GIO'S POV
Kanina pa masama ang tingin sa akin ng lalakeng kasama ni Alanis simula nang dumating ako at pinuntahan si Alanis dito sa school nila. Kinabukasan kasi nang magpunta si Travis sa Masbate ay sumama na ako sa kanya pabalik ng Maynila. Si Lara naman ay hindi na sumama dahil may pasok pa nga kami at nagbakasyon raw ang pamilya nito sa probinsiya nila at walang magbabantay ng bahay nila.
Umabsent muna ako ng dalawang araw para kay Alanis. Handa akong magbigay ng oras ko para lang sa kanya. Ganon nga siguro kapag mahal mo ang isang tao, you will spend your time just to be with her. May bahay ang lola ko dito sa Maynila kaya doon na muna ako mag-iistay pansamantala habang nandito pa ako.
Gusto ko lang makausap at alamin ang kalagayan ni Alanis. Mahalaga at importante siya sa akin kahit na kaibigan lang ang turing niya sa akin.
"Kumusta ka na? Namiss kita..." Sabi ko pagkakalas ko ng yakap ko kay Alanis at iniharap siya sa akin.
Ngumiti naman siya pero alam kong peke lang iyon. "O-okay lang naman ako, Gio." sabi niya.
I look straightly to her eyes. There's a pain that hides in it pero minabuti ko na lang na hindi na muna magtanong. May oras pa naman para doon.
Hinawakan naman bigla ni Alanis ang kamay nung lalakeng kasama niya at iniharap ito sa akin.
Wala na nga si Russel pero may pumalit na kaagad? Ni hindi ko pa nga nahahawakan ng solo lang ang kamay ni Alanis tapos ang lalakeng ito ay nakaka-iscore na kaagad? s**t!
"Ahm.. Gio, si Julian nga pala, kaklase ko." Pagpapakilala ni Alanis sa lalakeng kasama niya.
Julian?
Ngumiti ako at inabot ang kamay ko sa lalake para makipagkamay. "Ako nga pala si Gio. Alanis childhood's friend." Sabi ko.
Tinitigan niya muna ang kamay ko bago ito nakipagkamay rin. "Julian Saavedra." Sabi niya sa walang emosyong tono.
Natawa ako ng palihim. Galit ba ito sa akin?
Kaagad namang binitawan ni Julian ang kamay ko at binalingan si Alanis na nagdududang nakatingin sa amin. Nararamdaman niya marahil ang tensyon sa paligid.
"May klase pa tayo, Alanis. Mamaya na lang siguro kayong mag-usap dahil baka malate na tayo sa first subject natin." Sabi nitong si Julian.
Napangiti naman ako ng palihim.
Nanlaki ang mga mata ni Alanis at tumango ito saka bumaling sa akin. "Oo nga pala! May klase pa pala kami, Gio. Mamaya na lang tayong mag-usap sa bahay namin. Alam mo naman siguro ang papunta doon 'di ba?"
Biglang kumunot ang noo ni Julian pagkarinig niya sa sinabi ni Alanis na sa bahay na lang nila Alanis kaming mag-uusap.
Ano bang ikinakagalit niya? Hindi naman siya boyfriend ni Alanis pero kung makaasta siya ay akala mo kung sino na. Kaklase lang naman siya. Tangina!
Tumango ako at ngumiti saka sinulyapan si Julian na masama ang tingin sa akin. "Oo naman. Go ahead, mamaya na lang tayo mag-usap sa inyo, personally." sabi ko kay Alanis.
Natawa na lang ako nang biglang mag walk out si Julian at nauna nang umalis. Tumingin naman sa akin si Alanis ng masama saka nito sinapak ng mahina ang braso ko.
"Ikaw, Gio! Kung anu-ano ang mga pinagsasabi mo. Baka kung ano pa ang isipin ni Julian sa atin!" Reklamo niya at napasimangot.
Tumawa lang ako at kinurot ang pisngi niya. "May gusto ba 'yon sa'yo? Pinagseselosan yata ako. Kung makatingin e, parang papatayin na niya ako sa isip niya."
Namula at umiling lang si Alanis saka ito ngumuso, her favorite facial expression that I really like. She's too cute and innocent.
"W-wala no. Sige, mauna na ako. Mamaya na lang ulit. Bye!" Sabi niya at kumaway na saka siya nagmadaling umalis.
