NEIL'S POV
Kumalat na sa buong campus ng YGA na ang Presidente ng Student Council Government na si Russel Madrid ay dinala sa isang Mental Hospital. Nabalitaan namin ang pang-haharass at panggugulo raw na ginagawa niya kay Alanis. Mabuti na lang at naprotektahan ni Julian si Alanis.
Sinasabi ko na nga ba, may pagkabaliw talaga ang Russel na iyon. Tama ang mga hinala ni Julian sa kanya noon pa. Akala ko pa man din na matino si Russel. Pero, bakit ko nga ba sila pinoproblema kung ang sarili kong problema ay hindi ko magawang masolusyunan?
Paano ba kasi nalaman ni Elka ang mga pinagsasabi niya noon sa Gymnasium? Napahiya pa tuloy si Marinel sa buong YGA kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pumapasok sa klase niya. Napansin ko nga na pati si Denver ay hindi na rin pumapasok sa klase simula noong mga nangyari sa Gymnasium.
Nakokonsensya ako, noong una siguro ay naging rebound ko lang talaga si Marinel dahil desperado na akong makalimot kay Chloe pero habang tumatagal na ay unti-unti ko na ring nagugustuhan si Marinel. Napakabait niya at nararamdaman ko na mahal na mahal niya talaga ako.
Ang tanga ko nga siguro na gawin lang siyang rebound noon. Maraming pwedeng magkagusto sa kanya kabilang na doon si Denver pero sa tuwing naiisip ko na may iba siyang kasamang lalake ay parang nasasaktan ako.
Pagkarating ko sa YGA ay dumiretso muna ako sa locker room para ilagay doon ang mga jerseys at rubber shoes na susuotin ko mamaya sa practice ng buong basketball team namin.
Habang naglalagay ako ng mga gamit sa locker ko ay laking gulat ko nang makita sina Denver at Marinel na nakangiti sa isa't-isa habang nag-uusap. Hindi naman nila ako napapansin habang malapit na sila sa pwesto ko. Dalawang locker lang ang pagitan namin ni Denver kaya alam ko na nasa tabi ko na sila ngayon.
Nang maramdaman na nila ang presensya ko ay nagulat si Marinel nang makita niya ako habang si Denver naman ay malamig lang na nakatingin sa akin.
Alam kong galit siya sa akin dahil nasaktan ko si Marinel.
"D-Denver, aalis na p-pala ako. M-may kailangan lang akong puntahan-" Mautal-utal na sabi ni Marinel na hindi makatingin sa akin. Pinutol naman ni Denver ang sasabihin niya.
"Hindi ka aalis dito, Marinel hangga't hindi ko nasusuntok sa harapan mo 'tong lalakeng ginawa ka lang na parang isang laruan!" galit na sabi niya sa akin.
Kaagad naman akong sinuntok ni Denver sa mukha ko kaya napaupo ako sa sahig.
Nakita ko ang pagpapanic ni Marinel sa gulong nangyayari ngayon. Susuntukin na sana ulit ako ni Denver nang pigilan siya ni Marinel na naluluha na.
"T-tama na Denver.. please..." Pagmamakaawa niya at niyakap si Denver.
Hindi ako makagalaw at napaiwas na lang ng tingin sa kanila.
Si Neil na buong buhay na nasasaktan kay Chloe ay himalang nasasaktan na ngayon dahil sa ibang babae?
Nakita ko ang pagkabigla ni Denver sa pagyakap sa kanya ni Marinel pero niyakap niya lang rin ito pabalik. "Sorry, Marinel. Hindi ko lang kaya na sinasaktan ka ng lalakeng alam kong hindi ka naman kayang mahalin pabalik." mariin nitong sabi habang nakatitig ng masama sa akin.
Naiintindihan ko si Denver. Matagal na niyang gusto si Marinel at dahil sa ginawa ko at pag-agaw ko sa babaeng mahal niya ngayon ay galit na galit siya sa akin. Ang sama kong kaibigan!
Simula noong mga bata pa lang kami ni Denver ay alam kong palagi na lang siyang nagpaparaya para sa akin. Parang ako lang ang laging nasa unahan habang pumapangalawa lang siya. Kahit na ganon ay hindi siya nagalit sa akin at itinuring pa rin ako na isang mabuting kaibigan. Kaya ito na ang tamang pagkakataon, kahit nagugustuhan ko na si Marinel ay kailangan ko na siyang layuan para sa ikaliligaya ni Denver.
Si Denver naman ang kailangang mauna at hindi ako.
Pinigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko saka tumayo at ngumisi ng peke sa kanila.
Tumingin ako kay Marinel. "Yes. I'm playing around with you, Marinel and thanks for your participation."
I lied. Lahat ng mga ipinakita ko sa kanya noon ay totoo iyon.
Gumuhit sa mga mata ni Marinel ang sakit ng mga sinabi ko habang si Denver naman ay nakakuyom na ang panga at handa na akong saktan ulit pero pinipigilan siya ni Marinel.
