Hindi ko alam kung tama ba na sumama ako kay Andrew. Oo kailangan niya ng date pero birthday yon ni Lenon ex ko yon mahal ko pa yon. Papano kung makita ko na sobrang gwapo nya edi laglag na naman ang panty ko este ang puso ko. Kinulot ko ang dulo ng maiksi kong buhok at nagpahid ng kung ano anong tinuro sa'kin ni Athena para matakpan ang pimples ko. Mabuti na lang talaga sexy ako kahit di kagandahan panlaban naman ang katawan. Matapos kong mag ayos ay tinignan ko sa salamn ang sarili ko. Ayos mukha na akong tao. Lumabas ako ng apartment at sumalubong sa'kin ang nakasimangot na mukha ni Andrew. Sayang ang gwapo sungit naman. "Akala ko bukas ka pa lalabas," inis na wika niya. "Ano ka ba naman nagpaganda pa ako para naman mukhng tao kadate mo." "Tss nagpapaganda ka lang naman kasi m

