NALUSAW ang ngiti ko sa narinig kay Tita Sybel. He will introduce Ylena to her next week? Ibig sabihin ay alam nito. She knew Harris has a girlfriend. My head automatically turned to Harris, nakatingin na pala ito sa akin. He’s looking at me with his icy stares. Sinasadya niya ba ito? Alam niyang hindi ako payag, kaya’t mas lalo niyang isinusulong? Humigpit ang pagkakahawak ko sa kobyertos. Hindi na ako nagsalita noon habang si Daddy pati na sina Tita Kaye ay inuusisa ang nobyang sinasabi ni Tita Sybel. Pagkaubos ng pagkain ay tumayo ako at nagpaalam. Sumama ang timpla ko sa narinig. Harris really is testing me. “Nieoni..” Narinig ko ang boses ni Irah. “Ipapakilala na niya si Ylena.” Humarap ako. Doon ay nakita ko rin sina Vanica at Rouki na papalapit. “Is he nuts or just plain stupid?”

