Isang linggo matapos ang operasyon ni Penelope, pa unti unting bumubuti ang pakiramdam niya, maging matagumpay ang operasyon niya at ngayon nag hahanda sina Verena, salo salo dahil sa pag galing ni Penelope. “Na imbitahan mo na ba ang mga kaklase mo Pen?” tanong ni Verena sa kapatid. “Opo ate, sabi ko naman ate huwag na mag handa eh.” sambit ni Penelope. “Anong huwag? Minsan lang ’to Pen, tsaka pag galing mo ang pinag uusapan dito kaya kailangan talaga I celebrate, ano ka ba” naiiling na sambit ni Verena. “Okay ate, puntahan ko si lola Luna mamaya, pinapa punta ko siya rito hehe” nakangiting sambit ni Penelope, nakangiting tumango si Verena. “Sa kwarto ka muna, lakasan mo ang aircon ng kwarto mo, mabilis ka pa namang mainitan, sige na.” sambit ni Verena sa kapatid, tumango si Pen

