ALANIS' POV
[Before Alanis, Russel, Julian and Chloe's Confrontation]
Hinila na lang ako kung saan ni Julian hanggang sa mapadpad kami sa isang bahay ampunan.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko at pinagmasdan ang kabuuan ng bahay ampunan. Hindi ito gaanong malaki pero malinis naman ito at maaliwalas.
Ngumiti siya sa akin. "Gusto ko lang sana na makilala mo ang mga importanteng tao sa buhay ko."
May kung anong humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. Bakit ibang-iba siya? Bakit kapag si Julian ang kasama ko pakiramdam ko ay ligtas ako at magagawa ko ang mga bagay na makakapagpasaya sa akin?
Hindi ako nakaimik hanggang sa hinila niya na ako papasok sa loob ng bahay ampunan. Pagkapasok namin doon ay sinalubong kami ng isang madre.
"Julian, anak mabuti at napadalaw ka. Alam mo bang miss na miss ka na ng mga bata?" Nakangiting sabi ng madre hanggang sa mapatingin siya sa akin. Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin ang madre pabalik.
"Sister Mercy, gusto ko lang po sanang ipakilala sa inyo ang kaibigan kong si Alanis." Pagpapakilala sa akin ni Julian kay Sister Mercy.
"Hello po sa inyo," Nakangiting bati ko at nag-bow bilang tanda ng pagrespeto.
"Ikinagagalak kong makilala ka, Alanis. Napakaganda mong bata at nakikita ko na napakabuti mong tao." Hinawakan naman ni Sister Mercy ang mga kamay ko.
"Salamat po." Sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Mabuti pa at puntahan ninyo ni Julian ang mga bata sa garden. Siguradong matutuwa sila kapag nakita kayo."
"Matagal ko na nga pong hindi nabibisita ang mga bata lalo na sina Angel at Harold kaya babawi po ako ngayon." sabi ni Julian habang ginagaya kami ni Sister Mercy papuntang garden.
"Nako hijo, palagi ka nga nilang hinahanap sa akin." Sabi naman ni Sister Mercy.
Nagkamali ako ng unang pagkakakilala kay Julian. Nakikita ko na malapit siya sa ibang tao lalo na sa mga batang nandito sa bahay ampunan. Hindi ko lang siguro alam na sa ugaling ipinapakita niya noon sa YGA ay ibang-iba siya sa labas ng YGA.
"Hihingi na naman siguro sa akin ng chocolate ang mga batang 'yon!" Natatawang sabi ni Julian at napakamot ito sa ulo. Nakakatuwa siyang tignan.
Narating na namin ang garden at naabutan ang mga batang siguro nasa edad tatlo hanggang pitong taong gulang na naglalaro. Ang iba ay nagdu-drawing, nagbabasa ng libro, naglalaro sa may seasaw at may mga nagsusulat rin.
"Mga bata, may mga bisita tayo. Batiin natin sina kuya Julian at ate Alanis." Sabi ni Sister Mercy sa mga bata.
Nagpaalam na siya sa amin ni Julian na maiwan raw muna niya kami dito. Tumango lang kaming dalawa ni Julian. Napalingon ang mga bata sa amin at itinigil ang kanilang mga ginagawa hanggang sa tumayo silang lahat at nag-bow sa amin.
"Welcome po, kuya Julian at ate Alanis!" Masiglang bati nila hanggang sa lumapit na sila sa amin at halos dumugin na kaming dalawa ni Julian.
"Kuya Julian, tino po 'tong katama niyo? Ang ganda po niya." May pagkabulol na sabi ng batang lalakeng maliit ang mga mata habang nakayakap sa mga braso ni Julian.
Pinantayan naman ni Julian ang batang lalake at ginulo ang buhok nito. "Siya si ate Alanis mo, Harold." Ngumiti sa akin si Harold at yumakap rin sa braso ko.
"Hi po ate Alanis! Ako po ti Harold. Ang ganda niyo po, pwede po ba tayong magmarry paglaki ko po?" Nagulat naman ako sa sinabi ni Harold na ikinatawa lang ni Julian.
"Hindi mo siya pwede i-marry kasi gerlpren ni kuya Julian si ate Alanis!" Sabi naman ng isang batang babaeng may bangs na maputi at napaka cute.
