Chapter One

2201 Words
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa tunog ng relo ko.Nakapikit ko pang kinapa ang alarm clock na nakapatong sa side table at ini-off ang alarm nito. Six o'clock am. Buti na laang at nagising ako sa eksaktong oras kung kailan ko ni-set ang oras.Minsan kasi ay palagi akong '5 minutes pa' ,hanggang ang 5 minutes na palugit ay nagiging kalahating oras. Nag-inat ako saka nag antanda para sa panibagong araw na pag gising.Pagbangon ko sa kama ay kaagad kong iniayos ang mga unan at kumot saka inilagay sa tamang pwesto nito. "Nak?" Narinig ko ang pag katok ni Paps kaya kaagad ko rin syang pinagbuksan. "Good morning,Paps!" Nakangiti kong bati sa pinaka gwapong tatay sa balat ng lupa.'Yun ay kung may balat ang lupa. "Good morning din, 'nak.Mag ayos ka na.Handa na ang almusal." Humalik sya sa noo ko na may kasamang ngiti.Sweet talaga ng tatay ko. Agad akong nag ayos ng sarili saka dumulog sa hapag.Naamoy ko ang mabangong aroma ng kape na inihanda ni Paps kaya lalong nag rally ang mga alaga ko sa tiyan. "Sasabay ka ga sa akin?" "Hindi na po,Paps.Dadaan pa po ako kay Lala bago pumasok sa trabaho." Sagot ko kay Paps bago umupo sa upuan katapat niya. "Kamusta naman ga ang trabaho mo?Hindi ka ga napapagod o matapang ga ang boss mo?" Sunod-sunod na tanong niya. "Maayos naman po ako,Paps.You don't need to worry.Mabait din 'yung boss ko." Magalang kong sagot sa lahat ng tanong niya. May maliit kaming bakery sa may palengke 'di kalayuan dine. Iyon ang hanap-buhay ni Paps at siyang ipinangtutustos sa pang araw-araw namin. Sa isang music store naman ako nag wo-work,may isang buwan na matapos kaming lumipat dine sa Maynila. Tubong Batangas kami at narito laang sa Maynila dahil sa pagpapagamot ni Lala. Si Lala Celina ay ang nanay ni Paps na tumayo na ring nanay ko. Wala kasi akong nanay. Iniwan kami. Second year college na ako this year pero isang linggo na laang ay hindi ko pa naaasikaso ang pag eenrol ko. Dahil ito sa pagtatalo ng magkabilang bahagi ng utak ko. Sabi ni Paps,mag inquire ako sa Ace International School o mas kilala sa tawag na A.I.S. pronounced as 'eys'. Excited ako ng malaman kong doon ako balak pag aralin ni Paps. Sa totoo laang ay dream school ko iyon at ng maraming college students sa province namin. Pero bigla rin akong nawalan ng pag asa na makapag aral doon dahil nalaman ko kung gaano kamahal ang mag aral sa prestigious school na iyon. Ayoko naman abusohin si Paps.Alam kong nahihirapan na rin sya sa mga gastosin namin lalo na at magdadalawang linggo ng nasa ospital si Lala. May sakit siyang diabetes at nagkaroon na rin siya ng mga komplikasyon. Patuloy pa rin kami sa pagbabayad sa expenses niya sa ospital. Kaya nag desisyon ako ng bakasyon na maghanap ng trabaho dine para kahit paano ay makatulong ako kay Paps. Buti na laang at may nakilala akong kaibigan noong bagong lipat pa laang kami. Sa katauhan niya ay nagkaroon ako ng instant freny at kapatid na rin. Ni-recommend nya ako sa isang kakilala kaya madali akong natanggap sa music store na pinagtatrabahohan ko ngayon. "Pasensya ka na, 'nak." Malungkot akong tiningnan ni Paps. Ang totoo ay ayaw naman niya talaga akong pagtrabahohin.Ako laang itong nagpumilit sa kanya. "Sus!Mag da-drama ka na naman po." Simangot kong sabi saka humigop sa kape na nasa harapan ko. Hindi siya nag salita at parang malalim ang iniisip. "Paps, smile ka na,please." Tumayo ako at binigyan siya ng back hug. "Hindi ko laang maiwasang ma-guilty. Sa panahong 'to dapat pag aaral mo laang ang pinagkakaabalahan mo, eh." "Masaya po akong nakakatulong sayo." Mas niyakap ko siya ng mahigpit at humalik sa bandang sentido niya. "Wag ka na pong sad,mas lalo ka pong pumapangit." Pang aasar ko sa kanya na kaagad niyang sinagot. "Eh 'di pangit ka rin, 'nak. Sa akin ka kaya nag mana." Saka siya humalakhak na ikinasimangot ko. Bully! .. Kasalukuyan kong binabagtas ang daan papuntang ospital kung saan naka admit si Lala.Plano kong dumaan muna kay Lala para bisitahin siya at dalhan ng paborito niyang bulaklak.May tanim kami nito noon sa probinsya at ngayon ay may mga ilan na rin akong naitanim