Kabanata 2

1578 Words
ZELLE'S POV "Zelle!" Lumingon ako sa tumawag ng pangalan ko at nakita ko si Yves na papalapit sa amin habang nakatitig ng masama kay Miguel. "Hey lil bro! I didn't know na nandito ka pala." Nakangiti namang sabi ni Miguel kay Yves nang makalapit na ito sa amin. Lil bro? Magkapatid sila? Hindi sinagot ni Yves ang sinabi ni Miguel at hinila niya lang ako at itinago sa likod niya. Mukha namang natutuwa pa si Miguel dahil parang galit pa itong si Yves sa kanya. "Anong ginagawa mo sa girlfriend ko?" Tanong ni Yves na may nakakamatay pa rin na tingin kay Miguel. Tumawa naman si Miguel. "Nakasalubong at nagkabungguan lang naman kami and I didn't know na girlfriend mo pala si Zelle. Hindi ka man lang nagkukwento sa akin na may girlfriend ka na pala. I'm your kuya, right? kaya dapat hindi ka nagtatago ng sikreto sa akin." Sabi pa niya. Nagulat naman ako. Kapatid pala talaga ni Yves si Miguel? Pero ang akala ko ay nag-iisa lang siyang anak? "Half brother lang kita, Miguel at hindi na kita kailangan pang ikwento sa lahat o sa girlfriend ko. Tara na Zelle umalis na tayo dito." Sabi lang ni Yves at kaagad niya na akong hinila papalabas ng bar leaving Miguel na nakangisi lang sa amin. Pagkalabas namin sa bar ay kaagad kaming sumakay sa kotse niya at pinaandar kaagad ito. Habang nagmamaneho ay tinititigan ko si Yves. Ngayon ko lang siya nakitang magalit nang ganito at mukha ngang may issue siya sa kapatid niya. "He's my half brother. Anak siya ni Dad sa unang naging asawa niya. Nakatira siya sa amerika at hindi ko alam kung bakit nandito siya ngayon sa Pilipinas." Biglang pag-imik ni Yves habang nagmamaneho pa rin. Dahil sa sinabi niya ay naliwanagan na ako. "You should stay away from him. Lahat gagawin niya para lang makuha ang lahat ng meron sa akin. He's very jealous and insecure of me since then dahil palagi akong pinapaburan ni Dad. I can't blame Dad dahil lumaking rebelde at pasaway 'yang si Miguel." Seryosong sabi niya. Tumango naman ako. "Okay. I understand. I'm sorry hon kung kinausap ko pa siya. Hindi ko naman kasi alam na kapatid mo pala siya at ganon pala ang trato niya sa'yo." Malungkot kong sabi at napayuko. Lumingon naman siya sa akin at ngumiti. "It's not your fault, hon. Sa susunod ay hindi ka na niya malalapitan pa." I nodded again and smiled at him. Napakabait talaga nitong si Yves. Kahit na ganon sa kanya si Miguel ay mukhang hindi naman siya nagtatanim ng sobrang galit para dito. That his brother after all at magkadugo pa rin sila. Pagkatapos akong maihatid ni Yves sa bahay namin ay pumasok na ako sa loob ng bahay at naabutan ko si Kuya Ian na nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv. Nang makita niya ako ay napailing lang siya saka niya muling itinuon ang atensyon niya sa tv. Hindi ko nalang siya pinansin at kaagad na nagtungo sa kwarto ko. Naghilamos ako at nagpalit na ng pantulog. Napangiti naman ako nang magtext kaagad sa akin si Yves. From: Hon You should need to rest. Medyo ginabi na tayo at sana hindi ka napagalitan ng mga kapatid mo. Goodnight hon and I love you. :) Kaagad akong nagreply. To: Hon Ikaw rin dahil mukhang marami kang nainom kanina. Hindi naman nila ako napagalitan kaya you don't need to worry. Goodnight and I love you too, hon. :) Pagkatapos ay may kinuha naman ako sa drawer ko at box iyon na naglalaman ng mga pictures namin ni Yves noong 13 years old palang ako habang 14 years old naman siya nun at ayon rin ang simula na naging kami. Ang bata pa namin that time para magkaroon ng relasyon pero hindi naging hadlang iyon para sa aming dalawa. He really loves me and I love him too. Napukaw naman ang atensyon ko sa isang plastic na singsing na nasa loob ng box ko. Ito ang huling ibinigay niya sa akin bago siya umalis. Umiling ako at kaagad ibinalik sa box ang bagay na iyon. Kinabukasan ay binulabog ako ng mga kaibigan kong sina Jade, Winona at Clarence dito sa bahay at niyayaya nila akong sumama sa kanila doon sa bukid para magvolleyball daw. Kahit hindi naman ako marunong maglaro nun ay sumama nalang ako sa kanila at papanoorin ko nalang silang maglaro. Kababata ko sila Jade, Winona at Clarence. Hindi mayaman ang pamilya nila ngunit hindi iyon naging hadlang para maging magkakaibigan kami. Nakilala ko sila dahil sila mismo ang nakipag kaibigan sa akin noong bata palang ako habang nahuli nila akong naglalaro ng manika mag-isa sa bukid. Matapos ang ilang minuto na paglalakad ay nakarating na rin kami sa bukid. Napangiti ako dahil sa ganda ng tanawin dito sa