Wala? Lalake rin ako at alam ko ang kilos at galaw ng isang lalake kapag kaharap niya ang taong gusto o mahal niya.
Pagkatapos ni Russel ay may Julian pa pala?
Interesting..
ALANIS POV
Pagkatapos ng klase ay hinatid na ako ni Julian sa bahay namin. Hindi na rin kami awkward sa isa't-isa nang sinabi niya kanina sa Stock room na mahal niya ako.
He understands me at ang sabi niya ay maging magkaibigan na lang kami para sa better friendship at pagsasamahan daw namin. Nagtext na rin pala si Gio na nasa bahay na siya kasama si kuya Travis.
Nakaka touch nga at pinuntahan pa niya ako dito sa Maynila para lang makausap. Alam kong nag-aalala na sila nila Lara at Inah sa akin dahil ilang linggo ko na rin silang hindi nakakausap simula nung mga nangyari sa amin ni Russel.
Hininto na ni Julian ang kotse niya sa tapat ng bahay namin. Lumabas na kami mula sa loob ng kotse niya at nagpaalam sa kanya.
"Julian, salamat pala sa paghatid sa akin dito sa bahay. Sobra-sobra na ang naitulong mo para sa akin." I said with full of sincerity.
He smiled. "Wala 'yon. Mahal kita e,"
May huli siyang sinabi pero hindi ko na ito masyadong narinig pa. Hindi ko na lang 'yon pinansin instead ay nginitian ko na lang siya.
"Papasok na ako sa loob, ha? Mag-iingat ka sa pagdadrive." sabi ko. Tumango lang siya at sumakay na ulit sa loob ng kotse niya saka ito pinaandar hanggang sa makaalis na siya.
Nang tuluyan na siyang makaalis ay pumasok na ako sa loob ng bahay namin at naabutan ko doon sina kuya Travis at Gio na nagtatawanan. Nang mapansin na nila akong dalawa ay tumayo na si kuya Travis sa pagkakaupo niya sa couch.
"Nandito ka na pala, Princess. May pag-uusapan pala kayo ni Gio kaya maiiwan ko muna kayo." Sabi ni kuya Travis. I nodded and kissed his cheek.
Nang makaalis na si kuya paakyat sa kwarto niya ay umupo naman ako sa tabi ni Gio na seryoso lang na nakatingin sa akin.
Kailangan kong sabihin ang lahat sa kanya. He's my real friend and I trust him so much.
Hinapit niya ang baywang ko at ni-lean ang ulo ko sa balikat niya. Napapikit na lang ako. He was just like this kahit noong mga bata pa lang kami kapag malungkot ako o may problema.
"Nakipaghiwalay ka na ba kay Russsel?" Tanong niya.
Tumango lang ako. He sighed.
"Tama lang ang ginawa mo. Baka kung hindi ka nakipaghiwalay sa kanya ay saktan at pahirapan ka lang niya."
Humarap ako kay Gio at ngumiti ng malungkot. "Hindi ko alam Gio, pero kahit baliw man siya o obsessed sa akin ay mahal ko pa rin siya. Umaasa ako na gagaling at magbabago si Russel sa Mental Hospital. Sinabi niya noon na mahal niya ako kaya umaasa rin ako sa salitang 'yon. Kasi ikaw na nga mismo ang nagsabi na ang pagmamahal ay pagsasakripisyo. Kung totoong mahal ako ni Russel ay magbabago siya para sa akin at sa sarili niya."
Natahimik si Gio sa mga sinabi ko pero 'di kalaunan ay tumango lang siya at ngumiti rin.
"Oo Alanis, kailangan mong magsakripisyo para sa taong mahal mo. Kahit masakit at namanhid ka na sa sakit ay gagawin mo 'yon para sa ikaliligaya niya. Ayon ang tunay na pagmamahal."
Gio is a man of few words. Tahimik lang siya at malihim pero totoo siya sa sarili niya at selfless rin. Napakabuting lalake niya at masuwerte ang babaeng makakasama niya nang pang habangbuhay.
"Masuwerte ako na naging kaibigan kita, Gio. Maswerte ang magiging asawa mo in the future." Umiling lang siya at ngumiti saka ito yumuko.
"I hope so."
Umaasa ako sa'yo, Russel.