"Napakasama mo, Neil! Ganyan ka palang klase ng tao. Kung alam ko lang na ganyan ka, sana ay hindi na lang kita itinuring na kaibigan ko. Mahal ka ni Marinel pero ginawa mo lang siyang laruan mo. Wala kang puso!" Sigaw niya sa akin.
Napalunok ako at umiling. Masakit marinig ang mga sinabi niya pero kailangan kong panindigan ang mga ipinangako ko ngayon sa isip ko para sumaya naman siya sa babaeng mahal niya.
"Masama na kung masama pero at least nag-enjoy ako kay Marinel. Maganda siya at pwedeng ipagyabang sa lahat kaya hindi na rin ako lugi." pagsisinungaling ko.
Lumayo na ako sa kanila at umalis sa locker room pero bago pa man iyon ay nakita ko si Marinel na umiiyak na habang nakatingin naman sa akin si Denver ng masama habang pinapatahan nito si Marinel.
Tumalikod na ako kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. Masyado na akong naging makasarili kaya kailangan na magparaya na ako.
Magparaya na naman.
RUSSEL'S POV
Bumukas ang pintuan ng isang puting silid kung saan naroon ako at nakita ko ang isang nurse ng Mental Hospital na pinagdalhan sa akin kasama ang isang matandang babae na napakapamilyar sa akin.
Kilala ko siya. Siya si Lola Helen. Ang mabait naming kapitbahay na binibigyan ako ng pera at pagkain noong bata pa lang ako. Minsan ay sinasama niya ako noong magsimba at mamalengke. Matagal ko na siyang hindi nakikita pero kilalang-kilala ko siya. Isa siya sa taong nagmalasakit sa akin noon. Ang nagturo na habang may buhay ay may pag-asa pa.
Mababakas sa kanya ang labis na katandaan niya. Nakasalamin na ito, puti na ang buhok, may mga kulubot sa mukha at may hawak rin na tungkod. Iniwan na kami ng nurse habang si Lola Helen naman ay lumapit sa akin at sinapo ang buong mukha ko at nakita ko na umiiyak na siya.
"Lola Helen?" Tanging nasabi ko na lang.
Masaya ako na makita siya.
Tumango naman siya at hinawakan ako sa magkabilang-kamay. "Ikaw na ba iyan, Russel? Lumaki kang matipuno at napakakisig na bata." Sabi niya at niyakap ako.
Niyakap ko rin pabalik si Lola Helen. Pagkatapos ng aming yakapan ay umupo ito sa isang monoblock chair. Tumabi naman ako sa kanya.
May kinuha siya mula sa loob ng hawak niyang bag at inilagay ito sa palad ko.
It's a Bible.
"Bakit po pinuntahan niyo ako dito?" Tanong ko at napayuko dahil sa hiya.
Nahihiya ako kay Lola Helen. Pinuntahan niya dito ang isang baliw na katulad ko.
"Russel, nabalitaan ko ang nangyari sa'yo kaya ako nagpunta rito. Kilala kita, mabait at mabuti kang bata. Itong Bible na ibibigay ko sa'yo ay basahin mo araw-araw at nang mapagtanto mo na hindi mo kailangan gawin ang mga bagay na iyon na makakapagpasakit para sa taong mahal mo." Napaiyak ako at tumango.
Naniniwala ako sa mga sinasabi ni Lola Helen. Alam niya ang tama sa mali at alam ko na mapapabuti ako kung susunod ako sa mga sasabihin niya.
"Alisin mo ang sama ng loob diyan sa puso mo, anak. May mapait at masakit kang nakaraan pero hindi iyon dahilan para pati ikaw ay maging masama. Sinabi ko noon sa'yo na habang may buhay ay may pag-asa. Matuto kang maging mapang-unawa at mapagkumbaba dahil may Panginoon tayo na gagabay sa atin at hinding-hindi niya tayo pababayaan." Napahagulgol na ako nang tuluyan at niyakap ulit ako ni Lola Helen saka hinawi-hawi nito ang buhok ko.
"Lola Helen, mahal na mahal ko po siya..." Sabi ko habang umiiyak.
Hinarap naman ako ni Lola Helen at pinunasan ang mga luha ko. "Kung mahal mo siya ay kailangan mong intindihin ang nararamdaman niya. Mahalin mo siya nang walang halong pagdududa at pangamba. Ang totoong pagmamahal ay may pagtitiwala at may kalayaan. Kung mahal mo siya ay hindi na baleng ikaw ang masaktan basta ay huwag lamang siya."
Walang halong pagdududa at pangamba. Tiwala at kalayaan. Hindi baleng ikaw ang masaktan basta't huwag lang siya.
Mga bagay na hindi ko ginawa noon kaya pati ang kaisa-isang tao na minahal ako sa kung sino o kung ano ako ay nawala pa sa akin.
Ngumiti si Lola Helen sa akin. "Magbago ka, Russel dahil kung gagawin mo iyon ay tiyak na liligaya rin kayong dalawa. Alam kong mahal ka rin niya, anak dahil isa kang napakabuti at mapagmahal na bata."
Ngumiti rin ako kay Lola Helen at tumango.
"Magbabago na po ako para sa kanya, Lola Helen dahil.. mahal na mahal ko po siya."