ALANIS' POV
Mamayang hapon na ang flight namin ng pamilya ko papuntang amerika. Nakapagpaalam na rin ako sa mga YGA officers, Principal and staffs na aalis na ako ng Pilipinas at magta-transfer sa ibang school. Pati na sa mga kaibigan ko sa Masbate na sila Lara, Gio at Inah.
Sobra ang pagkalungkot nila sa ibinalita ko na sa amerika na kami titira ng pamilya ko lalong-lalo na si Lara. Umiyak pa nga ito at sinabi na mamimiss niya raw ako at pati na ang mga kalokohan naming dalawa. Kung puwede nga lang sana na hindi na kami umalis pa kaso ay wala akong magawa dahil para rin naman sa amin ni kuya Travis ang ginagawa nila mama at papa. They want a better future for us kaya hindi kami makatanggi ni kuya Travis.
Nagpaalam na rin ako kay Uste pero nasa ibang bansa na siya ngayon at doon na nag-aaral. Mas pinili niyang lumayo na muna pagkatapos ng break-up nila ni Lara. Nalaman ko ang lahat-lahat sa kanilang tatlo nila kuya Travis. Kaya pala ganon na lang ang tensyon noon sa pagitan nila kuya Travis at Uste. Hindi ko naman masisisi si Lara doon dahil naipit lang rin siya sa sitwasyon nila.
Julian bid a goodbye to me. Bago ako umalis dito sa pilipinas ay dumalaw ulit ako sa bahay ampunan nila Sister Mercy at tumulong sa Dental Mission at Medical check-up nila. Masaya ako dahil nakatulong ako sa ibang tao at napakagiliw pa ng mga bata doon lalong-lalo na sina Angel at Harold.
Kinukulit pa rin ako ni Harold na siya raw ang pakakasalan ko kapag lumaki na siya habang si Angel naman ay palaging sinasabi na boyfriend ko si Julian. Tinatawanan na lang namin ni Julian ang mga panunukso nila.
Si Marinel naman ay umiyak rin at sinabi niya na baka raw pagbalik ko dito sa Pilipinas ay nasa Australia na siya. Pagkatapos kasi ng pasukan ay magma-migrate na sila ng pamilya niya doon. Pareho rin pala kami at sigurado ako na mamimiss siya ng todo ni Denver. Napansin ko nga na close na silang dalawa pero hindi naman daw sila.
Bumuntong-hininga ako at hawak ko ang papel kung saan nakalagay ang address ng Mental Hospital na kung saan ay nandoon si Russel.
Ito ang unang beses na makikita ko ulit siya after 3 months. Gusto kong makapagpaalam ng pormal sa kanya. Nagpahid ako ng luha dahil hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
Nagtungo na ako sa Mental Hospital pagkatapos ay nakarating ako ng maayos at pumasok na sa loob nun. Pagkapasok ko ay puro mga lalake at babaeng pasyente ang nakikita ko habang hawak sila ng mga assistant nurses na nakaputi.
Ang iba sa kanila ay tahimik lang, may nagsasalitang mag-isa, nagwawala at tumatawa. These persons are suffering from mental illness. Hindi ko alam kung bakit umabot sila sa punto na parang nawawala na sila sa sarili nila o sa katinuan but I don't want to judge them. Hindi ko rin alam ang mga pinagdaanan nila kaya sila nagkaganyan. They have their own story and reasons like Russel.
May lumapit sa akin na isang lalakeng nurse. He's smiling at me at nang tinignan ko ang nametag niya ay Benji ang pangalan niya. Gwapo ito at disenteng tignan.
"Hello po, Ma'am. May hinahanap po ba kayong pasyente?" Tanong niya sa akin.
Tumango naman ako. "Oo, meron nga. Nandito ba si Russel Madrid?" Sandaling natigilan si Nurse Benji pero pagkaraan ay tumango ito.
"Yes, Ma'am. Nandoon po siya sa may garden. Halina po kayo at sasamahan ko kayo doon." Nakangiting sabi niya.
Ngumiti na lang rin ako at sinundan ang nurse papunta sa garden kung nasaan ay nandoon ang lalakeng mahal ko.
"Ah, Ma'am, pwede po bang magtanong?" Nahihiyang tanong sa akin ng nurse na si Benji at napakamot pa ito sa batok niya.
"Oo naman. Ano 'yon?" Nakangiti ko namang sabi.
"Boyfriend niyo po ba si Russel?" Tanong niya. Natigilan ako pero pagkaraan ay tumango lang ako.
Tumango si nurse Benji at hindi na muling nagsalita pa. Nang makarating na kami sa garden ay iniwan na ako ni nurse Benji at sinabi na nakaupo lang raw si Russel malapit sa may puno.
Nahagip kaagad siya ng mga mata ko at nakita ko siyang nakatingala sa maliwanag na langit habang nakapikit. Nangilid ang mga luha ko at dahan-dahang lumapit sa pwesto niya.
Pagkatapos ng tatlong buwan ay ngayon ko lang siya ulit nakita. Gwapo pa rin siya katulad ng dati. Nangangatog ang mga tuhod ko at bumibilis na ang t***k ng puso ko habang papalapit sa kanya.