Kaming dalawa na ni Julian ang nagulat sa sinabi ng batang babae hanggang sa kinarga na lang niya ito.
"Angel, kaibigan ko lang si ate Alanis mo." Nakangiting sabi ni Julian at tinap ang ulo ni Angel.
Ngumuso lang si Angel. "Bagay po kayo ni ate Alanis kasi maganda po siya at gwapo po kayo." Natahimik ako bigla doon at namula.
Napakamot na naman ng ulo si Julian at parang hindi na alam ang sasabihin. "A-ano kasi, Angel.."
"Ako lang ang pwedeng i-marry ni ate Alanis!" Sigaw bigla ni Harold kay Angel.
"Hindi ka nga pwedeng i-marry ni Ate Alanis kasi ang liit liit mo pa. Si ate Alanis at kuya Julian ang pwedeng magpakasal!" Pagtatalo ng mga bata.
Ang ibang mga bata naman ay inasikaso na ng ibang mga madre at pinagpatuloy na sila sa mga ginagawa nila kanina.
Nagpabuhat sa akin bigla si Angel kaya binuhat ko siya. "Angel, Harold. Hindi ba't sinabi ko na sa inyo na 'wag kayong mag-aaway?" Malambing na sabi ni Julian kaya tumahimik at tumango ang mga bata.
"Anong sasabihin niyo kapag may nagawa kayong mali?" Tanong niya sa mga bata.
"Sorry po, ate Alanis at kuya Julian." Sabay na sabi nila Angel at Harold sa amin.
Napangiti ako. Ang saya tignan na natuturuan ng tamang asal ni Julian ang mga bata.
I've never expect him to do this kind of thing. I'm amused.
"Okay lang 'yon mga kids basta next time ay 'wag na kayong mag-aaway, ha?" Sabi ko naman sa dalawang bata.
"Opo, ate." Sabay na sagot nila.
"Oh sige, bumalik na kayo sa paglalaro ninyo at mag-uusap lang kami ni ate Alanis niyo." sabi ni Julian.
"Okay po." Ngumiti ang mga bata at binaba na sila mula sa pagkakakarga namin at tumakbo na sila papunta sa mga pwesto nila kanina.
Napangiti kaming dalawa ni Julian habang pinagmamasdan si Angel na nagdu-drawing at si Harold naman na nagse-seasaw kasama ang isa pang batang lalake.
"Mahilig ka pala sa mga bata?" Tanong ko na ikinalingon ni Julian.
"Oo. Wala na kasing tama sa buhay ko pero kapag nagpupunta ako dito sa ampunan ay nararamdaman ko na importante ako at may nagmamahal sa akin." Ngumiti siya ng mapait at yumuko ito. Hinawakan ko naman siya sa balikat niya.
"Wag mo ngang isipin 'yan, Julian. Sigurado akong mahal ka ng pamilya mo." Pagpapalakas ko ng loob sa kanya.
Nagkibit-balikat lang ito. "I don't know."
Natahimik siyang bigla na ikinabahala ko kaya iniba ko na lang ang topic.
"Paano mo pala sila nakilala? Sila Sister Mercy at ang mga bata?" tanong ko.
"Nakilala ko sila dahil madalas kaming magpunta dito ng lola ko simula bata pa lang ako noong nabubuhay pa siya tuwing may mga missions o program ang ampunan. Napamahal na silang lahat sa akin." Nakangiti niyang sabi.
Nahiya akong bigla. Sobra ko siyang hinusgahan nung una pero hindi ko alam na may mabuting side pala siya.
"Julian, sorry kung jinudge kita nung una. Hindi ko alam na-"
"Wala kang dapat ikahingi ng tawad, Alanis. Kasalanan ko rin naman. Masyado akong makasarili at mapagmataas na nakilala niyo sa school natin." sabi niya.
Umiling ako. "Hindi naman sa ganon."
Ngumiti lang siya at tinitigan ako na ikinailang ko hanggang sa napunta na ang mga mata niya sa mga hita ko.
Namula ako. Nakasuot nga pala ako ng micro shorts. Mabuti at nagsuot ako ng coat kundi pati ang itaas kong expose ng dibdib ko ay makikita rin niya. Pawis na pawis pa ako dahil naglinis ako. Nakakahiya kay Julian!
