“YOU actually protected my seat. Ibig sabihin ba niyan ay gusto mo rin akong kasabay?” tunog may pagmamayabang na tanong ni Hansel. Nagtaas ako ng kilay sakanya. “Don’t flatter yourself. Kahit hindi ikaw ang kasabay ko’y ganoon pa rin ang gagawin ko.” He chucked lightly. Nagpatuloy ito sa pagkain sa harap ko. He’s wearing that mischievous smile ever since he came back. He probably saw it. Hindi ko na ikinwento sakanya dahil pagkaupo ay tinanong niya agad kung tama bang kaibigan talaga iyon ni Ylena. Honestly, I don’t know if she’s friend with Ylena or she just brought it up to diss me. Either way, I don’t care. Wala akong pakielam kung president pa siya ng fansclub ng pangit na Ylena na iyon o, ayaw niya lang talaga sa akin. Kakalat ang nangyari kanina pero hindi naman iyon kabawasan s