Ang Russel ko, ang taong mahal na mahal ko. Nakikita ko na siya ngayon. God knows how much I miss him.
Tuluyan na akong nakalapit sa kanya. Ganon pa rin ang pwesto niya, nakapikit at nakatingala sa langit. Dahan-dahan naman siyang nagmulat ng mata at sinalubong ako ng tingin.
Napanganga ang bibig niya pagkakita sa akin at nakita ko ang unti-unting pagtulo ng mga luha niya.
"Alanis?" Sabi niya sa nanginginig na boses.
Tumango naman ako at ngumiti. "Ako nga Russel. Si Alanis 'to." nanginginig kong sabi. Tumayo kaagad si Russel mula sa pagkakaupo niya at niyakap ako.
Napahagulgol na ako ng tuluyan at niyakap siya pabalik. Sobrang miss na miss ko na siya. Walang araw na hindi ko naiisip si Russel. Siya lang ang may kayang patibokin ang puso ko at guluhin ang buong sistema ko. Tuluyan na ring humagulgol si Russel habang yakap pa rin ako.
"Patawarin mo ako, Alanis. Patawarin mo ako sa mga nagawa kong kasalanan sa'yo. Kung sinaktan kita at naging makasarili na ako at pati ang damdamin mo at kalayaan mo ay hindi ko na naisip pa. Patawad.."
Ramdam ko ang sakit at panghihinayang sa boses ni Russel. Naramdaman ko ang sinseridad niya.
Alam ko, tuluyan nang nagbabago si Russel para sa sarili niya. Tama ako.
Hinarap ko naman siya sa akin at nginitian siya. "Matagal na kitang pinatawad, Russel. Naiintindihan kita kung bakit mo nagawa ang lahat ng 'yon." umiiyak kong sabi. Pinunasan naman niya ang mga luha ko pagkaraan ay hinalikan niya ang noo ko.
"Pangako, magbabago na ako para sa'yo para maging karapat-dapat na akong lalake sa'yo. Bibigyan kita ng kalayaan at suporta sa kahit anong gusto mo. Mahal na mahal kita kaya gagawin ko ang lahat para gumaling na ako sa sakit kong 'to. Sobrang mahalaga ka sa akin, Alanis..." Umiiyak niyang sabi.
Mas lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya. Naghuhurumentado na ito. Mahal na mahal ako ni Russel kaya gagawin niya ang lahat para sa akin.
Masuwerte ako dahil may siya sa buhay ko. Handa siyang magbago para sa akin.
Pero nang naisip ko ang dahilan ng pagpunta ko rito ay yumuko ako habang naluluha pa rin.
"R-Russel, may gusto akong sabihin sa'yo." Natigilan naman siya at hinawakan ang isang kamay ko.
"Ano 'yon, Alanis?" I look at him.
Matagal kong hindi makikita ang mukha ng lalakeng mahal ko. Ang maamo at makisig niyang mukha. Ang mapupungay na mga mata niya at ang kanyang totoong pagkatao. Mamimiss ko siya.
I sighed deeply. "Aalis na kami ng pamilya ko dito sa Pilipinas mamayang hapon. Doon na kami titira sa amerika."
Halos hindi siya makapagsalita dahil sa sinabi ko at umiling ito ng paulit-ulit.
"H-hindi. Hindi mo ako iiwan, Alanis. Magbabago ako para sa'yo basta ay 'wag mo lang akong iwan..." Nanghihina niyang sabi at napaluhod na ito.
Ang sakit na makita na nasasaktan si Russel. Ang sakit magpaalam sa kanya. Ayoko siyang iwanan pero para sa aming dalawa ay gagawin ko ito.
Gusto kong maging isang mabuti at may maipagmamalaking babae sa oras na balikan ko siya.
Lumuhod rin ako at pinantayan ko si Russel and I cupped his face. "Babalik rin ako. Babalikan kita kaya magkikita pa rin tayo." Sabi ko sa nanginginig na boses.
Umiling lang siya ulit. "Huwag mo akong iwan, please.. nagmamakaawa ako, Alanis!" Russel held my both hand.
Ayoko siyang iwan pero para sa aming dalawa itong gagawin ko. Kung kami talaga ang para sa isa't-isa ay magkikita at magkikita pa rin kami. Naniniwala ako sa tadhana naming dalawa.
Labag sa loob kong tinanggal ang mga kamay niya sa kamay ko at tumayo na. Tinatagan ko ang boses ko at napalunok.
"Pangako, babalikan kita at sana sa oras na bumalik ako dito ay tuluyan ka na rin magbago. Magbago ka para sa sarili mo. Tulungan mo ang sarili mo, Russel at kung tayo talaga ang para sa isa't-isa ay magtatagpo pa rin ang mga landas natin." Tumigil ako sa pag-iyak saka nagpunas ng luha ko and I left him hanging and broken.
Nang tuluyan na akong nakalayo sa kanya ay napatakip ako ng bibig ko at humagulgol na nang tuluyan.
Magkikita pa rin tayo, Russel. Pangako.