Pagkatapos ng isang linggong bakasyon nilang apat, balik na naman sila sa tunay na imahe ng mundo nila, mag isa si Verena ngayon sa bahay kasama ang biyenan niya, umalis papuntang maynila si Denarius para samahan at siguraduhin ang lagay ng mga kaibigan niya. Tumanggi nang sumama si Verena dahil mabilis siyang mahilo ngayon kaya mas gusto niya nalang na nasa bahay siya, kaya pa niyang tiisin ugali ng biyenan niya kasya sa hilo na mararamdaman niya sa byahe. “Ate Mela? May cake po ba tayo?” tanong ni Verena sa kasambahay na nadatnan niya sa kusina. “Oo Verena, halika. Ipag hahain kita.” nakangiting sambit ni ate Mela at kinuhanan ng platito si Verena at nilapag ang buong cake na nakuha nito sa ref. Umupo si Verena at hinintay matapos ang pag asikaso ni ate Mela sakanya, at dahil wal

