Gumising ako ng masakit ang mukha dahil sa mga sampal ni Rhea. Grabe napisa yata lahat ng pimples ko. Nagtungo ako sa banyo at naghilamos. Pagtingin ko sa salamin ay kitang kita ko ang namamaga kong mga pisngi. Kapal yata ng kamay ng Rhea na 'yon. Nag almusal ako bago maligo at naghanda na papasok sa trabaho. Matapos akong mag ayos ay hindi na masyadong halata ang pamamaga ng mukha ko. Pagkalabas ko ay nagtaka ako kung bakit wala pa si Andrew. Lagi s'yang nauuna sa'kin kaya nakakapagtaka na hindi siya nag-iintay ngayon. Tinanghali kaya siya ng gising?. Tatawid sana ako para puntahan si Andrew nang may tumigil na puting van sa harapan ko at lumabas doon ang mga lalaki. Sapilitan nila akong sinakay sa loob at nagmamadaling umalis. Tinali nila ang kamay ko sa likod pero hindi nila tinakpa