sa bago naming nalipatan.Tiyak kong pag nagising si Lala ay magugustuhan niya ang bago naming garden.Katulad ko ay mahilig din siya sa gardening at paborito naming bulaklak ang sunflower. Narating ko ang ospital sa ganap na ika-walo ng umaga.Agad kong na i-park ang motorsiklo ko. Iniregalo Ito sa akin ni Lala noong debut ko. Isa siyang teacher noon sa Batangas. Sa propesyon niyang iyon napagtapos ng pag aaral si Paps at si Tita. Si Paps ay nagtapos sa kursong Agriculture. May lupain kami noon sa Batangas na pinangangalagaan niya at pinagkakakitaan ngunit ng lumuwas kami ng Maynila ay naibenta na rin ito. Ipinalit niya dito ang negosyo niya ngayon.Malaki ang naging pag aadjust ko sa status ng buhay namin ngayon pero kahit isang beses ay hindi ko sinisi sa nasa Itaas ang lahat ng nangyayari.Pagsubok laang 'to at malalampasan din namin lahat ng 'to. "Good morning, Tita Joy." Nakangiti kong bati ng makarating ako sa room kung saan naka admit si Lala. Lumapit ako sa kanya upang magbigay galang. "Good morning din sayo, Felisi. Kaawaan ka." Nakangiti ring bati niya sa akin. Ligaya talaga ang real name niya pero nasanay na siya sa akin sa pag tawag ko sa kanya ng Joy. Ganoon kasi talaga ako.Mahilig magbigay ng nicknames sa mga kakilala ko.At least hindi ko sila makakalimutan dahil mismong ako ang nagbigay ng alyas sa kanila. "How's Lala po?" Tanong ko saka ibinaba ang mga dala sa side table.Lumapit ako sa hinihigaan ni Lala at hinalikan siya sa noo. "Good morning,Lala." "Maayos naman ang mga vital signs niya.Pero hanggang ngayon, tulog pa rin siya." Nakangiti ngunit mababanaag mo ang lungkot sa mukha ni Tita na may dalawang linggo ng nagbabantay kay Lala. Si Tita Ligaya ay kapatid ni Paps na taga dine sa Maynila. Wala pa siyang asawa kaya siya muna ang nag prisinta na mag bantay kay Lala. "Baka po hinihintay si prince charming." Pagpapagaan ko ng atmosphere sa loob ng room. Tatlong araw na rin kasing nasa state of coma si Lala. Ayoko sanang maging malungkot pero kapag nakikita ko ang kalagayan niya ay para na rin akong nanghihina. At hindi ko kailangan ng kahit anong negativity ngayon. Ayokong bumigay. Hindi ako pwedeng mawalan ng pag asa na isang araw ay magigising si Lala at magiging maayos na ulit ang lahat. Katulad dati. "Dalhan mo kaya ng boylet si nanay dito." Natatawang suggestion ni Tita. May pagka joker din kasi siya. "Sino naman pong dadalhin ko?Ako nga po wala." Naiiling kong pagsakay sa trip ni Tita habang inaayos ang sunflower kong dala na nasa paso pa. Inilagay ko 'yon malapit sa may bintana. Nagdala rin ako ng breakfast para kay Tita. "You mean,you don't have a boyfriend?" Tanong niya na kaagad ko namang ikinatango. "Eksakto po." "Bakit?" Nagtatakang tanong ulit niya. "What I mean is, why you don't have one?Maganda ka naman." "Ewan ko po."Kibit-balikat kong sagot saka nag pwesto sa upuan katabi ng higaan ni Lala. "Picky ka siguro." Bumaling ako sa kanya kaya ko nalaman na nilalantakan na niya ang pagkaing dala ko. "Hindi naman po.Wala palang pong dumarating at hindi naman po ako nagmamadali." Hinaplos ko ang kamay ni Lala baka sakaling maramdaman niya ang presensya ko. Paminsan-minsan ay kinakausap ko rin siya kahit wala akong makukuhang sagot mula sa kanya. "Matuto ka kasing lumandi." Natawa ako sa advice na iyon ni Tita.Ang pagkakaalam ko ay thirty five years old na siya at may boyfriend. Plano na rin ng mga itong magpakasal next year kung hindi laang sana nagka garne (ganito) si Lala. Pagkatapos ng isang oras na pagbabantay kay Lala at pakikipagkwentuhan kay Tita ay nag deretso na ako sa trabaho. Twenty minutes ang byahe mula sa ospital papunta sa Synthesis. Ito ang pangalan ng music store na pinagta-trabaho-han ko. Nagmamadali akong nagbihis ng uniporme namin matapos kong batiin si kuya Daniel. Siya ang on duty na guard ngayon. Si kuya Joshua naman ang kapalitan niya. "Good morning, Jillian." Bati ni Kathryn sa akin. Isa siya sa mga workmates ko kasama na sila Liza,Nadine at Janella. "Good morning din,Kath.Nasaan ang tatlo?" Tanong ko kay Kath habang ikinakabit ang name plate ko na may nakaukit na Hi my name is Jillian. "Si