Iginila ni Verena ang paningin niya sa bahay nila Denarius dito sa palawan. Halos mamahaling gamit ang mga nakikita niya rito, lumipas ang ilang minuto may bumaba na babaeng medyo katandaan na ang edad. “Denarius anak.” nakangiting sambit nito at niyakap si Denarius, yumakap ito pabalik at nang kumalas sa yakap ay ipinakilala niya si Verena. “Mommy, this is my wife. Verena Victorov.” sambit ni Denarius, tipid na ngumiti si Verena nang walang makitang reaksyon sa mukha ni Dorothy Victorov. “What’s your family business, hija?” tanong nito kay Verena. “Patay na ho ang parents ko.” sambit ni Verena, ngumiwi ang matandang bahae at hindi na muling tinapunan ng tingin si Verena. Ngumisi si Verena at bahagyang natawa, hindi na niya pinansin ang reaction ni Dorothy dahil inexpect na niyan