"H-huwag ka ngang ganyan kung makatingin sa akin," Sabi ko at tumingin sa kabilang side. Narinig ko na lang ang mahina niyang pagtawa.
Ilang oras rin kaming nagtagal ni Julian sa bahay ampunan. Mababait at magagalang ang mga bata doon. Bakit may mga magulang na kayang iabandona ang mga anak nila? They are precious angels at binigay sila ng Panginoon sa kanila.
Bigla ko tuloy naalala si.. hays. Dapat hindi ko na siya inaalala pa. Nakaclose ko na rin kaagad sila Sister Mercy, Angel at Harold at ang iba pang mga bata at madre doon. Nangako naman ako na babalik ulit sa ampunan para tumulong sa check-up and dental mission na gaganapin daw next month.
Niyaya ako ni Julian na pumunta sa bahay nila para kumain kaya sumama na ako. Nagugutom na rin kasi ako dahil hindi pa ako kumakain ng tanghalian at nagpumilit rin siya kaya pumayag na lang ako.
Pansamantala kong nakalimutan ang sakit at pag-iisip dahil sa kanya pero alam ko na bukas ay iiyak at masasaktan na naman ulit ako.
Nakarating na kami sa mansyon nila Julian na nagtatawanan. Kinukuwento niya kasi sa akin ang mga nakakahiyang pangyayari sa kanya noong bata pa lang siya.
Habang papalapit na kami sa gate nila ay may isang pamilyar na lalake akong nakita na nakatayo doon kasama ang isang babae. Nang tuluyan na kaming makalapit sa pwesto nila ay halos mangatog at kabahan ako sa lalakeng nakita ko.
Si Russel ito na madilim ang buong mukhang nakatingin sa amin ni Julian. Ngumisi siya na mas lalo ko pang ikinatakot.
"What a beautiful scene, baby." mariin niyang sabi. Napatingin ako sa kasama niya. Si Chloe, ang kapatid ni Julian.
"R-Russel.." Tanging nasabi ko na lang at napaluha na.
Nagulat na lang ako sa sunod na ginawa ni Russel. Lumapit siya kay Julian at sinuntok ito sa mukha dahilan para mapaatras si Julian. Kaagad naman siyang inawat ng mga guwardya.
"Sabi ko na nga ba, bantay salakay ka rin. Mang-aagaw kang gago ka! Ano ba? Bitiwan niyo nga ako!" Galit na sigaw ni Russel habang pilit na tinatanggal ang pagkakahawak sa braso niya ng mga guwardya.
Lumapit naman si Chloe kay Julian at inalalayan ito. "Kuya, nagdudugo ang labi mo." Umiiyak na sabi ni Chloe. Umiling lang si Julian at bumaling kay Russel.
"Kasalanan ko ba na nakipagbreak sa'yo si Alanis? Iniwan ka niya dahil sinasaktan mo na siya sa nakakasakal mong pag-ibig!" Sigaw naman ni Julian.
"Gago ka!" Akmang susugod na si Russel nang mapigilan siya ulit ng mga guwardya.
Napadako ang tingin sa akin ni Russel. "Si Julian lang pala ang ipapalit mo sa akin, Alanis? Ano bang pwede niyang ipagmalaki sa'yo? Wala di'ba? Bobo 'yan at tanga kaya hindi kayo bagay!" Sigaw niya.
Anong nangyayari sa kanya? Bakit ba siya nagkakaganito?
Ang akala ko ba ay magbabago ka na para sa akin, Russel pero ano na naman 'tong ginagawa mo?
Hindi ako makaimik at napaluha na lang.
"Ilayo niyo na nga 'yan dito, Manong guards at baka masaktan pa niya kami." sabi ni Chloe na masamang nakatingin kay Russel.
Nilalayo na ng mga guards si Russel habang nagpupumiglas pa rin ito sa pagkakahawak sa kanya.
"Hindi ako papayag na magkasama kayo! Guguluhin ko kayo hangga't nabubuhay ako. Sa akin ka lang, Alanis!" Sigaw ni Russel hanggang sa tuluyan na siyang nalayo ng mga guwardya.
Napatakip naman ako sa mukha ko at humagulgol na nang tuluyan. Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Julian.
"Huwag kang mag-alala, Alanis. Poprotektahan kita mula kay Russel."