Nadine nasa rest room. Si Liza nag aayos ng stocks. Hindi pa niya natapos kahapon. Mamaya pa ang in ni Jea." Tumango lang ako bilang sagot at ginawa ang trabaho ko. Mabilis dumaan ang oras at di ko namalayang lunch break na pala. "Hey guys,sama kayo sa amin? Kakain kami sa Kahit Saan." Nakangiting pag aaya ni Liza sa amin. Kasama niya si Nadine. "Next time na laang,Liz.Nag baon ako." Itinaas ko ang dalang tupperware para ipakita ang baon ko. Tumanggi rin si Kath at kuya Daniel dahil katulad ko ay may baon din silang pagkain. "Sige.Paano,maiwan muna namin kayo?" Tumango kami ni Kath at sinundan na lamang ng tingin ang dalawang babaeng papalabas. Kumakain na kami ni Kath at ni kuya Daniel ng tumunog ang cellphone ko. Hello? Sagot ko kay freny na nasa kabilang linya. Freny!Ano na?Sasabay ka ba sa akin sa pag eenrol bukas? Kaagad niyang tanong.Hindi pa siya nakaka enrol sa A.I.S dahil sa paghihintay sa desisyon ko. Pinag-iisipan ko pa. Sagot ko sabay subo sa ulam na baon ko. Ano ka ba naman!Opportunity mo na 'to! Alam mo naman ang sitwasyon namin ngayon. Hindi ko na naman maiwasan na 'di malungkot. Ayaw mo naman kasing pahiraman kita. Umiling ako kahit hindi naman niya ako nakikita. Ayokong mangutang,freny.Tsaka pwede naman ako sa ibang school mag aral. Katwiran ko.Ang mas mahalaga ay ang makatapos ako ng pag aaral. Kainis ka talaga!Akala ko pa naman makakasama kita sa iisang school. Ramdam ko ang panghihinayang sa boses niya.Gusto ko rin naman siyang makasama sa iisang school lalo na at pareho kami ng course at year na dalawa. Pero freny,ang alam ko nag o-offer sila ng scholarship. Segunda niya. Oo pero hanggang ngayon na laang ang exams nila for scholarship. At tatlong take ng exams 'yon.Makakapasok nga ako roon,baliw naman ako sa dami at hirap ng mga exams nila. Natatawa kong ipinagpatuloy ang pag kain.Habang ang love birds na kasama ko ay nagsusuboan sa harapan ko. Sana all! Ewan ko sayo!Ang nega mo. Naiinis na sagot ni Kare. Siguradong nakasimangot na naman siya. Okay laang ako,freny.Bibisita na laang ako sa inyo kapag miss na kita. Pag-aalo ko sa kanya na parang bata. Dapat lang.'Wag mong kalimutan na magkatapat lang ang mga bahay natin. Sarcastic niyang sagot na ikinatawa ko.Nasa iisang lugar laang kami at kagaya ng sabi niya, magkatapat laang ang mga bahay namin. Sige freny.Nasa work ako.Istorbo ka. Pagbibiro ko na ikinatawa ng love birds. Basta pag isipan mo pa rin. Sagot niya at binalewala ang sinabi ko. Oo na!Bye panget. Pangungulit ko bago magpaalam sa kanya. Bye mas panget. Napangiti ako ng matapos ang tawag.Na-realise ko na ang dami ko pa rin palang dapat ipagpasalamat. Kung puro negativity ang papansinin ko,mababaliw laang ako sa kaiisip. Muling lumipas ang mag hapon at di namin namalayan na one hour na laang ay pwede na kaming mag out sa trabaho. "Jillian, pwede bang ikaw na ang mag assist sa kanya?" Bulong ni Nadine sabay turo sa babaeng papasok pa lamang ng pinto. Salamin ang wall ng shop kaya makikita ang nasa labas nito. "Bakit?" Kunot-noong tanong ko saka pinagmasdan ang itinuturo nya. Nakita kong binati ni kuya Daniel ang babae bago ito pumasok sa loob. Sa tindig pa laang nito ay maiintimidate ka na. Marahil nasa early 40's siya.May aura na nakakatakot dahil siguro hindi siya nakangiti ng pumasok sa loob.Naka corporate attire siya na bumagay sa katawan niya.Huhulaan ko na isa siyang executive sa isang malaking kompanya dine sa Pilipinas. "Basta ikaw na ang mag assist,huh?" Umalis kaagad si Nadine.Napansin ko rin na ilag sa kanya ang iba kong mga kasama pati na si kuya Daniel. Ano gang meron sa kanya,bukod sa nakakatakot nga siya? Curious ako kaya mabilis akong nakalapit sa babae para batiin siya. "Good afternoon, Ma'am." Nakangiti kong bati sa kanya.Sa tantya ko ay 5'9 ang height niya dahil mas matangkad siya ng konti sa 5'7 kong height. Sinulyapan niya ako saka matamis na ngumiti sa akin. Natulala ako sa harapan niya lalo na sa mga mata niya. Her eyes were brown. Like an old barn door,flecks of deep brown,so much strength remaining despite the years of weathering. A.❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD