pero hindi na ulit sila nag-usisa. Before they closed the shop, I left to go to Tito Rudeus’ hotel. Kikitain ko sina Lola bago ito tuluyang umalis. Habang nagmamaneho ay binalikan ko sa isipan ko ang nangyari kanina. Truth be told, I saw that coming. Si Edrianne at ang kapatid nitong si L

