Pagkatapos ng kanilang klase at kailangan na nilang kumaen ng kanilang pananghalian ay ganoon ulit ang kanilang ginawa. Dala ni Lester ang gamit ni Cindy at nakakapit sa braso ng binata ang dalaga. Si Lester na din ang bumili ng kanilang makakain, kung kaya ang mga ibang estudyante na nasa kantina ay nakatingin sa kanilang dalawa. Ang inaakala tuloy nila ay magkasintahan ang dalawa, pagkatapos nilang kumaen ay umakyat sila sa rooftop ng paaralan at doon na din ginamot ulit ni Lester ang sugat ni Cindy. "Oh ayan magingat ka ha wag mo na kasi akong habulin hindi naman ako lalayo sayo eih", ang wika ni Lester ng matapos nitong lagyan ng gamot ang sugat ni Cindy. "Ikaw kasi napakasungit mo kalalaki mong tao eh", ang wika naman ni Cindy. "Pano kasi nasaktan ako sa sinabi mo, saka hindi ko