bayan namin. Puno ng mga halaman, bulaklak at puno na may sariwang hangin. May mga batang naglalaro ng piko, chinese garter at luksong baka at may mga kalalakihan naman na naglalaro ng basketball sa isang patag na lupa na ang net ay gawa lang sa dahon ng saging at ang poste sa net ay kahoy lamang. Napakasimple ngunit masaya at mapayapa. "Ang hirap talaga maging Diyosa. Nasa malayo palang tayo ay pinagtitinginan ka na nung mga lalaki na naglalaro ng basketball, Zelle." Sabi ni Jade at itinuro nito ang mga lalaking naglalaro ng basketball at nakatingin nga ito sa direksyon namin. "Wala tayong magagawa, maganda ang kaibigan natin, e." Sabi naman ni Clarence at bigla akong inakbayan. "Pero nakakatakot rin na may ganyang ganda lalo na kung sila Eusev at ang grupo niya ang pumupuntirya kay Zelle." Sabi naman ni Winona na busy sa pagkuha ng litrato habang hawak niya ang bola ng volleyball niya. Tama si Winona, minsan nga naisip ko nalang na sana hindi nalang naging ganito ang itsura ko dahil kahit saan ako magpunta ay may mga matang nakabantay sa akin lalo na 'yung grupo nila Eusev. Kilalang-kilala si Eusev Altamirano sa buong bayan namin dahil General ang tatay niyang si Ronaldo Altamirano sa buong probinsya ng San Vicente. Gwapo at makapangyarihan si Eusev at ayon ang ginagamit niya para mambully at makapanakit ng tao kasama ang mga kaibigan niyang sina Henry, William, Joey at Benson. Tahimik na lalaki si Eusev pero sobra siyang kinatatakutan ng lahat kapag binangga mo ang isang tulad niya. Kung ayaw mo ng gulo ay kailangan mo siyang iwasan at ang grupo niya. Hindi rin sila kayang mapakulong dahil malakas ang kapit nila Eusev sa awtoridad at kaya nilang baliktarin ang lahat. "Speaking of him, papalapit na sila sa atin." Takot na takot na bulong sa akin ni Winona. Napatahimik naman kami nang makita nga namin sila Eusev at ang mga kaibigan niya na papalapit sa amin. "Hello, Zelle." Tipid na bati sa akin ni Eusev. Kumaway naman sa akin ang mga kaibigan niya. "Hello ganda!" Bati nila. Nakita ko naman ang masasamang titig nila Jade, Winona at Clarence sa grupo nila Eusev. "H-hello din." Nauutal ko namang sabi. "Ano palang ginagawa niyo dito? Would you mind if samahan namin kayo? I-treat ko na rin kayo nang kahit anong gusto niyo." Nakangiting sabi niya sa akin. Mabait siya sa akin at kailanman ay hindi niya ako pinakitaan ng rude side niya kaya hindi ko siya magawang sungitan o pakitaan ng mali. Sa akin lang siya ganito dahil sa ibang tao ay hindi naman siya ganitong makipag-usap o kahit pa nga sa mga kaibigan niya. Alanganin naman akong ngumiti. "Okay lang naman kami at hindi mo na kailangang mag-abala pa. Sinasamahan ko lang ang mga kaibigan ko dito." Sabi ko. Sa presence palang ni Eusev ay talagang kinakabahan na ako kahit na mabait pa siya sa akin. Tumango naman siya. "Ganon ba. Kung okay lang sa'yo pwede bang yayain kita mamayang gabi sa kabilang bayan? Balita ko ay may magandang events dun at sure akong mag-eenjoy ka." Nakangiti pa rin niyang sabi. Nakita ko naman na lihim na napairap si Jade at Winona dahil sa pag-anyaya sa akin ni Eusev. Kahit alam ni Eusev na boyfriend ko ang pinsan niyang si Yves ay hindi pa rin siya tumitigil sa kakasuyo sa akin. Hindi ko talaga alam ang tumatakbo sa isip niya. Umiling naman ako. "I'm sorry, Eusev pero hindi ko matatanggap ang imbitasyon mo. Baka magalit pa sa akin si Yves." Sabi ko naman. "Okay lang naman siguro 'yon sa kanya? Pinsan naman niya ako at wala naman sigurong masama kung yayain kita para lang mas makilala pa kitang lalo." Sabi niya ng seryoso. Napapikit nalang ako at saka nagmulat. "I'm sorry pero hindi talaga pwede. Sa iba ka nalang siguro magyaya. Marami namang babaeng nagkakagusto sa'yo at sure akong hindi ka nila tatanggihan. Tara na guys!" Sabi ko nalang sa kanya at kaagad nang hinila ang mga kaibigan ko paalis sa kinaroroonan nila Eusev. Nang makalayo na kami sa kanila ay napahinga naman ako ng maluwag. "Alam na nga niyang pinsan niya ang boyfriend mo tapos niyayaya ka pa niyang lumabas? Ang lakas talaga ng apog ng lalaking 'yon!" Singhal ni Jade at nagpaypay pa ito sa sarili niya. "Halatang patay na patay sa'yo si Eusev." Naiiling naman na sabi ni Clarence. "Kaya Zelle, hangga't maaari ay iwasan mo 'yang si Eusev. Don't fall for his sweet words dahil kapag napalapit ka sa kanya ay manganib ang buhay mo! Mukha na siyang obsessed sa'yo!" Babala namang sabi ni Winona. Winona is right. I need to stay away from Eusev.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD