Camila's POV Hindi alam ni Camila kung bakit parang masakit para sa kanya na nagbigay na ng ultimatum si Percy. Dapat matuwa siya dahil kung ipapakita niya rito na wala na silang pag-asa sa loob ng isang daang araw ay pakakawaalan na siya nito. Kaso ang lintok an puso niya kumikirot. Ang sakit ngayon pa lang, isipin pa lang niya na tuluyan na silang maghihiwalay ng landas ni Percy gusto na niyang manakit. Biglang niyang sinuntok ang kapatid na katabi niya sa sofa. "Ano ba, te!" singhal nito sa kanya pero patuloy pa rin sa pagdutdot sa cellphone nito mas lalo siyang nainis dahil hindi man lang siya tinignan ng kpatid niya. Wala na nga siyang makausap ayaw pa siyang pansinin. Ang anak niya hayun at giliw na giliw sa ama habang kasama si Menchung luka-luka. Hindi naman niya malaman kay P

