"Athena alam mo ba?" tanong kay Athena habang nagmemeryenda kami, syempre libre niya. "Ang ano?" tanong niya. "Na fiance ni Lenon si Rhea." Nanlaki ang mata niya sa tanong ko at halatang hindi niya inaasahan iyon. "Pumayag ba si kuya Lenon don? Hindi ko na kasi iniisip yon Hips kasi ang alam ko hindi papayag si kuya dahil syempre ikaw ang girlfriend niya," sagot niya sa akin. So totoo pala talaga akala ko noong unang panahon lang uso ang mga arrange marriage, hanggang ngayon pala may ganoong pa din. Bakit ba hindi na lang nila hayaan ang puso ang magdikta ayy teka wala pa nga pala ako sa puso ni Lenon kaya baka ako lang yong sagabal sa kanilang dalawa. "Sa tingin mo mahal parin niya si Rhea?" "Hindi ko alam pero tingin ko hindi na kasi bakit ka naman nya magiging girlfriend k

